Sinipag 106 PART 2

40 4 1
                                    

"M-Ma." 

Napatayo naman silang lahat sa narinig na boses. Agad silang lumapit kay Gee, na unti unting bumubukas ang mga mata.

"A-anak ko, sa wakas! Gising ka na!" Mangiyak ngiyak na sabi ng nanay ni Gee.

"Baby! Kamusta ka?" Tuwang tuwa na sabi naman ng tatay ni Gee.

"A-asan ako. A-anong nangyari." Tatayo na sana si Gee mula sa pagkakahiga pero agad siyang pinigilan ng magulang niya.

"A-anak, asa ospital ka. Wag ka munang kumilos. Masama para sa kalagayan mo yun. Magpahinga ka muna anak." Saway ng kanyang nanay sakanya.

"A-ano, s-sige po.. Pero teka lang po..." Mahinang sabi ni Gee.

"Ano yun anak?" Tanong naman ng tatay niya na halatang halata na nag-aalala.

Tinignan ni Gee si Kurt na parang may halong pagtataka sa mukha nito.

"B-bakit?" Tanong ni Kurt dito na kinakabahan sa tingin sakanya ni Gee. Natatakot siya na baka galit na ito sakanya, o kaya hindi na siya ito pansinin. Teka, hindi ba't parang pareho lang yun? -_-

"S-si-------" Naputol ang sasabihin sana ni Gee ng biglang pumasok ang doktor sa kwarto.

"Oh, I see, the patient is awake. How are you feeling?" Tanong ng doktor kay Gee na nakangiti.

"O-okay lang naman po, masakit lang po yung sa ulo ko."

Tumawa lamang ng mahina ang doktor.

"Ah, ganon talaga yan, sa ulo ka kasi may sugat eh. Pero pag hindi mo na kaya ang sakit, may mga gamot naman akong prinescribre para dyan. Pain relievers pero wag mong a-araw arawin, masama yun at baka masanay ka doon.  Okay? If you need anything else po, Mr. and Mrs, Cornales, paki tawag na lang ang nurse o kaya ako. Press niyo na lang po yung button doon."

"Ah sige doc, salamat po." Sagot naman ng tatay ni Gee dito.

Iniwan na sila ng doktor sa kwarto.

Tumahimik sila ng ilang saglit.

"Anak, sabihin mo lang pag di mo na kaya yung sakit ah." Sabi sakanya ng nanay habang hinahaplos ang buhok nito.

"O-opo." Mahinang sagot nito sakanya.

Matapos non, natulog na lamang ulit si Gee dahil ayaw niya naman sanayin ang katawan niya sa mga pain relievers. 

<><><><><>

Pinauwi naman na ng magulang ni Gee si Kurt dahil baka daw nagaalala na ang mga magulang nito sakanya, at pinaalalahanan din ito na may pasok pa ito kinabukasan. Sinabi naman ni Kurt na nakapagpaalam na siya at okay lang daw siyang umabsent para bantayan si Gee, pero hindi pumayag ang magulang ni Gee dito. Nahihiya na kasi ang mga ito kay Kurt at iniisip nila na baka nakakagambala na sila dito.

Ayun, wala ng nagawa pa si Kurt kundi ang umuwi.

Pagkadating niya ng bahay nila, agad siyang sinalubong ni Bella.

"Kuuuurt! Where have you been ha?" Sabi nito habang yakap yakap siya.

"Ah, galing akong ospital." Sagot naman nito na parang walang gana.

"Oh, so binantayan mo si Gee? Kamusta na siya?" Tanong ni Bella ng humiwalay si Kurt sa pagkakayakap niya dito.

"O-okay naman na siya." Sagot naman kaagad nito at naglakad papuntang kusina para uminom ng tubig.

From The Beginning. (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon