Chapter 7

24 19 0
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

Hindi niya alam kung saan siya madudurog. Kay Lyrae ba na nakayakap sa isang lalaki o makita itong umiiyak. Natuod lang siya sa kinatatayuan at unti-unting nawawasak ang kaniyang puso habang nakatingin sa dalawa. Sa isip ni Eman ay gusto niyang lapitan ito ngunit mayroong pumipigil sa kaniya.

Nang bumitaw na si Lyrae at nagpaalam itong umalis ay nagsimula na itong maglakad palayo. Pero, kung kanina ay nasaktan siya . . . ngayon naman ay mas nasaktan pa siya. Nakita niya kasing tumakbo papalapit sa dalaga ang isang estranghero at niyakap ulit ito nang mahigpit. Nakita rin niya ang paghalik nito sa noo na hindi niya magawa-gawa kapag siya iyong kasama ng dalaga.

"Huli na ba ako?" Natanong na lang niya sa sarili. Nang bumitaw ito ay hindi na niya natiis na pagmasdan ang dalawa at umalis na siya. Pakiramdam niya ay siya iyong talo.

Wala namang sila pero umiiyak siya, hindi niya namalayan.

Napatawa na lang siya nang malungkot at tumingala. "Kung kailan ko siya nahanap saka naman may um-eksena. Pero, hindi ibig sabihin na susuko ako." Pampalumbag-loob pa niya.

Lumingon ulit siya at nakita niya ang paglingon ng estranghero sa kaniya, tinaliman niya ito nang tingin. "Hindi ko hahayaan na masayang lahat ng pagod ko kakahanap. Kung may dayaan mang magaganap ay makikipaglaro ako. May the best man win." Aniya at nilisan iyong lugar.

Pagkauwi niya ay hindi na siya kumain ng haponan. Masyadong mabigat ang loob niya at nawawalan siya nang gana upang kumain.

Sa kabilang dako naman ay bumungad ang ina ni Lyrae pagkapasok niya ng bahay. Akmang magtatanong sana ito ng nilagpasan niya lang ito gaya ng nakasanayan niya.

Bumagsak ang balikat ng ina nito at bumuntonghininga na lang sa inasta ng anak. Gayong alam niyang kailangan niyang intindihin ang anak ay hindi niya pa rin maiwasang nasaktan sa inasta nito. Her mother let a painful sigh at niligpit na lang ang mga pagkain na nakahanda. Malamig na rin kasi ito dahil sa tagal niyang inantay iyong anak.

Sa isip niya ay deserve naman niya na ganoon ang turing ng anak sa kaniya dahil nasaktan naman niya ito. Kung tutuosin ay halos hindi na niya mabilang ang kasalanan niya rito.

Unti-unting tumulo ang mga luha nito at napahikbi. Tinakpan niya gamit ng kaniyang kamay ang bibig upang hindi umalpas ang kaniyang boses at marinig ng anak. Humawak siya sa lamesa upang doon kumuha ng suporta. Hindi na niya nakayanan at dahan-dahan siyang napadaosdos.

"Patawanin mo ang nanay anak," piping saad niya na puno ng pagsisisi. "Patawad kasi hindi manlang kita nabigyan ng halaga."

Mas lalo lang itong napaiyak. "Wala akong kwentang ina, napaka-selfish ko."

Rainbow after the Storm (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon