Chapter 10

18 15 0
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

Lyrae

Naalala niyo pa ba noong bumisita ako sa hospital? Sabi ng doktor sa akin no'n ay bilang na lang iyong mga araw ko. Isang buwan na lang, isang buwan na lang at mamamaalam na ako. Napakabilis, na sa sobrang bilis ay hindi ko namalayan na nakaratay na ako rito ngayon sa hospital bed habang may luha sa mga mata. Ngayong araw na ito, matutupad na iyong matagal kong hiniling na mangyari sa akin.

'Na matapos na lahat ng paghihirap ko.'

Natapos ng kay bilis iyong isang buwan. Eto na nga 'yon, mangyayari na. Parang natulog lang ako, tapos 'pag gising ko heto na.

Ngumiti na lang ako nang malungkot.

Everything hurts me, physically, emotionally and mentally. Iyong tipo na gugustuhin mo na lang na huminto sa paghinga para matigil 'yong sakit na nararamdaman mo.

I dried my tears in my eyes.

I hope that everything will make sense to me kapag nawala na ako. I hope they'll gonna be happy to see me in the coffin while wearing a white dress, not breathing. I hope that instead of seeing them mourning . . . I can see them satisfied and relieved that I am no longer of thier sight.

Salot lang naman ako sa buhay nila, hindi ba? Ako iyong may kasalanan ng lahat?

Ngayon, ni isa wala sa kanila ay wala rito. Hindi ko rin naman kasi pinaalam kasi ayokong makaabala. Ayoko silang mag-alala sa akin at higit sa lahat ayokong kaawaan nila ako. Mas lalo siguro akong manghihina kapag nakita ko sila rito, tapos masaya sila na naghihingalo na ako.

I can't afford seeing me hurt this much, panigurado, papalakpak pa iyong ina ko kapag nakita niyang ganito ako.

Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto, at ni doktor o nurse ay hindi ko pinayagan na pumasok. Iyon kasi iyong huling habilin ko sa kanila. Nevertheless they can see me through the window but, I forbid them to enter.

Ayokong makita nila akong nasa ganitong sitwasyon nang nasa malapitan. Iyong nahihirapan habang iniinda ang sakit ko. Baka kasi hindi sila makatiis at isalba pa ako.

'I can't let them hear my painful screams too...'

Ang alam lang ng ina ko ay sa isang kaibigan ako umuuwi pero ang totoo niyan ay inihahanda ko lang iyong sarili ko sa possibleng mangyari. Noong nakaraang linggo, ay halos gusto ko na lang tapusin agad iyong buhay ko dahil sa sakit ng ulo ko, para na kasing mabibiyak sa sakit.

Rainbow after the Storm (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon