CHAPTER 8: PARTY

304 19 0
                                    

Avery P.O.V

Kinakabahan at namamawis ang aking mga kamay habang palabas ng kwarto. Ngayong gabi na kami aalis papunta roon sa party na sinasabi niya kaya naman hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Suot ko na ang dress na binili nito sa akin at naayusan ko na rin ang sarili ko.

"Hurry up, you're taking too long!" Rinig ko na sigaw ng kutong lupa mula sa labas ng kwarto kaya napairap ako. Nasa likod na niya ako ngayon at hindi lang ako napansin dahil busy ito sa pag-type sa kaniyang phone. "Ito na nga, oh? Ang atat mo naman, ikaw nga ang mabagal!" singhal ko dahil kanina pa ito busy sa pagte-text.

Mabilis naman itong humarap sa akin and it seems like our surroundings suddenly slowed down. Ganito ba 'yung sa mga romance movies na mag-slowmo ang lahat at magagandahan 'yung bidang lalaki sa babae? Yiee!

Dahil sa aking naisip ay pabebe kong hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa aking mukha at pasimpleng nag-pose. Nang tuluyan na itong nakaharap sa akin ay mabilis na kumunot ang noo nito, malayo sa inaasahan ko na reaksiyon niya.

"What else are you spacing out there? Hurry up! Akala mo naman ang ganda mo, mukha ka namang tae!" naiinip na saad nito bago nauna ng lumabas. Napapadyak nalang ako dahil sa inis at mabilis na sumunod sa kaniya. Ano pa nga ba? Lagi lang naman akong naka-buntot sa kutong lupa na 'yan.

Medyo nahihirapan pa ako na maglakad dahil may takong ang sandals na suot ko at hindi ako sanay. But who cares? Ang sabi nga nila ay tiis ganda. Ingat na ingat akong pumasok sa sasakyan niya dahil baka ma-badtrip na naman ito sa 'kin.

Kauupo ko pa lang ay mabilis na kaagad niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan. Hindi ko nga alam kung bakit wala itong driver o kahit na sinong kasama sa bahay? Baka kuripot.

"Is your hobby to stare at me? Am I really that handsome?" biglang salita nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Me staring at you? And you? Handsome? In your dreams!" singhal ko sa kaniya dahil sa hiya. Why do I always end up staring at his face every time we're together? Just why?!

"Okay, I'll just pretend I didn't know," he said with a smirk. Due to my embarrassment, I just pretended to play with things inside his car.

"Seriously? Are you planning to break things in my car? Do you want your debt to increase? Just tell me, I can do that," he said when he noticed me.

Hindi ko na namalayan na kinukutkot ko na pala 'yung bintana ng sasakyan niya. Nakakahiya ka takaga, Avery!

"Fine! Sorry, okay? Mag-drive ka nalang po baka ma-late tayo, tapos ako na naman ang sisihin mo," sabi ko na binulong lang ang last part.

"What did you say in the last part? I didn't hear it."

"Nothing," bored na sagot ko. "Okay. And please, can you move a little farther from me? I can smell your bad breath, eww!" Aba't---

Okay kalma, pagbigyan natin dahil malaki ang sweldo ko at ayaw ko pa na makulong. Pero konting-konti nalang talaga bibigwasan ko na itong kutong lupa na 'to!

Nagkunwari naman ako na sasabunutan siya dahil sa inis but to my surprise, he unexpectedly turned to me, leaving my hand hanging.

Tila na-estatwa naman ako sa aking kinauupuan at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Nahihiya kong ibinaba ang aking kamay at nagpatay malisya nalang.

"Umayos ka mamaya, 'wag kang magbaliw-baliwan doon sa loob at baka mapahiya pa ako," banta nito sa akin habang binibigyan ako ng nakamamatay na tingin.

"Yeah, yeah. As if naman na may gagawin ako roon para mapahiya ako. Kakain lang ako at s'yempre babantayan ang alaga ko," nasabi ko nalang at idiniin ko talaga ang salitang alaga. Inirapan muna ako nito bago unti-unting itinigil ang kotse.

Mukhang nakarating na kami sa party na sinasabi niya and wow, just wow! Grabe, ang laki ng bahay at parang mansion na ito. Inilibot ko ang aking mata habang nakasunod kay Hiro at base sa aking nakikita hakata talaga na mga big time ang mga nandito. Bigla tuloy akong nanliit.

"Bakit nasa likod kita? Dito ka nga sa gilid ko!" utos ni Hiro at mabilis akong hinila sa kamay pagkatapos ay inilapit ako sa gilid niya.

Nasa likod kasi ako nito kanina at nakasunod lang. Naramdaman ko naman na nilagay niya ang kamay ko sa kaniyang braso kaya naman nagtatakha ko siyang tiningnan. "What?" tanong nito nang magtagpo ang mata namin.

"Himala, ang gentledog mo 'ata ngayon," pabirong bulong ko. Nakita ko naman ang mabilis niyang pagsimangot kaya natawa ako.

"By the way, kaibigay or relatives mo ba ang nagpapa-party ngayon?" maya-maya'y curious na tanong ko. Pero niisang sagot ay wala akong narinig mula sa kaniya. Tumahimik nalang ako dahil ayaw ko ng mapahiya pa ulit at nagpatuloy nalang sa pagtingin sa aking paligid.

"Ang layo naman, matagal pa ba tayong maglalakad?" himutok ko ng hindi pa rin kami nakakarating sa pinaka-main entrance ng bahay. "Kung tunatahimik ka nalang kaya para tumahimik din ang buhay ko, 'di ba?" sarkastikong tanong nito pabalik.

"E, kung sinasagot mo nalang ang tanong ko edi sana natahimik na ako, 'di ba?" inis na panggagaya ko sa kaniya.

"You know what? You're so annoying!" he said, sounding very annoyed. "Nyenye, bahala ka sa buhay mo! May multo d'yan!" Pananakot ko, nagbabakasakaling matatakot siya pero wala! Gano'n parin siya maglakad, parang pagong.

"As if naman na matatakot mo ako, am I a kid?" pagyayabang nito habang mabagal pa rin na naglalakad at talagang nakasuksok pa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. Cool kid yarn?

Halos ilang minuto na kaming naglalakad pero parang walang katapusan itong nilalakad namin. Bakit kasi ang layo ng pinagtigilan noya ng kotse? 'yung iba naman nagda-drive papunta doon sa pinaka-main entrance. Wala pa kami sa party pero 'yung mukha ko haggard na 'agad.

"Hiro, malapit na ba tayo? Tanaw ko na 'yung bahay pero parang hindi naman tayo lumalapit, napapagod na ako!" nagdadabog na reklamo ko. Nginisian lang ako nito at hindi nagsalit. Kainis!" "Ikaw, ha? Pinipikon mo talaga ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis itong piningot sa tenga.

"Aww! S-Shit, stop it! O-Ouch. Hey argh!" pfft! Pigil ang tawa akong tumingin sa malayo upang hindi nakasalubong ang mga galit nitong tingin.

"Pfft!" Binitawan ko na ang tenga nito at tinakpan ko 'agad ang aking bibig ng may lumabas na tawa mula roon. Lumauo muna ako ng kauntinupang pakalmahin ang sarili ko dahil feeling ko mawawalan na ako ng hininga sa kapipigil ng tawa.

"So you think that's funny, huh?" galit na tanong nito kaya naman mas lalo akong natawa. Paano ba naman, sino nag-aakala na sobrang sensitive ng tenga niya? Sobrang pula na nito ngayon! "Yes, that's r-really pfft funny, hahaha!" natatawang sagot ko at kumaripas nang takbo.

"Hey! Comeback here!" rinig kong sigaw niya kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa entrance. Habol ang hininga akong napakapit sa dingding habang hinihintay si Hiro dahil siya ang nasa invitation list.

Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang galit na mukha ni Hiro, isama pa ang namumula nitong tenga.

"You're dead. I will tie you to the tree at the back of this house and leave you hanging there upside down," banta niya at ramdam ko talaga ang gigil niya sa akin base sa bawat bigkas niya ng mga salita.

Ano ba kasing ginawa mo, Avery!

***
To be continued...

***
Follow, vote, and comment for inspiration<3

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now