Chapter 3

11 0 0
                                    

"Group 5 ka sa reporting mamaya, di ba?"

It's been a month since the passing of my mom yet there's no minute or second that I don't think about her. I even missed her more.

Napalingon ako sa classmate ko na kinakausap ako. I'm trying my best to socialize or interact with them. Lalo na't malapit na ang prelim exam namin. Our professor in one of our subjects tasked us to do a report about his assigned topic. I prepared my powerpoint presentation ahead of time and studied it also para hindi ako kabahan kapag magrereport na ako.

"Ah, oo", Sagot ko sa kaniya. As far I remember, Cindy ang pangalan niya.

Tumango lang siya. I could still feel na medyo naiilang sila sa akin or nahihirapan silang mag-interact sa akin pero I am trying my best to be approachable. I had this feeling na kailangan kong makipag-kaibigan. Medyo mahirap din siyang gawin kasi nasanay ako na nag-iisa lang.

Pero someone had encouraged me to be friendly and approachable. He may not said it literally but I know gusto niyang sabihin sa akin na marami pang tao ang magiging parte sa buhay ko. Na magpatuloy lang akong mabuhay at mag-enjoy lang.

Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na si Miss del Rosario. First subject namin 'yung reporting at by group iyon, and we're the first group to perform.  Shuffled kasi.a

The reporting went well. The reporters reported their reports properly and clearly. The examples were precise and accurate. After that  we gave a very short quiz prepared by one of our group mates.

"Salamat pala, Thessa", She said. Paupo pa lang ako sa upuan ko nang bigla siyang nagsalita.

I don't remember her name, actually. I'm not good at familiarizing names so I just nodded my head at her.

Lumipas ang mga oras ay lunch break na. I went to the cafeteria and ordered foods for take out. Nakasanayan ko na kasing kumain sa bench.

Nakaramdam ako ng lungkot nang may maalala. I haven't seen him for awhile. It's been two weeks since I last saw him at sa basketball court pa iyon. PE namin that time and basketball ang tinuturo ng professor namin and to make more convenient ay sa mismong basketball court ng campus siya nag-klase. And I saw him, he's a varsity player pala.

Hindi ko alam kung nakita niya ba ako or wala lang talaga siyang pake. Nakangiti lang siya sa mga teammates niya no'n and still he looked so good with those sweats and messy hair and all.

Hays, kailan ko kaya ulit siya makikita?

I ordered burger and iced tea for my lunch kasi busog pa ako. Heavy breakfast kasi ang kinain ko kaninang umaga dahil sa report. Nakakalahati pa lang ako sa kinakain kung burger nang may nakita akong pamilyar na pigura na papalapit sa akin. Medyo nasisinagan siya nang araw kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.

But his built...seems so familiar.

Muntik ko nang maidura ang burger nang makalapit siya sa akin. Hala, bakit siya nandito?

"Hi," He said smilingly.

Cat got my tongue. Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. I was just thinking about him awhile ago and yet he's here!

I cleared my throat. I grabbed my iced tea and drink it. Then I spoke.

"Why are you here?", I said seriously.

He dramatically touched his chest like he's in pain or something.

"Ouch, 'di mo ba ako na miss?" Parang nasasaktan niyang tanong sa akin.

I raised an eyebrow.

"Why would I missed you?" I said, still being hard on him.

Akmang tatalikod na siya nang bigla akong tumawa. Napalingon siya sa akin dahin do'n. I saw him smiled at me. Pansin kung medyo pawisan siya kaya napaiwas ako nang tingin. He looked so...hot.

Napansin niya ata na nakaiwas ako nang tingin dahil bigla siyang nagsalita.

"Galing ako sa training, e"

"Don't you have an extra t-shirt?"

"Wala, naiwan ko"

I went through my bag and grabbed my extra white oversized t-shirt na may 'my life is a joke' na minimalistic ang print. Inabot ko sa kaniya 'yun.

Nagulat pa siya at akmang hindi tatanggapin pero kinukuha ang kamay niya at inilagay doon ang t-shirt. Tinignan niya ang print no'n at bigla na lang siyang tumawa.

"It's unisex," I said.

Tumango-tango lang siya. Ang akala ko ay mamaya pa siya magpapalit pero laking gulat ko nang bigla siyang naghubad sa harapan ko. Napakawalang hiya.

Dali dali kong iniwan ang paningin ko  sa kaniya. Narinig ko ang malakas niyang halakhak kaya mas lalong nag-init ang mga pisngi ko.

Again, he caught me off guard.

"Tapos na," Anunsyo niya.

Pagalit akong ibinalik ang paningin ko  sa kaniya. Ngayon ko lang na pansin na nakatayo pa rin siya habang nakaupo ako. Ang tangkad niya tuloy lalo tignan. Naglakad siya palapit at umupo sa tabi ko. At ngayon ko lang din napansin na may dala pala siyang plastic.

Kinuha niya ang laman no'n at napangiti akong nang makita kung ano 'yun. Siopao na naman.

Inabot niya sa aking ang isa at binigyan niya rin ako nang ketsup saka C2. Tinanggap ko naman 'yun.

Tahimik lang kaming kumakain habang nakatingin sa kawalan. Ang bughaw na kalangitan na siyang nagbibigay ganda sa paligid at ang berde na mga dahon na nagbubuga nang sariwang hangin at ang araw... na nagbibigay liwanag. Kay gandang pagmasdang ng paligid.

"Mahiwaga... pipiliin ka sa araw-araw," Napalingon ako sa kaniya nang bigla siyang kumanta.

Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya kung natitigan ang mukha niya. Ang ganda ng hugis ng kaniyang kilay. His nose looks so arrogant and prominent. And his eyes...the sunlight reflected on it. Lalong nagiging kulay brown iyon dahil sa liwanag ng araw. Even his lips looks so tasty.

Wait, what?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumingon sa akin. Napaiwas tuloy ako nang tingin. Gosh, nahuli niya akong nakatitig sa kaniya!

"Gwapo ko 'no?" Nang-aasar niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin. Narinig kong tumawa siya. Lalo tuloy akong nainis. Pero bakit...bakit ako ngumi-ngiti?

"Thessa...",

I looked at him. Naguguluhan ako sa mga emosyong nakikita ko sa mga mata niya. Naroon ang saya, lungkot, paghihinayang at... something I could not name.

"Sana...sana masaya na lang tayo palagi, 'no? Sana...sana wala na lang problema. Siguro walang...walang mahihirapan..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil mismo ako...gusto ko na lang din maging masaya. Iyong walang iniisip na problema. Kasi I felt so unsure with my life.

"Gusto kong mabuhay nang matagal, Thessa",

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Of course you will live long...even longer than mine. You still have to achieve your dreams. You have plans to fulfill so live. Mabuhay ka nang matagal", I became serious. "Don't even mention that again," I warned him

I don't know what's going on with him or what's in his mind right now. But I also don't know why I had this feeling that I should stay with him. That I should be there for him.

"Joke lang," Humalakhak siya. I looked at him angrily. He stopped laughing and made a serious face.

"Mahihirapan ata akong umalis dahil sa'yo".

#hatdog

Meet Me in Heaven's StairwayWhere stories live. Discover now