CHAPTER 10: AKI

264 17 2
                                    

Avery P.O.V

H-Ha? A-Ano raw?! K-Kuya? KUYAAA? Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sa unang tingin hindi mo aakalain na magkapatid sila dahil sobrang magkaiba ang mukha nila but pareho naman silang gwapo.

Pero mas pogi talaga si Hiro--JOKE!

"M-Magkapatid kayo?" gulat na tanong ko. Nakaturo pa ang daliri ko sa kanilang dalawa. Binigyan naman ako ng isang 'tanga-ka-ba-look' ng chismoso bago umupo.

"Isn't it obvious? We're both handsome, but of course, I'm the best," mayabang ba paliwanag ng chismoso. Wow, ha? Nasobrahan naman 'ata ang kahanginan nito?

"Tinatanong ko po lang, pero never ko sinabi na gwapo po kayo." sarkastikong saad ko.

"Really? Who's this girl, kuya? Is she your yaya? Maid? Sisantehin mo, masyadong mataray parang mayordoma." Aba't-

Kalma, Avery. Boss mo rin 'yan, konting pasensya, sayang ang 90k every month.

"Hindi po maid, sir. Babysitter ho, iba ho 'yon," kunwari'y magalang na singit ko. "Maid at babysitter iisa lang!" pabalang na sagot nito sa 'kin.

"Ang maid po naggagawa ng mga GAWAING BAHAY habang ang babysitter po ay NAG-AALAGA NG BATA." pagdidiin ko.

"Yeah? Bata ba si kuya? Okay then, I'll join your craziness. I'll be your second alaga," he said sarcastically.

"Pareho kayong may topak ng kuya mo," bulong ko sa sarili ko. "What did you say?" tanong ng chismoso nang hindi narinig ang sinabi ko.

"Bro, seriously, is she your nanny or your girlfriend?" he asked, emphasizing the word 'girlfriend'

Ako? Girlfriend ng lalaking nasa gilid ko? In his dreams-I mean in my dream pala.

"Eww, excuse me lang sir? Alam ko na boss din kita pero ang panget ng mga lumalabas d'yan sa bibig mo," inis na sagot ko.

"How dare you talk back to me? Kuya, oh!' tila nagmamaktol na sumbong niyo sa kuya niya pero inismiran lang siya ni Kutong lupa.

Pfft! Desurv! Tumingin ito ng masama sa akin nang makita ang pagngisi ko pero mas nilakihan ko pa ang ngisi ko para mas lalo itong maasar.

"Instead of annoying us here, why don't you entertain your other guests, Akiro?" Hiro suggested, pointing his finger to the people.

Huh? Akiro and Akihiro? Nakakalito naman ang pangalan ng magkapatid na ito. Well, aaminin ko gwapo rin ito katulad ng kuya niya. Maputi, blue eyes, matangkad at mabango!

"Done checking me out?" mapang-asar na tanong nito na binigyan ko naman ng palihim ma irap. "Yes po, sir," tipid na sagot ko. Kaysa maasar ako rito sa gwapo na 'to kakain nalang ako!

"Did you not hear me? I said, go away," I heard Hiro say with a commanding tone.

"Ouch naman kuya kung makapalayas ka naman parang hindi kapatid, nakakaabala ba ako?" rinig ko na reklamo ni Sir Akiro pero nagkibit balikat nalang ako habang patuloy pa rin sa pagkain.

Sakto kasi na may dumaan na waiter at may dala itong mga deserts na hindi ko alam ang pangalan basta ang alam ko pangmayaman 'to.

Based on my observation, Hiro gives off a quiet or nonchalant aura, while Sir Akiro radiates a golden retriever-like energy.

"Sir Aki? Ikaw pala nagpa-party?" kunwari ay magalang na tanong ko at nabaling naman sa akin ang atensyon nilang dalawa.

"Yeah, why?" curious na tanong nito.

"Kuha mo naman po ako ng chocolate roon sa chocolate fountain, kanina ko pa kasi gusto kumuha nahihiya lang ako," makapal ang mukha na utos ko sabay abot sa lagayan na nakuha ko sa table namin.

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now