Despised, abused, maltreated, wronged, and unappreciated. That's how painful Lyrae's life is. She was judged, because of her past - she's been bullied for not having a complete family. She was unaccepted, because she was a mistake in her family, her...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
* * *
Nagising na lang ako na maliwanag ang buong paligid. Nasa langit na kaya ako? Mali, walang magsu-suicide na napupunta sa langit. Tanga.
Kinusot ko ang mata ko at nag-adjust sa liwanag dahil sobrang silaw nito sa mata. Nang makita ko na ang kabuoan ay doon ko napagtantong nasa hospital ako.
At dinala pa niya talaga ako dito?
Tumawa ako nang pagak. Bakit pa siya nag-abala kung noong nakaraan ay balak niya pa nga akong lunurin sa cr? Ano na naman 'to? Magbait-baitan siya?
Bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon si Eman. Nasa mata niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Ngumiti na lang ako nang tipid.
"Kamusta ka?" Iyon agad ang bungad niya pagkalapit sa akin. I just stared at him for long and thinking if what if one day there's no Emman who stays by my side, makakaya ko kaya?
"Lyrae?"
"Okay lang ako, Eman." bumuntonghininga na lang siya at ginulo ang buhok niya, problemado. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Lyrae, kilala kita. Anong nangyari?"
Doon na ako nanlumo at bumuhos ang luha ko. "Alam ko naman Eman eh! A-alam ko naman na sising-sisi siya na nabuhay ako . . . p-pero masakit pa rin! Masakit pa rin iyong sasabihin sa iyo na sana hindi ka na lang nabuhay! Masakit iyong sasabihan ka ng malandi mismo mo pang nanay! Masakit na iyong inaakala mong iintindi sa iyo ay siya pa iyong dudurog sa iyo! Alam ko galit na galit ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay! Kaya ko nga iyon ginawa 'di ba kasi gusto ko ng mawala! Pero, bakit niyo pa ako dinala dito Emman? Sana pinabayaan niyo na lang ako!"
"Lyrae,"
"Please, tama na ayoko na! Parang awa niyo na, sana pinabayaan niyo na lang ako!" niyakap niya lang ako nang sobrang higpit nang makitang wasak na wasak ako. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kinasusuklaman ko.
"A-anak," akmang lalapit siya sa akin ng pinigilan ko siya dala sa matinding galit at sakit na nararamdaman ko.
"Diyan ka lang!" sigaw ko. "Huwag na huwag mong tangkain na lumapit sa akin! Hindi ba gusto mo naman na mawala ako edi sana pinabayaan mo akong mamatay! At huwag na huwag mo akong tawagin na anak!"
"A-anak . . . Lyrae," nakita ko pa ang takot sa mga mata niya.
"Wala kang anak! Hindi ba't iyan ang sinabi mo?! Wala kang anak na malandi! Kaya utang na loob umalis ka na! P-parang a-awa mo na, hindi ko kaya pang makita ang pagmumukha mo."