CHAPTER 11: JOKE

277 18 3
                                    

Avery P.O.V

"Yeah, I know she's amazing, but don't be feeling close to her, brother. She's my nanny, not yours."

Ramdam ko ang unti-unting pamumula ng mukha ko dahil sa aking narinig. Ano ba, Avery! Inuuto ka lang niyan kinikilig ka naman!

Pero kahit na alam ko na hindi naman seryoso 'yung sinabi niya ay hindi pa rin ako makatingin ng maayos sa kanilang dalawa dahil sa sobrang hiya.

Sinong hindi mahihiya? Parang inangkin na ang buong pagkatao ko.

"Wow, she's not your girlfriend, but YOUR nanny?" tila nang-aasar na saad ni Sir Aki.

Nakakahiya naman kung tatawagin ko siya sa name niya mamaya masabihan pa ako na walang manners.

"I'm starting to get really annoyed. What are you even doing here?" Hiro asked irritably.

"Why? Is it bad to sit here? Ako naman ang nagpa-party, so it's my obligation to entertain you guys," Sir Aki explained while smiling widely.

"Do you think I'm enjoying your presence right now? I'm actually feeling more annoyed than happy," Hiro replied.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila habang parang aso't pusa sila na nag-aaway. Para silang mga bata rito ngayon at mukhang magiging literal na babysitter ako ng dalawang 'to.

"Tumigil na kayo, kids. Gusto n'yo ng chocolates?" nakangiwing tanong ko habang inaalok sila ng chocolate. Feeling ko naman ay mauuto ko sila.

Kailangan ko na silang patahimikin dahil nakakahilo na sila at nakakaagaw na kami ng atensyon mula sa ibang mga bisita. Kita ko naman ang hind makapaniwalang tingin na ibinibigay nila sa akin ngayon.

"I don't need your chocolate, tsk! Fine, aalis ako ngayon pero babalik ako mamaya and you will explain all of this later in private, or else I will report you to Grandpa," parang batang pananakot nito kay Kutong lupa.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at palihim na napangiti dahil ang cute nito lalo na nang sumimangot ito. Para itong bata na naagawan ng candy.

Mabilis na itong tumayo at pumunta sa kung saan.

"Why are you smiling? You've never smiled at me like that before," I heard Hiro complain when he saw me.

Mabilis na nawala ang ngiti ko at nakasimangot na tumingin sa kaniya. Panira talaga ng moment.

"Pake mo—I mean ang cute po kasi ng kapatid mo," plastic na paliwanag ko.

"That guy cute? The hell? Do you have a crush on that monkey?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Huh? H-Hindi ko po siya crush," nauutal na sagot ko sabay iwas ng tingin. Hindi crush pero bet ko itsura niya, enebe!

"And now you're stuttering? I wonder why," he said maliciously as his face came close to mine.

"Ano ka ba, nahihiya lang ako kasi kung mapangbintang ka," pabebeng sagot ko.

"By the way you're acting, I guess you really have a crush on that ugly monkey. Bahala ka sa buhay mo, iiwanan kita rito at doon ka sa crush mo magpahatid," masama ang tingin na usal nito at akmang tatayo na ng bigla ulit sumulpot sa kung saan si Aki.

"Where are we again?" nakakaloko ang ngiti na tanong nito habang papalapit sa amin.

Kaagad itong umupo sa aking harapan at tila hinahalukay nito ang buo kong pagkatao dahil sa mga titig na ibinibigay niya. Mas lalo naman akong nailang, isama pa itong kutong lupa na grabe ang sama ng tingin sa aming dalawa ng kapatid niya.

"What?" painosenteng tanong ko nalang.

"Nothing, ang cute mo pala sa malapitan," nakangiting banat nito at nangalumbaba sa harapan ko. Nahiya naman ako dahil sa sinabi nito. Ang pogi ba naman nitong nasa harapan ko kahit sino mahihiya kapag nasabihan ng gano'n.

"Ehe, enebe alam ko po 'yun sir," malanding sagot ko sabay hawi ng imagination hair.

Natawa lang ito habang patuloy pa rin ang pagtitig sa akin. Mali naman itong si Hiro. Anong ako ang may crush? Kapatid niya ang may crush sa akin!

"Ehem, mukhanv enjoy na enjoy kayo riyan, ah?" masama ang timpla ng mukhang tanong ni Hiro sa amin.

Akala ko ba iiwan na niya ako? "Sir Hiro, akala ko po ba aalis na kayo? Sige po mauna ka na magpapahatid nalang po ako sa kapatid niyo," patay malisyang wika ko.

Nakita ko naman ang pagpula ng mukha nito kasama ang leeg at tenga niya. Pasimple naman akong natawa dahil alam ko na nahihiya ito.

"That's correct, but remember that I'm your boss, so you are my responsibility. If anything bad happens to you, I will be the one who will suffer the consequences." Sus, reason.

"Kung gusto mo na umuwi kuya just go, I'll take care of her," singit ni Sir Aki.

"Thank you po, Sir Aki," mahinhin na pasasalamat ko. Tinignan ko naman si Hiro na parang anytime ay papatayin na kaming dalawa ng kapatid niya.

"Ano ka ba wala 'yun, and don't call me sir just call me Akiro or whatever you want to call me," mabait na saad nito. Ang bait niya! Bakit hindi nalang ako sa kaniya nagnakaw? Baka patawarin pa ako nito kaagad.

"Huhu! Salamat po talaga Si—Aki, salamat Aki ang bait mo naman sana ikaw nalag ang boss ko," pabirong usal ko.

"What did you say?" Napatingin ako kay Hiro na sobrang dilim ng mukha ngayon na nakatingin sa akin. Napalunok naman ako ng aking laway dahil ramdam ko talaga ang inis nito sa akin ngayon. And this time, I know it's serious!

"H-Hehe, uwi na po tayo?" kinakabahan na suggestion ko.

"Can you repeat what you just said earlier?" utos nito. "Sabi ko po gusto ko na umuwi," maang-maangan na sagot ko pabalik.

"Good answer, akala ko gusto mo maiwan dito para maitali ka sa puno mabilis pa naman akong kausap," tila wala lang na pananakot nito sa akin.

Mabilis ang pintig ng puso ko na napatingin kay Aki na mukhang natutuwa sa napapanood niya ngayon.

"Una na kami Aki, kasi tinoto—I mean gusto na kasi umuwi ng kuya mo," paalam ko rito na tinanguan naman niya. "It's okay, I hope we can chitchay again sometime. Nice meeting you," Aki said, still smiling widely.

"Tsk!" Rinig kong singhal ni Hiro sa likod ko. Nakatayo na ito ngayon at atat na umalis kaya nginitian ko muna ang kambal niya bago tumayo.

Pagkapasok namin sa sasakyan ay hindi pa rin ito umiimik kaya naman hindi nalang din ako nagsalita at baka ma-badtrip na naman ito sa akin. Nang makarating na kami sa bahay niya ay tahimik itong lumabas ng kotse at kaagad naman akong sumunod.

Nakita ko ito na naupo sa sofa at hindi ko alam kung uupo ba ako o didiretso nalang sa kwarto ko.

"So you don't want me to be your boss? You'd rather choose that ugly monkey over me?" Out of the blue na tanong nito.

Seryoso? Umuwi kami para lang itanong niya 'yun? SERIOUSLY?!

"Joke nga lang po 'yun," nakatungong paliwanag ko.

"Then I am not. You are mine, you are my toy, my nanny. I will not give you to anyone else, including my brother, even if you have a crush on him."

Enebe! Kinikilig naman ako sa sinabi nitong kutong lupa na 'to, except s'yempre sa 'toy' part.

***
To be continued...

***
Follow, vote, and comment for inspiration<3

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now