CHAPTER 4: LIVING TOGETHER

388 28 0
                                    

Avery P.O.V

Excited ako na nag-impake dahil after one hour ay napapayag ko na rin si Nanay Daisy. Oo, one hour dahil ayaw niya talaga akong payagan nung una dahil nag-aalala siya pero dahil nga makulit ako ay napapayag ko rin siya.

Ipinagbilin ko na si nanay kay Kelly at siya muna ang makakasama ni Nanay Daisy habang wala pa ako.

"Sigurado ka na ba talaga, anak? P'wede naman na ako na ang mag-trabaho at dito ka nalang sa bahay." Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni nanay dahil ngayon lang kami magkakahiwalay pero inilingan ko siya. "Napag-usapan na po natin ito, 'nay. Malaki po ang sweldo rito sa nakuha kong trabaho kaya paniguradong malaking tulong ito sa atin." Malungkot naman itong tumango kaya naman ibinaling ko na ang aking tingin kay Kelly.

"Ikaw na bahala rito kay Nanay Daisy, ha? Mag-iingat kayo," paalam ko bago tuluyang sumakay sa taxi papunta sa address na ibinigay ng amo ko na si Akihiro. At sinong mag-aakala na kilala pala 'yung kutong lupa na 'yun?

Dahil na-curious ako kahapon kung ano nga ba talaga ang background ng Walton na 'yun ay nag-search ako sa google. And to my surprise, I discovered a bunch of search results about him, including the fact that he is the CEO of a renowned fashion company "Z Corp" around the world!

Well, he's Akihiro Grayson Walton, a 27-year-old businessman. No, he's not just a businessman; he's a billionaire businessman! Grabe, halos malula nga ako kagabi nang makita ko sa isang magazine interview kung gaano karami ang business niya at ng pamilya niya. Kahit pala ganoon ang ugali ng kutong lupa na 'yun ay mabait rin dahil hindi ako ipinakulong.

Halos kalahating oras rin ang itinagal bago ako makarating sa Village na tinatawag na Nuxvar, nagtatakha nga 'yung driver ng taxi kung taga-rito raw ba ako pero bakit? Ang weird lang. Btw, hindi ko alam kung anong nangyari sa bahay na pinagnakawan namin at bakit dito na siya nakatira ngayon.

This village looks like it was truly designed for wealthy individuals, the ambiance of the place is practically shouting "affluence." Is this really where I will work? Manakawan kaya ulit? Chariz.

"Miss, anong kailangan mo? Bawal ang pulubi rito tapos na kami mamigay ng paglain kanina," biglang salita ni manong guard na nasa gilid ko pala.

A-Ano? Ako raw pulubi?

"Excuse me KUYA? Hindi po ako pulubi, DULING po ba KAYO at hindi niyo makita ang GANDA KO?!" gigil na tanong ko. Kung hindi lang ito mas matanda sa akin ay baka nairapan ko pa ito.

"Ah," he answered with a blank expression.

"Sige, sige maganda na kung maganda pero bawal ka rito. Kami pa mapapahalitan dahil sa 'yo," singit ng isa pa na guard. "Pero kuya, dito po ako magta-trabaho wala po bang sinabi sa inyo na dadating ako ngayon?" walang lakas na tanong ko.

"Wala, niisang nakatira rito ay hindi tumawag sa amin para sabihin na may katulong silang darating." Talaga naman! Mukhang pinagti-tripan lang ako ng kutong lupa na Akihiro na 'yun! Kung p'wede ko lang siya i-flush sa inodoro, naku!

"Are you done with your imaginations? Hurry up and follow me I don't want an ignorant person okay?" Napaigtad ako nang may biglang nagsalita sa aking tabi.  "Kanina ka pa ba d'yan? Kabute ka ba at bigla-bigla ka nalang sumusulpot sa kung saan?" mataray na tanong ko dahil sa inis nang makilala ko kung sino ang taong 'yun.

Sino pa ba? Edi 'yong sinto-sinto na gusto ng babysitter.

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "I don't have time with your shits so hurry up and follow me, you're like a slow turtle." Aba't-- bwisit! Wala pa ngang sampung minuto na kasama ko ito ay parang gusto ko na 'agad itong patayin.

Huhu, lord ikaw na ang bahala sa'kin!

"Hello po, Sir Walton! Bagong katulong niyo? Pasensya na wala po kasi kaming natanggap na mensahe na may parating kayong bagong katulong," magalang na paliwanag ni manong guard. Kanina pa ito katulong ng katulong, naiinis na ako ha?

It's okay, no big deal, she's not that special anyway." Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nakipagtalo pa. Ayaw ko maubos ang energy ko dahil lang sa pang-aasae nito.

"Miss, 'yang sinasabi mong ganda pang-maid lang pala hahaha!" Kukutusan ko na talaga 'tong panot na ito! Kung makaasar parang close na close kami.

"Ikaw rin, Manong. 'yang buhok n'yo hanggang kilay lang hindi na aabot sa ulo." sarkastiko kong sagot at mabilis namang namatay ang tawa nito at sinamaan ako ng tingin.

Bago pa ito makasagot ay sumunod na 'agad ako kay Sir Walton na kanina pa pala naglalakad. Bago pa man ako makalayo ay humarap muna ako kila Manong Guard at binelatan ito.

Blee!

Habang naglalakad kami ay inilibot ko ang aking paningin. Grabe ang ganda pala talaga rito, kung sa labas maganda dito sa loob sobrang ganda! Para itong barangay na elite version, pak! May nadaanan kaming mini park, wow may park din dito! Sa gilid no'n ay may nakita akong mini church. Sobrang daming puno at mangilan-ngilan pa lang ang bahay.

Mukhang kaunti pa lang ang nakakadiscover sa village na ito at kaunti lang rin ang kayang maka-afford

Sobrang aliwalas ng lugar, hindi mo aakalaing nasa lungsod ka dahil parang nasa probinsya ka na may pagka-modern kapag nandito ka sa loob ng village.

"Idiot, here's my house, you're spacing out, tsk!" Napakurap-kurap ako at hindi ko namalayang nakalagpas na pala ako at hindi ko nakitang tumigil ito.

Napaangat ako ng tingin at kaagad akong namangha sa ganda ng bahay. Hindi ito kasing laki nh bahay na malapit sa amin pero mas modern ang itsura nito. Pero teka, naisip ko lang, sa yaman nito bakit hindi wala itong dalang kotse kanina at bakit naglakad lang kami? Gusto talaga akong pahirapan!

"Faster, are you really that slow? Argh! I think I'm now having a second thought of hiring you, ipakulong nalang kaya kita?" bugnot na tanong nito sa akin dahil sa bagal ko kumilos. "Ikaw naman, sir. Ito na nga po at kikilos na. Saan po ba? Dito po ba? Tara na pasok ka sir ang tagal mo naman. Sa taas ba ang kwarto ko? Sige una na po ako at ng makapag-simula na 'agad sa aking trabaho." At pagkatapos ay dali-dali akong umakyat.

Ayaw ko pa makulong 'no! Ang ganda ng offer sa'kin tapos malaki sweldo kaya hindi p'wedeng matanggal!

"Ano ba ang gagawin ko sayong babae ka? Dito sa baba ang kwarto mo, may maid's quarter ako," iritang turo nito sa kanang bahagi ng bahay.

"May maid ako dati pero sinesante ko dahil tatanga-tanga. Doon ka at 'wag kang pakielamera, kung ano lang ang iutos ko 'yon ang gagawin mo." dagdag pa nito. Pake ko naman kung sinesante mo 'yung maid mo, siguradong tinopak ka lang kaya mo sinesante.

"Ang dami naman nitong hanash sa buhay, akala naman talaga pakielamera ako." pabulong na kausap ko sa sarili ko

"You're saying something, huh?" kunot noo na namang tanong nito. Ano ba naman itong lalaking ito ang lakas ng pandinig, may lahi atang aso.

"Wala po sir, ang sabi ko po ay tatandaan ko ang lahat ng bilin mo," kunwari'y sagot ko nalang.

"Good, now go and take a shower. You smell like a rotting person. Eww!" Ay ang arte.

"And you kinda smell like a baka, Eren Yeager," bulong ko at napabungisngis na lang ako dahil sa kalokohan ko.

***
To be continued...

***
Follow, vote, and comment for inspiration<3

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now