*RRRRRREEEEEEEEEENGGGG*
Oha. Reng, hindi ring.
*ehem ehem*. Anyways,
Tumunog na ang bell, uwian na ibig sabihin. Oo nga pala! Lumipas ang ilang araw mula nong sinabi ni Kurt kay Gee na ayun, na gusto niya daw makipagkaibigan, (makipagkaibigan o makipag-ibigan nga ba?) Pero, iniwan lang siya doon ni Gee. Well, kung tutuusin, kasalanan niya din eh, matulala daw ba bigla eh. Edi naiwan siya tuloy.
Matapos nung pangyayari na yun, parang nahiya ng lumapit si Kurt kay Gee. Pinaramdam kasi rito ng dalaga na parang ayaw nga nito sakanya.
Ewan ko nga lang, kung hanggang kelan siya lalayo, malay natin, baka bukas, sa susunod na buwan, o kaya sa susunod na taon o kay---
"Gee!"
O kaya ngayon.
"B-bakit?" Tanong ni Gee kay Kurt na tumawag sakanya mula sa pinakadulong parte ng hallway.
Nakangiting patakbo na lumapit si Kurt kay Gee.
"Ah, wala lang. May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Kurt kay Gee na ngayon, eh sobrang pulang pula na ang mukha.
Iniisip ngayon ni Gee na baka yayain siya nito sa labas. At hindi nga siya nagkamali.
"W-wala. Bakit?" Tanong ni Gee kay Kurt.
"Ah," kumamot ito sa ulo. "Gusto sana kitang yayaing kumain sa labas." Sabi nito na mahiya hiya at nakayuko, PERO! Nakangiti. :)
"Ah, sige." Sagot ni Gee dito at bahagyang (wow bahagyang, deep word.) ngumiti ito kay Kurt.
"Talaga?" Tanong ulit ni Kurt.
"Oo nga. Gusto mo bawiin ko?" Matawa tawang sagot ni Gee. Makapal naman talaga ang mukha nito eh, pero pag dating kay Kurt, tumitiklop ito. Kaso ngayon, naisip isip na ni Gee, na kung gusto makipag kaibigan sakanya ni Kurt eh, gusto nito makita yung talagang ugali niya at hindi yung pakyeme niyang dalagang pilipina na ugali.
"Wag! Okay na yun. Tara na!" Masiglang sabi ni Kurt at agad hinawakan nito ang kamay ni Gee.
"T-t-t-t-teka!" Mabulol bulol na sigaw ni Gee.
Napatigil naman si Kurt.
"O bakit? May problema? Ayaw mo na ba?" Sunod sunod na tanong nito.
"H-hindi. Pero, ngayon na talaga? Hindi mamaya? Sabi mo mamaya." Sagot naman ni Gee kay Kurt.
"Ah, wag ng mamaya. Okay na yung ngayon." Sabi nito at ngumiti ng may bahid na kaloka-loka.
"A-ah, sige. Tara." Sabi ni Gee at yumuko pero lihim na ngumiti.
Agad nilabas ni Gee ang kanyang cellphone at tinext ang kaibigan.
To: Issababes
ISSAAAAAA! MAY DATE KAMI NI KURT MA BABES! SHET! HINDI AKO MAKAPANIWALA! TULONG! KAILANGAN KO NG HANGIN!
Sent.
Ngiting ngiti nitong binulsa ang kanyang cellphone.
"O, ba't ngiting ngiti ka?" Tanong naman ni Kurt sakanya. Kasalukyan silang naglalakad ngayon papuntang mcdo. Malapit lang naman kasi ito sa school nila.
"Ah, wala." Sagot ni Gee at ngumiti ulit.
"Sus, sino yung ka text mo at ngiting ngiti ka ha?" Tanong ni Kurt na may halong inis sa tono ng pananalita.
BINABASA MO ANG
From The Beginning. (ON-HOLD)
RomanceWho are you? Who am I. *ehem ehem* Anyway, ang storyang ito ay puno ng kadramahan, kacornyhan at kakilig kilig (ata) na mga pangyayari. Isama na ang kainis inis, kadiri-diri, kalaswaan (Hindi naman!), at katatawanan (pero corny ako medyo so...). Wa...