"A-ano?"
Gulat na gulat na tanong ni Kurt kay Gee. Hindi siya makapaniwala sa narinig nito. Iniisip din ni Kurt na, baka nag loloko lang ito o kaya, na-mali lang talaga siya ng narinig.
"W-wala! Ewan ko sayo! Tanga ka talaga!" Inis na sagot ni Gee kay Kurt. Naiinis siya sa sarili niya dahil bigla niyang nasabi ang kanyang pinakatago tagong sikreto, at naiinis din siya kay Kurt, dahil napaka manhid nito.
"O-oh, sige." Yun na lang ang tanging nasabi ni Kurt. Pero hinawakan nito mulit ang kamay ni Gee at sabay nag lakad.
Habang naglalakad sila, na magka-hawak ang kamay, hindi mapigilan ni Gee ang mag-iba't iba ang ekspresyon sa mukha dahil sa dami ng iniisip. Una niyang inisip, eh kung bakit nagka ganon bigla si Kurt?
Pangalawa, pano kung narinig talaga ni Kurt yung sinabi niya at baka nagku-kunwari lang itong wala talagang alam?
'Patay!' ang tanging naiisip ni Gee kung sakali mang talagang nagkukunwari lang si Kurt.
Dahil sa labis na pag-iisip, hindi niya namalayan na asa tapat na sila ng bahay niya.
"Hoy Gee!" Sigaw ni Kurt kay Gee. Kanina niya pa kasi tinatawag ito.
"B-bakit?" Gulat na tanong ni Gee kay Kurt.
"Asa tapat na tayo ng bahay mo kanina pa. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ulit ni Kurt dito na matawa tawa dahil napapansin niya ang kanina pang papalit palit ng ekspresyon sa mukha ni Gee.
"W-wala. Um, Kurt?" Tawag bigla ni Gee na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kanilang bahay.
"Bakit?" Nakangiting tanong ni Kurt kay Gee.
"Sigurado ka talagang wala kang narinig kanina?" Tanong ulit ni Gee kay Kurt.
"Wala." Nakangising sagot ni Kurt dito.
"S-sure ka ha?" Paninigurado ni Gee. Kinakabahan siya dito dahil naka-ngisi ito.
"Ata." Diretsong sagot ni Kurt sakanya kaya natigilan naman siya. Parang naistatwa siya sa narinig niya kaya hindi na siya nakapagsalita pa at nakita niya na lang na naglalakad palayo si Kurt, na nakangisi parin.
<><><><><>
Lumipas ang ilang araw, parang wala namang nagbago sakanila ni Kurt. After kasi nung "ata" na yun ni Kurt, parang wala lang din naman. Hindi naman siya nilalayuan ni Kurt o kaya inaasar, at isa pa, takot din si Gee na magtanong dahil baka pag tinanong niya ito, eh sagutin ito ng diretsuhan, na ayaw niya namang mangyari dahil hiyang hiya siya pag nagka taon.
At kasabay ng paglipas ng araw, hindi narin napigilan ni Gee ang sarili.
Mahal niya na si Kurt.
Natatakot siyang masaktan, pero hindi rin naman siya nageexpect sa kahit anong bagay. Alam niya rin namang, kaibigan lang talaga ang turing nito sakanya.
Pero yun ang akala niya.
<><><><><>
Uwian na nila, kasalukuyang naglalakad si Gee papuntang library nila, may project pa kasi siyang kailangan tapusin at ipasa kinabukasan.
Habang naglalakad papuntang library, nakarinig siya ng isang boses na sobrang pamilyar sakanya.
Dahil likas na sakanya ang pagiging chismosa, at yun nga dala narin ng kacurious-an, eh inalama niya kung saan nanggagaling ang boses na ito at kung tama ba ang hinala niya kung sino ito.
Asa may stairs ang boses, isang lalaki at isang babae, nakatalikod mula sa lugar niya. Nagtago siya sa may likod nung stairs. Basta, i-imagine niyo na lang.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita." Sabi nung babae dun sa lalaki.
Hindi naman sumagot yung lalaki.
"Kurt, mahal kita, simula pagkabata natin, mahal na kita. Please Kurt.." Umiiyak na sabi ni nung babae kay k-Kurt?! Tama nga ang hinala ni Gee. At kung hindi siya nagkakamali, yung babae, si Bella yun.
Ang childhood friend ni Kurt.
"M-mahal din naman kita, Bella." Sagot naman ni Kurt kay Bella.
Nagulat si Gee sa mga naririnig. Sobrang sikip na ng dibdib niya, at hindi niya naring namalayan na tumutulo na ang luha niya. Hindi naman siya nagexpect ng kahit ano, hindi rin siya umaasa na mahal din siya ni Kurt, alam niya at tanggap niya na kaibigan lang talaga ang turing nito sakanya.
'Pero bakit ganon?' ang tanging naiisip ni Gee. Walang tigil ang tulo ng luha niya, lalong bumigat ang damdamin niya ng makita niyang nagyayakapan na ang dalawa.
Tumalikod na siya mula sa mga ito habang patuloy na umiiyak ng tahimik, pero ng maglakad ito, nakaapak ito ng isang bote na hindi niya alam kung saan nanggaling, siguro minagic ni author para----
Teka nga! Basta, ayun, nakaapak siya ng bote na nagdulot ng malakas na pag crack na tunog.
"Ano yun? May tao?" Biglang sabi ni Kurt.
Sumilip ito mula sa may stairs.
Habang si Gee, na-istatwa na sa kinakatayuan, eh nagulat na lang ng magkatamaan sila ng tingin ni Kurt.
Nagulat naman din si Kurt, nakita niya din kasi na umiiyak si Gee. Napaisip tuloy siya, 'Hindi kaya't narinig niya yung kanina? Pero ba't naman siya umiyak?' Dahan dahan siyang bumaba sa stairs.
"G-Gee." Tawag nito kay Gee.
Parang nagulat naman si Gee sa biglaang paglapit nito sakanya. Papalapit ito ng papalapit sakanya.
"G-Gee, kanina ka pa ba---" Naputo ang pagtanong ni Kurt dahil bigla na lang itong tumakbo papalayo at pababa ng hagdan.
"Gee!" Tawag nito kay Gee pero hindi ito tumitigil sa paglalakad.
Takbo ngayon ng tabko si Gee pagbaba ng hagdan, lalong nagiging blurry niya ang daan niya dahil sa patuloy na pamumuo ng mga luha sa mata niya.
Habang mabilis na bumababa ng hagdan, hindi niya napansin ang isa pang step dahil sa sobrang pagmamadali at pagkalabo ng paningin..
"GEEEEEEE!"
<><><><><>
End of chapter.
Ano kayang nangyari na?! :O Abangan.
BINABASA MO ANG
From The Beginning. (ON-HOLD)
RomanceWho are you? Who am I. *ehem ehem* Anyway, ang storyang ito ay puno ng kadramahan, kacornyhan at kakilig kilig (ata) na mga pangyayari. Isama na ang kainis inis, kadiri-diri, kalaswaan (Hindi naman!), at katatawanan (pero corny ako medyo so...). Wa...