Dedicated kay ate Riri/RicaManriqueee! Dahil mahal na mahal ko po ang Revenge ni Miss Piggy niyo. <3 <3 <3
Nagpapasalamat din po ako dun sa tatlong tao na laging binoboto bawat update ko. Friends talagaaaaaaa! :">
<><><><><>
"Who are you?"
Gulat na gulat ang reaksyon ni Kurt. Hindi niya alam kung niloloko lang siya ni Gee o sadyang galit sakanya ito kaya siya ginaganto.
"Anak! Ano ka ba naman!" Sigaw ng nanay ni Gee dahil ang rude nga naman ng dating nito kung nagbibiro man ito.
"Gee, I know you're mad and all, pero please? Wag ka namang mag-biro ng ganyan." Malungkot na sabi ni Kurt dito.
"Bakit? Ano bang meron sa inyong dalawa?" Tanong ng nanay ni Gee na medyo nagtataka. Hindi kasi nito alam talaga ang nangyari, at kung bakit talaga nahulog ng hagdan si Gee.
"Tita, ano kas----"
"Hindi ako nag-bibiro, nagloloko o ano man. Seryoso po ako. Ma, hindi ba't siya yung lalaki na nandun sa hospital nung naka confine pa ako? Sino po ba siya?" Pagputol ni Gee kay Kurt.
"A-anak, se---" Bago pa man maituloy ng nanay niya ang sasabihin nito naputol na ito agad sa pagsalita ulit ni Gee.
"Ikaw? Sino ka ba talaga? Sorry pero, wag mo sanang pilitin na kilala kita, kasi hindi. Kaya ka ba nasa hospital noon dahil ikaw ang nakakita sakin at nagdala sa hospital? Kung ganon nga, salamat, hindi mo na kailangan maguilty at kailanganin pang pumunta dito. Salamat na lang."
Walang emosyong sabi ni Gee dito. Naiirita narin kasi siya dahil hindi niya alam kung ano ba talaga ang pakay ng lalaking ito sakanya, at kung sino nga ba ito.
Bago pa man ulit makapagsalita ang nanay ni Gee, naputol nanaman siya dahil sa pagsalita naman ni Kurt. Sorry po Mrs. Cornales.
"S-seryoso ka ba? Gee, ako to, si Kurt? Ano ba?!" Naiinis na sabi ni Kurt dito.
"Anong ano ba?! Pasensya, pero hindi talaga kita kilala. Wag mo sana akong pagtaasan ng boses. Alam kong may utang na loob ako sayo dahil sinagip mo ko, wag kang mag-alala, babayaran kita." Sagot sakanya ni Gee. Ang tingin kasi ngayon ni Gee, kaya siya ginugulo nito, eh dahil may kapalit siguro ang pagsagip sakanya nito.
"AISH!" Inis na inis na sigaw ni Kurt habang ginugulo ang buhok.
"Sige, wag mo na lang akong alalahanin. Mauuna na po ako tita." Diretsong sabi ni Kurt kela Gee at sa nanay na ito.
Tuluyan ng nakaalis si Kurt ng bahay nila Gee. Agad namang nilapitan si Gee ng nanay.
"Anak, ba't mo naman ginaganon yung tao?" Malungkot na sabi nito sa anak.
"Ma, masama ho ba kung kilalanin yung taong yun? Tinanong ko lang naman kung sino siya eh. Nakikita ko kasi siya sa school, tapos kasama pa siya sa ospital, wala namang kaming koneksyon noon, edi malamang sa malamang, siya yung tumulong sakin at nagdala sa ospital. Kaya gusto ko siyang kilalanin. Masama ba yun?" Malumanay pero dirediretsong sagot ni Gee dito.
Gulat na gulat ang nanay niya.
"Anak, wala ka bang maalala kung bakit ka talaga nahulog sa hagdan?" Tanong ulit nito sa anak.
"Wala." Sagot kaagad ni Gee.
"Hindi mo talaga kilala si Kurt?"
BINABASA MO ANG
From The Beginning. (ON-HOLD)
RomanceWho are you? Who am I. *ehem ehem* Anyway, ang storyang ito ay puno ng kadramahan, kacornyhan at kakilig kilig (ata) na mga pangyayari. Isama na ang kainis inis, kadiri-diri, kalaswaan (Hindi naman!), at katatawanan (pero corny ako medyo so...). Wa...