Despised, abused, maltreated, wronged, and unappreciated. That's how painful Lyrae's life is. She was judged, because of her past - she's been bullied for not having a complete family. She was unaccepted, because she was a mistake in her family, her...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
* * *
Lumipas ang ilang araw at bumalik ulit sa normal iyong araw ko. Iyong tipong normal kasi sa akin na walang sagutan na naganap o hindi kaya'y sampal. Araw ngayon ng martes at dadalawin ko sana si Diane sa hospital. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin, best friend ko si Diane.
Matagal na kaming magkaibigan ng babaeng iyon. Ngunit, hindi ko sinasabi sa kaniya ang mga problema ko sa buhay. Siguro, iyong mabababaw lang. Pero iyong tungkol sa sitawasyon namin ng mama ko? Hindi ko sinasabi sa kaniya. Ayoko kasi na maka-abala pa. May sakit kasi siya sa puso at ayokong maging ako ay dumagdag sa sakit sa ulo niya.
Mahal na mahal ko iyon kahit na minsan ay masakit iyong magsalita sa akin. Hindi pala minsan, palagi pala.
Sumakay ako ng jeep at huminto sa isang Dunkin Donut na stall upang bumili. Favorite food niya kasi iyon, kaya bibilhan ko siya para kahit papaano ay makabawi naman ako. Binayaran ko na ang tindera at umalis na. Nasa kabila lang ang hospital kung saan siya naka-admit.
Even though na kinakabahan ako ay tinatagan ko ang loob ko na walang mangyayari sa kaniya. Matigas ang ulo no'n kaya hindi pa iyon mamamatay. Sure ako, hindi pa iyon madi-deads nang maaga.
Pagkapasok ko ng lobby ay nginitian na ako ng guard. Nginitian ko lang siya pabalik at tinanong sa nurse kung anong room si Diane. Hindi rin kasi sinabi ni gaga kung anogn room number niya eh. Tch.
Excited na ako na ibalita sa kaniya na nagkaroon na ako ng trabaho.
After kasi ng gabing iyon sa tulay ay dinala ako ni Renz sa coffee shop ng mama niya. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako tinutulungan. Siguro, naaawa siya sa akin. Malabo namang ginawa niya iyon kasi trip niya lang, kilala ko 'yon.
Inalok niya ako ng trabaho. Tinanong ko siya kung bakit, pero ang sagot lang niya ay dahil daw gusto niya lang daw tumulong. For the first time tinulungan niya ako. Eh, magka-away nga kami niyan.
Para kaming aso't pusa.
Araw-araw kasi akong binu-bully no'n sa school. Simula elementary hanggang sa nag high school kami. Hindi naman ako nagtatanim ng sama nang loob pero nakakapikon pa rin iyong inaasar niya ako palagi. Trip niya talaga akong bwesitin.
Kaya, laking gulat ko talaga na tinulungan niya ako. Siya pa talaga iyong taong nakasaksi kung gaano ako ka-wasak. Siguro, kung hindi talaga siya dumating aba malay ko na lang. Sa kaniya ko pa talaga nasabi iyong mga saloobin ko. Wala na, kung mahihiya lang ako huli na.
Pero, nagtaka rin ako. Kasi sa araw na iyon ay tahimik na iyong daan at mga kalsada eh. Tapos, nalaman pa niya na bumalik ulit ako. So, it means na sinusundan niya ako.