"Guys! May ni-reject nanaman daw si Kurt!"
Sigaw ng lalaki sa classroom nila Gee. Napabuntong hininga na lamang siya. Hindi na bago ang balita na ito para sakanya. Simula kasi nung first year high school sila, lagi ng may sumisigaw ng ganyan. Iba't ibang oras. Mapa may klase, o recess, o walang ginagawa, basta may nireject, binabalita na agad ito sa bawat classroom pa. Sobrang sikat kasi ni Kurt. Kaya siguro, ayun, maraming tagapag pa subaybay sakanya. Kinahuhumalingan ng mga babae, at tinitingala ng mga lalaki.
At isa na si Gee sa mga babaeng nahuhumaling kay Kurt.
As in, patay na patay siya dito. Pero hindi siya yung mga patay na patay na stalker na ang dating. Tahimik lang siya. Masaya na "daw" siya sa pagsulyap kay Kurt mula sa malayo.
"Girl, sino nanaman kaya yun." Bulong sakanya ng matalik niyang kaibigan na si Ella.
"Hindi ko alam at wala akong pakielam. Ba't hindi na lang kasi sila gumaya sakin. Tahimik lang." Sagot naman niya kay Ella.
"Ang taray netooo! Pero sige. Sabay tayo mag lunch mamaya ha! Absent si Miggy eh." Masayang sabi ni Ella kay Gee pero biglang lumungkot ng mabanggit na wala ang best friend/crush niyang si Miggy.
"Oh, yung mukha mo, di na mapinta." Matawa tawang sabi ni Gee kay Ella.
"Hmph!" Sinungitan na lamang siya nito at bumalik sa pagsasagot sa libro. Ilang minuto na lang kasi, mag ta-time na, at pag nag-time, lunch na.
<><><><><>
Tumunog na ang bell, hudyat na lunch na. Agad na tumayo ang magkaibigan na si Gee at Ella at dumiretso sa cafeteria.
Habang naglalakad sila, nakasalubong nila si Kurt. Although, lagi namang nakakasalubong ni Gee si Kurt, dahil magkatabi lang ang classroom nila at pareho lang naman sila lagi ng pupuntahan tuwing lunch, eh, yung cafeteria nga.
Pero kahit na lagi silang nagkakasalubungan, hindi parin nasasanay ang puso ni Gee, kaya ayun, tigidig ng tigidig ang puso ng lola niyo.
"Girl. Ginayuma mo ba yan?" Sabi ni Ella habang tinuturo si Kurt kay Gee na kasalukuyang tulala.
Pero ngayong araw, parang sasabog na ang puso nito dahil sa nangyari.
Pag nagkakasalubungan kasi sila ni Kurt, nilalayo niya kaagad ang tingin niya dahil nahihiya siyang baka makita o mapansin nito ang pamumula ng mukha niya.
Pero ngayon, nakalimutan niya. At ayun, di niya namalayan na nakatitig siya kay Kurt.
Nagulat na lang siya ng ngumiti ito sakanya at sumenyas ng hi.
"Hahaha." Mahinang tawa ni Kurt. Pero hindi tawang pangasar ah.
Miski ang mga tao doon ay nagulat.
Dahil unang una, hindi gaano sikat si Gee. Pero maganda naman. Pangalawa, hindi naman pala-ngiti si Kurt sa mga tao. Lalo na sa mga babaeng patay na patay sakanya. Iritado kasi siya sa mga ito.
Napansin ni Kurt na parang napatigil ang babae sa paglalakad ng ngumiti siya rito. Napansin niya rin ang parang pagtigil ng mundo-- este ng mga tao sa paligid.
Tinignan niya muli yung babaeng nakatitig sakanya.
Hindi niya mapigilan ang sarili na matawa ng mahina. Pulang pula kasi ang mukha nung babae. 'Nakakatuwa tignan' ang naiisip ni Kurt.
Namumukhaan niya ang babae, madalas niya ito makasalubong at makita, pero yun nga, sa tuwing magkakasalubungan, iniiwasan siya nito.
Ngumiti na lang siya ulit at naglakad papalayo papuntang CR.
Naiwang nakatulala si Gee doon sa hallway.
<><><><><>
"Huy!" Sigaw ni Ella kay Gee.
"Ay tinapa!" Gulat na sigaw ni Gee.
"Di maka move on? Kumain ka na nga! Mag ta-time na o'!" Sigaw nito sa kaibigan. Hindi kasi ginagalaw ni Gee ang pagkain niya at nakatingin lang ito sa kawalan.
"S-sorry. Nakakapagtaka lang. At nakakahiya. Tumawa siya bes! Tinawanan niya ako!" Pagmamaktol nito kay Ella.
"Ang arte mo! Ayaw mo non, napatawa at napangiti mo ang sungit king. HAHAHA" Tawang tawa na sabi nito kay Gee.
"Eh kahit naaaa!" Sabi ni Gee sabay ub-ob ng mukha sa lamesa.
"Tsk. Bilisan mo na at mag c-cr pa ako para magtooth brush." Ismid ni Ella sa kaibigan.
"Ay! Oo nga pala. Wag na. Di nako kakain. Tooth brush na tayo!" Sabi ni Gee at hinili kagad patayo si Ella at tumakbo papuntang cr.
<><><><><>
Lumipas ang ilang araw mula nung nangyari yun. At parang hindi maka move on ang mga tao sa biglaang pag ngiti ni Kurt sa isang hindi naman ganon kilala na tao sa school nila.
Kahit si Gee, di makamove-on.
Ayun, lagi na siyang nginingitian ni Kurt. At ang tanging nasasabi na lang ni Gee,
"May tao ba sa likod ko? Sakin ba siya nakatingin? Tignan mo nga Ella!"
Yan. Lagi. Hindi kasi siya makapaniwala sa inaasal ni Kurt.
<><><><><>
Hindi napansin ni Kurt, habang tumatagal, nahuhulog na siya dito, kay Gee. Nagtanong tanong siya ng impormasyon sa mga tao tungkol kay Gee. At ayun, nahulog na nga talaga ang lolo niyo.
Pero ayun, torpe. Hindi niya maamin kay Gee, at parang nababato siya lagi pag nakikita niya ito. Okay narin "daw" siya sa pasulyap sulyap sa malayo. -_-
Pauwi na sila ngayon, at nakasalubong nanaman niya si Gee.
Nakahanap naman siya ng lakas ng loob para lapitan ito.
"Hi." Sabi niyang nakangiti habang lumalapit dito.
"Hello." Mahinang sagot ni Gee habang patuloy na naglalakad.
"I'm Kurt. A-and I wan-na be frie-ends with y-you." Sabi ni Kurt na paputol putol dahil hinahabol niya si Gee na ang bilis bilis maglakad.
Napatigil si Gee sa paglalakad pero nakatakip ang mga libro nito sa mukha.
"A-ah, ganon ba. I'm Gee. S-sige, una na ako h-ha?" Kabadong sagot ni Gee habang nakatakip parin ang mukha.
Naglakad ito kagad pero natigilan ng hawakan siya ni Kurt sa may braso.
"Teka lang." Pigil ni Kurt kay Gee.
"Bakit?" Tanong ni Gee na hindi parin humaharap. Alam niya kasing pulang pula nanaman ang mukh niya, tiyak, pag tatawanan nanaman siya kung sakali.
"Hatid na kita sainyo?" Sabi ni Kurt habang naglalakad para harapin si Gee.
"Ay, w-wag na. Salamat. Okay na ako." Sabi ni Gee at unti unti tinanggal ang pagkakatakip sa mukha at ngumiti.
Feeling niya kasi nababastos na ito sakanya.
Natigilan si Kurt sa pagngiti ni Gee.
Ayun, sa sobrang pagakatulala, di niya namalayan,
iniwan na siyang nakatayo don ni Gee.
<><><><><>
Teka, sorry kung hindi pa ayos itong chapter na ito. Sa phone lang po kasi ako naga-update. I'll fix it tomorrow. :)
BINABASA MO ANG
From The Beginning. (ON-HOLD)
RomanceWho are you? Who am I. *ehem ehem* Anyway, ang storyang ito ay puno ng kadramahan, kacornyhan at kakilig kilig (ata) na mga pangyayari. Isama na ang kainis inis, kadiri-diri, kalaswaan (Hindi naman!), at katatawanan (pero corny ako medyo so...). Wa...