Avery P.O.V
"Sir, where do I put this? Kanina mo pa po ako pinapailot!" Pagod at medyo iritado na tanong ko.
Paanong hindi maiirita kung kalalabas ko pa lang ng k'warto utos 'agad ang bungad sa akin. Buhatin ko raw yung napakalaki niyang lamesa.
Ibinaba naman nito ang kaniyang binabasang libro bago tumingin sa akin ng nakakunot ang noo. "Are you complaining? Just to remind you, you're just a maid, so you don't have the right to complain," he said with a serious tone.
"Excuse me, Sir? Hindi porket katulong ako ay hindi na ako p'wedeng mag-reklamo. Nasaan ang human rights ko?" nagpipigil ng galit na tanong ko. Hindi naman ako nito pinansin kaya naman napasinghal ako sa inis.
Iniwan ko ang hinihila ko na lamesa pagkatapos ay mabilis na lumapit sa kaniya. "Ako ba pinagti-trip-an mo? Porket boss kita gagan'yanin mo na ako? Kutusan kaya kita?!"
"What? Okay, then." Bigla nalang itong tumalikod at umakyat sa second floor habang ako naman ay naiwan rito sa baba. Natahimik naman ako dahil iba ang nararamdaman ko, feeling ko may hindi tama. Mga ilang minuto ang lumipas ay bumaba na ito at mukhang nagpalit lang ng damit
"Let's go," tanging utos nito sa akin at nagmamadali na lumabas. Tahimik naman ako na sumunod kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Saan ang punta natin, Sir? Biglaan naman ang lakad, atat lang?" pabirong tanong ko pero nanatili itong tahimik. Hala, anyare rito?
He is driving very seriously right now, which makes me feel anxious and nervous for some unknown reason. I wonder why?
***
"WAAAHHHH! KUYA ILABAS NIYO AKO RITO!!" halos mapangal na ang bunganga ko kakasigaw. Paanong hindi sisigaw? Ang walang hiyang kutong lupa na 'yun pinakulong ba naman ako rito sa police station malapit sa village nila! Huhu!
"Miss, huwag ka ngang maingay d'yan, nakakaabala ka na oh!" sita sa akin ng isa sa mga pulis kaya naman natahimik ako.
Napaupo nalang ako sa malamig na sahig nitong selda na pinaglalagyan ko ngayon. Kung alam ko lang na rito kami pupunta at iiwan ako dito ng kutong lupa na 'yun hindi na sana ako sumama! Ang sabi pa niya ipakukulong nalang niya ako kaysa magkaroon siya ng babysitter puro reklamo lang ang alam.
"Hoy, Tisay. Anong kaso mo at nandito ka? Ang ganda mo pa naman, sayang ka." Nabaling ang atensyon ko sa aking tabi nang nay kung sinkng nagsalita. Nakita ko ang isang may edad na lalaki na sa tingin ko ay nasa 60 years old na.
"Mahabang kwento, Lolo. Basta nagnakaw ako kasi may sakit ang nanay ko–pero last year pa po, ha? Tapos 'yong kutong lupa na ninakawan ko bigla na lang nagpakita at gusto akong gawing babysitter. Kung hindi ba naman baliw 'yon biglang nagbago ang isip at pinakulong na lang ako!" sumbong ko rito kahit hindi ko naman siya kilala. Anong masama sa mag-share, 'di ba?
Ang sabi nga nila kung hindi mo kayang sabihin sa pamilya, sabihin mo sa hindi mo kakilala.
"Aba, Ineng ang tindi mo naman? Ngayon ka lang nakulong pero last year ka pa nagnakaw? Galing mo naman magtago," natatawang sambit nito kaya napasimangot ako. Akala ko naman isu-support ako, mang-aasar din pala ito katulad nung kutong lupa na 'yon.
"Alam mo kasi Lolo, hindi naman ako makukulong dahil may kasunduan na kami. Tinoyo lang talaga iyong kutong lupa na 'yon!" gigil na daldal ko pa.
"Hayaan mo na, Ineng. Ayaw mo ba no'n makakasama mo ako rito hanggang sa makalaya ka." Pasimple ko naman itong binigyan ng masamang tingin. Ayaw ko ngang makulong, makasama pa kaya siya? At teka nga, bakit may kasama akong lalaki sa kulungan? Hindi ba magkahiwalay ang lalaki at babae rito?
"Ayaw ko po, Lolo. Ikaw po bakit ka po nandito?" pag-iiba ko ng topic. Ayaw ko na pag-usapan ang past ko 'no!
"Trip ko lang, bakit? Inggit ka?" Hayst, kalma Avery, matanda na 'yan huwag mo ng patulan. "Sanchez, laya ka na!" Mabilis na nagpantig ang tenga ko sa aking narinig at mabilis na tumayo at excited na lumabas. Nakita ko naman kaagad su kutong lupa na muntik ko ng isumpa sa loob dahil sa sobrang inis.
Feeling cool, may pasandal-sandal pa sa pader mukha namang pwet! Nagawa pa talaga nitong iharap ang nakaka-bwisit niyang mukha sa akin.
"Anong ginagawa mo rito? Ang sama ang ugali mo para ipakulong ako, walang awa!" pag-iinarte ko with matching irap at cross arm pa. Nakita ko naman ang pagngisi nito bago umayos ng tayo at tuluyang humarap sa 'kin.
"So? Kukutusan mo pa rin ako?" mapang-asar na tanong niya. Halos mapanganga naman ako sa aking narinig. "Hala s'ya! Grabe ka naman parang 'yon lang ipinakulong mo na 'agad ako!" hindi makapaniwalang saad ko.
Binigyan naman ako nito ng nakakainis na ngisi bago tunalikod at naglakad. Susunod ba ako? Kahit hindi sigurado ay sumunod nalang ako at baka topakin na naman ito.
Sinilip ko naman si Lolo bago ako tuluyang makalabas sa police station para nagpaalam pero napakunot ang noo ko ng makitang walang laman ang selda kung saan kami nakaupo kanina. Hala? Dali-dalu akobg tumakbo dahil sa takot at mabilis na lumambitib sa braso ni Akihiro. Wala ba akong pake kung magalit siya!
“What do you think you’re doing, woman?" kunot noong tanong nito.
"Hindi ba halata? Huhu! Hiro may multo doon sa loob presinto!" takot na kwento ko sabay turo sa loob ng presinto pero inirapan lang niya ako.
"P'wede ba? Get off me! And Hiro? Call me sir or boss, don't you know the phrase 'respect your employer'?" Ang arte talaga nito.
"SIR, pasensya na po natatakot lang ako pahawak na. 'wag ka naman madamot, Sir." Hindi na ako nakipagtalo at pilit nalang na kumakapit sa kaniya kahit na tinatanggal nito ang kamay ko.
"It's irritating, you know? You're my babysitter, so act like one!" singhal niya sa akin na tila bugnot na bugnot na. "Akala ko ba ayaw mo na ako maging babysitter?" takha kong tanong.
Kasasabi lang niya kanina, 'di ba? "Tsk." Ang boring naman kasama nitong lalaki na 'to, kung hindi nang-aasar, seryoso or tahimik naman!
Maya-maya ay nakarating na kami sa parking at mukhang sa kaniya 'yong nagniningning na kotse sa gitna, mayaman nga naman. Kaagad itong pumasok sa kotse at sumunod naman 'agad ako.
"So, bakit nga binalikan mo ako? Na realize mo ba na ang swerte mo at may maganda kang babysitter?" mapang-asar na tanong ko rito at sinabayan pa ng taas at baba na kilay.
Hindi naman ako nito inimik at nanatiling tahimik. Tinitignan ko nalang ito dahil wala akong magawa ito at hindi ko naman maipagkakaila na pogi talaga ito— scratch that. Hindi lang ito basta gwapo ubod ito ng gwapo. Hindi ko naisip na may ganitong kagwapong nilalang sa mundo, at ib-babysitt ko pa!
Sayang gwapo sana kaso parang may saltik naman. "Done staring at me? So, what can you say? Am I good enough?" Napakurap-kurap ako at hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako dito.
Ano ba, Avery! Nakakahiya ka. I feel my cheeks blush from embarrassment. Based on his reaction, he is teasing me right now.
"Oh really? How about you? Why did you suddenly come back? Did you realize that I'm the only one you want to be your babysitter? Do you have a crush on me?" I asked because I'm flustered. And I thought he would be angry, but to my surprise, his face suddenly turned into a tomato.
Nahihiya ba siya?
***
To be continued...***
Follow, vote, and comment for inspiration<3
YOU ARE READING
Babysitting the Billionaire
RomansaHow can you tame someone who doesn't want to be tamed? Can you tame the billionaire by babysitting him? He's Akihiro Grayson Walton, a billionaire seeking for attention and she's Avery Hope Sanchez, a simple girl, has to deal with him in order to sa...