Avery P.O.V
"I like your idea. Why not become one of our designers for the time being?"
"Nahihibang na ba kayo? Ako? Magde-design ng damit?! Baka gusto ninyong malugi ang company n'yo," hindi makapaniwalang saad ko. Tila bigla nalang tumaas ang blood pressure ko dahil sa narinig ko na sinabi ni Hiro.
"Why not? I heard you're a multimedia art student, I guess it can also be related to fashion designing," singit ni Aki habang nakahawak sa kaniyang baba na tila nag-iisip.
"And one more thing, you love money right? When you become our temporary employee you will also have a salary," dagdag pa nito.
"Sinong ayaw sa pera? Gustuhin ko man ay hindi p'wede dahil kailangan ko alagaan ang alaga ko 24/7," paliwanag ko sabay tingin kay Hiro na busy ngayon kaka-type sa phone niya.
Tumingin naman ito sa akin bago nagsalita. "It's okay, lagi rin naman ako rito sa company kaya lagi ka rin dito. You might as well earn more as a temporary employee while working for me at the same time." Tumango naman ako sa sinabi nito.
Hindi ko mapigilan na hindi kabahan at ma-excite dahil sa mga biglaang pangyayari. Sinong mag-aakala na magiging temporary worker ako rito sa Z Corp.?
"Uy, excited siya!" pang-aasar sa 'kin ni Aki sabay sundot sa tagiliran ko na tila kinikiliti ako kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba? Ang kulit mo!" singhal ko sabay sampal sa kamay niya.
"Ouch! Ang sama mo sa 'kin, ha? Kuya oh?" sumbong nito sa kuya niya pero halos matawa ako nang inismiran lang siya ni Hiro bago tumingin sa akin.
"Akiro will prepare a temporary employment contract for you and you will sign it later, okay?" Kaagad akong tumango dahil sa sinabi ni Hiro. Kailangan muna natin maging good girl dahil baka ma-badtrip na naman sa 'min 'tong kutong lupa.
"Good, after we eat I'll take you to the design department, then tomorrow you can start working," paliwanag pa niya at ako naman itong mabait tango lang ng tango.
"I'll come too then, since I'm the creative director of the design department," agaw pansing saad ni Aki sabay kindat sa akin. "Totoo?" tanong ko kay Hiro dahil kung wala akong tiwala kay Hiro mas wala akong tiwala kay Aki.
"Yes, but I'm still your boss and not him," Hiro coldly said, and it seemed like a warning tone. "Yeah, yeah! But, I am now too!" pang-aasar nitong bata sa Kuya niya na naging dahilan para muling dumilim ang aura ni Kutong Lupa.
"Do you want me to tell Grandpa that you made a big party without him knowing?"
Napahilot nalang ako ng aking sintido dahil sa mga naririnig ko. Tuwing magkakasama kaming tatlo lagi nalang silang nagbabangayan na dalawa.
"Can you both stop fighting every time you talk to each other?!" galit na singhal ko. Pareho naman silang napatingin sa akin bago sabay na nagkatinginan.
"We are not fighting," palusot ni Kutong Lupa 1. (Hiro)
"We are just talking," palusot ni Kutong Lupa 2. (Aki)
"Then, tumahimik kayo at kumain bago pa ako mainis sa inyo at saksakin ko kayo bigla," banta ko sabay pakita sa kanila ng hawak ko na kutsara.
Pagkatapos noon ay hindi na ako nakarinig ng kahit anong bangayan. Edi natahimik kami pare-pareho 'di ba? Tahimik kong kinain ang mga pagkain na inorder kanina at hanggang sa matapos kami ay para kaming mga patay sa sobrang tatahimik namin.
"Ngayon tara na sa design department, bilis!" utos ko sabay tayo at gano'n din ang ginawa nilang dalawa. "Opo," sabay na sagot nila na parang batang napagalitan ng nanay kaya naman napangisi ako.
Akalain mo 'yun? Natatakot sila sa 'kin? Is this what they call 'Alpha Female'? Enebe!
Proud na proud ako habang naglalakad habang sila naman ay nakasunod sa akin. Halos lahat ng empleyado ay nakatingin sa amin pero wala akong pake at proud na nag-flip hair.
"Hoy babae, dito tayo pupunta," rinig kong tawag sa akin ni Aki sabay turo sa kaliwang direksyon.
"Tsaka ka na magyabang kapag alam mo na ang daan," dagdag pa ni Hiro kaya nahihiyang napatakbo ako sa pwesto nila. Nakakahiya! Halos lahat ng nandoon ay narinig ang sinabi ni Hiro at tumawa pa sila!
"Hahaha! Serves you right! How dare you lecture us like you're the boss?" dagdag pa ni Aki nang makita ang mukha ko. Gusto ko na lumubog sa kahihiyan!
"We are your boss so don't lecture us, and what alpha female? In your dreams!" pang-aasar pa ni Hiro sabay apir sa kambal niya.
What? Did I say what's on my mind? Omg! Nakakahiya!
"Parang joke lang grabe naman kayo!" reklamo ko sa kanila pagkasakay namin sa elevator. "You deserve it," maikling sagot ni Hiro kaya naman palihim ko nalang siyang inirapan.
"By the way, do you have any experience in designing?" tanong ni Aki. "I'm a multimedia art student, so I guess I can draw and design," walang ganang sagot ko.
"That's good then." Saktong pagkasabi ni Aki noon ay tumunog na ang elevator. Kaagad kaming lumabas at bumungad sa akin ang maingay na lugar. Nagkakagulo ang mga tao na nandito, nakakalat ang mga papel at may nakahiga pa nga sa gitna.
What the hell? What's this place?
"Master! Master tulungan mo kami!" sigaw ng isang babae nang makita si Aki. "What the? You let your team members call you 'Master'?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Don't mind him, gan'yan talaga mga trip niya sa buhay." Si Hiro na ang sumagot sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "That's insane," tanging naisagot ko.
"Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa na—
Biglang naputol ang sinasabi ng isa pang babae at bigla ring natahimik ang buong department kaya naman curious kong inilibot ang aking paningin.
Lahat sila ngayon ay gulat na nakatingin sa akin no, rather than me they are looking at the guy who's next to me, which is Hiro.
"Sir, good afternoon!" sabay-sabay nilang bati na tila ba mga kinakabahan. Bakit parang mga takot sila sa Kutong Lupa na 'to?
"Good afternoon, what's happening here?" seryosong tanong nito kaya halos mapanganga ako.
Anyare? Change personality 'agad?
"Wala naman po sir, nagkaroon lang ng kaunting problema," nakatungo na sagot ng isang lalaki nang biglang nabaling ang tingin nito sa akin.
"This is Avery, your new temporary co-worker. You can ask her anything or better, you can make her your alalay," mapang-asar na saad nito sabay tingin sa akin habang taas baba ang kilay.
Kung hindi ka ba naman mamalasin at bakit ito pa naging amo ko? Napaka-immature na bata!
"Ikaw nalang maging alalay kung gusto mo." Sabay irap ko sa kan'ya.
***
To be continued...***
Follow, vote, and comment for inspiration<3Note: Sorry for super tagal na update😭
YOU ARE READING
Babysitting the Billionaire
RomanceHow can you tame someone who doesn't want to be tamed? Can you tame the billionaire by babysitting him? He's Akihiro Grayson Walton, a billionaire seeking for attention and she's Avery Hope Sanchez, a simple girl, has to deal with him in order to sa...