Avery P.O.V
Naglalakad kami ngayon dito ni Aki sa hallway. Ihahatid kasi niya ako kay Kutong Lupa, buti nalang talaga at nakit ako siya dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"So, I am your baby?" nang-aasar na tanong niya sa akin.
"Assuming mo naman, ikaw lang kasi 'yung way ko para makapasok dito. In short, GINAMIT LANG KITA," pang-aasar ko rin. Nakita ko naman ang mabilis na pagsimangot nito sa narinig kaya natawa ako. Sino sa atin ngayon ang talo?
"You know what? For a maid, you're rude and bossy, I'm also your boss so respect me," nagmamaktol na saad nito.
"Are you the one giving me salary?" I teasingly asked. "No." Umiiling na sagot niya sa akin
"Then you're not my boss, your brother is," I replied, still teasing. Inirapan naman ako nito dahil sa sagot ko at hindi na ako inimik. Manang-mana talaga sa kuya niya, moody pareho.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad pero ngayon tahimik na dahil hindi na ako kinikibo nitong kapatid ni Kutong Lupa. "May patampo-tampo ka pa na nalalaman d'yan, close ba tayo?" pang-aasar ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita.
"Sorry na, baby." Kalabit ko sa kaniya pero itong bata inismiran lang ako. Nako! Kung hindi lang ako nacu-cute-an sa kaniya hindi ko siya papansinin. Pangarap ko na kasi talaga magkaroon ng baby brother pero hindi pinalad.
"Baby your face," nagtatampo pa rin na tugon nito kaya natawa ako.
"Baby Aki, 'wag ka na mag-tampo," paglalambing ko sa kaniya dahil baka topakin din ito katulad ng kuya niya.
"I thought I'm your baby? Now it's him?" Tila nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang boses na 'yon. Tumingin ako sa aking harapan at bumungad kaagad sa akin ang nakamamatay na tingin ni Hiro. Parang anytime ay lalapain na niya kaming dalawa ni Aki.
"O-Oy," tanging nasabi ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit badtrip ito ngayon dahil dapat ako ang ma-badtrip. Ni-hindi man lang niya sinabi sa guard na may kasama siya na-stress tuloy ako. Or baka naman gutom na ito kaya galit?
"Kuya naman, we're just joking with each other," paliwanag ni Aki. Buti nalang at nagsalita ito dahil ang bigat ng atmosphere rito ngayon.
"And of all places, you choose to flirt here in my company?" Hindi nito pinansin ang sinabi ni Aki at sa akin pa rin nakatingin na para bang sa akin niya talaga sinasabi ang mga salita na 'yun. Grabe, ang judgemental talaga nitong lalaki na 'to.
"I've been waiting here for almost an hour just to see you flirting with my brother?" galit na tanong nito sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin, lakas kasi mang-guilt trip.
"Paanong hindi mala-late, e hin—
"Come with me to my office." Putol nito sa sasabihin ko at nauna ng pumasok sa office niya na nasa tapat na pala namin.
Nagmamakaawa akong tumingin kay Aki para tulungan ni ako dahil paniguradong tinotopak na naman ang kuya niya. "I want to come too," volunteer ni Aki. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil ayaw ko talaga na makasama itong kutong lupa na 'to ng mag-isa.
Tinignan naman siya ng masama ni Hiro at nagpa-lipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"No way. And one more thing, why are you here? Bakit wala ka sa office mo, it's already working hours," galit na tanong nito kay Aki. Kita ko naman ang pagtahimik ni Aki at hindi nakasagot sa kuya niya.
Tumingin ito sa akin pero sinenyasan ko siya na hindi ko alam ang gagawin ko.
"Are you slacking off again?" tanong ulit ni Hiro.
"Fine, I'll leave now. Bye!" Hindi na nito hinintay ang sagot ng kuya niya at dali-dali na itong kumaripas ng takbo.
"Pst!" sitsit ko sa kaniya dahil ayaw kong maiwan dito.
"Who are you calling? Follow me." Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya pero bago ako tuluyang makapasok sa office niya ay sinenyasan ko muna si Aki na patay siya sa akin kapag nakita ko siya pero ang walang hiya tinawanan lang ako.
"Why are you still looking at my brother? Do you really want to make me angry?" Sabi ko nga hindi na titingin. Daming arte.
Pagkapasok namin sa loob ng opisina nito ay kaagad akong namangha. It's a modern type of office, with the typical luxurious office look. I'm not really surprised, considering that Z Company is a famous brand worldwide. Take note that it's a fashion company, so it's no wonder the interior design also screams 'fashion'.
Sa gitna ng kwarto doon naka-p'westo ang kaniyang working table. It's a large, stylish table with a laptop, a desk organizer, and a personalized nameplate displaying his name and his position as CEO.
On the side of his table, there is a bookshelf, while at the other end of the office, there is a sofa for visitors. It's a space for welcoming guests and discussing business matters with them and the CEO. The wall is decorated with creative paintings, awards, and fashion sketches.
Nakita ko si Hiro na umupo, so I silently followed him and sat in front of him.
"Why are you and my monkey brother together?" walang ano-anong tanong nito sa akin. Still glaring at me.
"Tinulungan niya akong makapasok kasi hindi ako pinapasok nung guard niya sa baba. Bakit ka ba nagagalit? Kung gutom ka, ito na. Isaksak mo sa baga mo!" Padabog na sambit ko sabay baba ng binili ko desk niya.
Mabilis naman nitong hinawi ang mga papeles na nasa desk niya at sinuri ang ibinigay ko.
"What's this shit? Are these edible?" judgmental na tanong nito na parang nandidiro pa sa nakikita niya ngayon. OA ha? Parang ngayon lang nakakita ng street foods.
"Hindi mo alam ang nga 'yan? That's impossible kasi kung oo kawawa ka naman," malungkot na paliwanag ko. Talagang kawawa siya dahil masasarap ang mga ito!
"Of course I know these food, uhm what's this again?" hindi siguradong tanong niya sa pagkain na pares.
"That's what you call 'pares'," paliwanag ko. "What? Pares? You mean pair? What's that," tanong na naman niya na tila curious na curious sa nasa harapan niya ngayon. Hay, kawawang bata.
"Beef stew," pagod na sagot ko. Paartehin ko nalang para wala ng tanong. "Oh, it's beef. And what about those orange balls?" tanong nito.
"This is kwek-kwek," sagot ko sabay subo sa kaniya ng isang buong kwek-kwek. Ang dami kasing tanong ayaw nalang tikman.
Halos matawa naman ako ng bahagya pa siyang mapaubo. "You're dead meat."
"Joke lang, ang sungit mo naman lagi para kang matanda na nalapit ng mag-menopause," biro ko pero mukhang hindi siya natutuwa.
"Ano, masarap ba?" pag-iiba ko ng topic.
"It's alright when you're hungry, but it's not very tasty because it's cold." Ay sus! Hindi raw masarap pero panay naman ang subo.
"Sisihin mo guard niyo sa baba kung bakit malamig na ang pagkain mo," paninisi ko kay Kuyang Judgemental.
"It's his job, that's why. You should set him as an example to do your job better." Wow, hindi man lang ako kinampihan.
"Observer ka pala? Then why don't you just make him your bodyguard if he's that good?" inis sa suggestion ko pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Sarap na sarap ito sa kinakain niya ngayon at hindi man lang ako naisipang alukin.
Hello? Nandito rin ako, hindi rin ako kumain ng umagahan.
"What's the name of this food again?" Turo niya sa kwek-kwek na isang piraso nalang.
"Kwek-kwek, pinakamasarap," proud na sagot ko.
"Oh yeah, I like this food, Kwak-Kwak."
***
To be continued...***
Follow, vote, and comment for inspiration<3
YOU ARE READING
Babysitting the Billionaire
RomanceHow can you tame someone who doesn't want to be tamed? Can you tame the billionaire by babysitting him? He's Akihiro Grayson Walton, a billionaire seeking for attention and she's Avery Hope Sanchez, a simple girl, has to deal with him in order to sa...