* * *
Habang patagal nang patagal ay mas lalong halata na mayroong dinaramdam ang dalaga. She's too far from her old look at mas lalo rin siyang dinadagsa ng kutya mula sa mga marites nilang kapitbahay. Many assumptions and even fake news were spreading. Para itong virus na kay bilis kumalat. Even her mom, napaghahalataan din niyang napapansin nito ang kaniyang mabilis pagpayat.
But, she didn't care. She let them think what they want to think. Pagod na siya para sa pakealam.
Soot ang isang oversized na t-shirt at shorts ay lumabas siya sa kwarto upang uminom ng tubig dahil sumasakit na naman ang ulo niya. Hindi na siya nag-abala pa na uminom ng gamot dahil para sa kaniya ay sayang lang naman iyong pera na pambili noon. Nag-iipon pa naman siya.
'Pilinano ko ngang magpakamatay, uminom pa kaya ng gamot. Saka i-tubig ko na lang 'to, mawawala naman siguro.'
Kung dati ay isang beses sa isang linggo niya lang ito nararanasan, ngayon ay halos araw-araw na. Mas naging ulyanin na rin siya at minsan ay kahit may gusto siyang sabihin ngunit nakakalimutan din niya agad.
Nakita niya ang ina ngunit hindi niya lang ito pinansin, hangga't maaari ay umiiwas siya sa kung ano man ang maaring sabihin nito. Mahirap na baka mas lalo pa siyang maapektuhan.
'Ayaw ko nga siyang makita kaso naalala kong ako iyong nakikitira sa pamamahay niya.'
And then she laughed painfully.
Pagkatapos niyang uminom ay isinara niya ang refrigerator. Ngunit, bigla na lang nandilim iyong paningin niya at bumagsak siya sa sahig. Dali-dali namang lumapit ang ina upang tulungan siya ngunit matigas siya at iniwaksi ang kamay nito.
"L-lyrae..." kabadong saad ng ina pero nagpakabingi siya.
Dahan-dahan siyang tumayo kahit na nanginginig, at lumapit sa lamesa para roon kumuha nang suporta. Nang makatayo siya ay iniwan niya ang ina gaya ng lagi niyang ginagawa. Narinig pa niya itong tinawag ulit siya ngunit mas pinili niyang huwag ito pansinin.
She went into her room and change her clothes. She also put her earphones para hindi na niya marinig ang hindi magandang maaring sasabihin ng ina. She managed to do it even in her situation.
After she changed, she walks out her room like nothing happened and went to the hospital. Leaving her mom worried of what's happening on her.
Pagkababa niya sa jeep ay pumasok na si Lyrae sa lobby ng hospital, nahihilo pa rin. Namataan pa niya si Zorell na ka-batch mate niya na parang gulat nang makita ang kabuoan niya.
BINABASA MO ANG
Rainbow after the Storm (Completed)
Ficción GeneralDespised, abused, maltreated, wronged, and unappreciated. That's how painful Lyrae's life is. She was judged, because of her past - she's been bullied for not having a complete family. She was unaccepted, because she was a mistake in her family, her...