Avery P.O.V
Ano na ang gagawin ko? Tinanggal na talaga ako sa trabaho ni Sir Ivan. Kung hindi dahil sa kupal na 'yon may trabaho pa sana ako! Demonyo talaga, hindi man lang palampasin 'yong isang beses na natulog ako sa trabaho! I know bawal 'yun pero kasi huhu tanggal na ako!
I mean mukha naman siyang mayaman kaya barya lang sa kan'ya 'yong ninakaw ko, hindi naman siguro siya naghirap dahil doon 'di ba? Sana ginawa nalang niyang donation sa akin 'yun.
Mag-sasampung minuto na 'ata akong paikot-ikot dito sa sala namin, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Saan na kami kukuha ngayon ng pangkain ni Inay? Ako nalang ang nagta-trabaho para mabuhay kami pero ngayon wala na!
Minsan na nga lang makahanap ng magandang trabaho nawala pa. Kung hindi ka ba naman tamaan ng malas
"Ano ba, anak? Kanina ka pa paikot-ikot d'yan, ako ang nahihilo sa iyo. Ano ba ang problema mo at tila aligaga ka?" Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Inay at nagtatakhang nakatingin sa 'kin. I looked at her, contemplating whether I should tell her what happened today. Pero kapag sinabi ko na wala na akong trabaho paniguardong hahanap si Inay ng trabaho niya pata makatulong sa akin. Alam ko ang ugali nito, matigas ang ulo.
"Wala po, Inay. May iniisip lang po ako, 'wag mo nalang po akong pansinin," nakangiting paliwanag ko. Nang makaramdam na ako ng ngalay sa paglalakd ay mabilis akong umupo sa aming upuan. Mabilis naman na sumunod sa akin si Inay at umupo sa aking harapan.
"Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ang problema mo? Hoy, Avery! Ayaw ko na nagtatago ka ng sikreto sa akin!" galit na sambit ni Inay habang binibigyan ako ng pamatay na tingin.
"Wala nga po Inay, iniisip ko lang kung bakit sobrang ganda ko e hindi ka naman kagandahan? Ay, siguro kay Itay ako nagmana," pagbibiro ko upang hindi na ito magtanong pa.
Huhu! Sorry, Inay.
"Iyon lang pala pinag-alala mo pa ako, ikaw talagang bata ka! Sige na, magluluto na muna ako. O, baka pagbawalan mo pa ako? Iyon nalang ang ginagawa ko rito sa bahay." Napailing nalang ako at wala ng nagawa dahil kaagad na itong dimiretso sa kusina.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa dami ng aking iniisip. Siguro naman ay may makukuha pa akong trabaho 'di ba? Pero tatlong araw na akong naghahanap ng bagong trabaho at niisa walang tumaggap sa akin. Bugnot na bugnot akong tumayo upang lumabas. Saan ako pupunta? Saan pa edi roon sa demonyo!
No choice!
Dire-diretso akong nagmartsa palabas ng aming bahay pero kaagad din akong napatigil ng ma-realize na hindi ko pala alam kung saan ang bahay ng kutong lupa na iyon! Paano na 'yan? Bago pa man ako mabaliw sa kaiisip ay bigla nalang tumunog ang 3310 Nokia phone ko, o 'di ba sosyal? Antique 'yan, konti na lang kaya ang meron nito.
Napakunot ang noo ko ng makitang 'unknown' number ang nakalagay, at sino naman ito? Ah, alam ko na. Kaagad ko itong sinagot at bago pa ito makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"Kung sino ka man wala akong time sa 'yo, okay? Busy akong tao kaya kung nanti-trip ka lang lubayan mo ang katawang lupa ko!" singhal ko rito. Naghintay ako ng sagot ngunit nanatiling tahimik ang kabilang linya kaya naman napakunot ang noo ko. Siguro dahil sa stress ay mabilis uminit ang ulo ko ngayon.
"Ginag*go mo ba ako?" inis na tanong ko. Badtrip na nga ako tapos pagt-trip-an pa ako? Akmang ibababa ko na ang tawag pero may narinig ako, isang boses ipis! Boses pa lang naiirita na ako.
"Why so bossy, Miss Thief? As far as I know you're the one who stole something from me, am I wrong?" Kahit na alam ko na nang-aasar lang ito ay hindi ko pa rin makuhang magsalita dahil alam ko na tama ang sinasabi niya.
Ipapakulong na ba niya ako? Paano na si Inay? Tiyak na magagalit at mapapahiya siya sa mga kapitbahay namin kapag nalaman nila ang ginawa ko. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niya na may anak siyang magnanakaw?
"Hey, why so silent? Remember what I told you two years ago? I am here to make you pay for what you stole." Napalunok nalang ako sa kaba dahil sa sinabi niya at napahigpit ang hawak sa aking cellphone.
"A-Anong kailangan mo?"
"It's simple, be my babysitter until I get bored and then you're free to go." Nababaliw na ba ito? Babysitter daw? May sayad na 'ata sa utak itong kausap ko, masyado na 'tong gurang para mag-babysitter.
"Seryoso ka ba? Ikaw ang ib-babysit ko or anak mo?" nalilitong tanong ko.."Do I look like a father? I'm single and I don't have any plans to get married!" iritadong singhal nito sa akin sa phone. Ay wow ha, galit 'agad? Masama na bang magtanong ngayon?
"Alam mo, wala akong time sa mga kalokohan mo. Kung gusto mo ay babayaran ko nalang 'yung ninakaw ko sa 'yo tutal nagbagong buhay na naman ako," suggestion ko. Siguro naman papayag na siya? Kung gusto niya magdagdag pa ako ng tubo.
"Do I look like I'm short on money? You will work, or you will go to jail?" Sabi ko nga magiging babysitter niya ako. Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba?
"Fine! Pero kung ang balak mo ay magtrabaho ako na walang sweldo aba hindi p'wede, hindi na uso 'yun ngayon 'no!" paliwanag ko dahil feeling ko ay iyon ang balak niya.
Totoo naman ang sinasabi ko, ayos lang naman sa akin na magtrabaho para rito pero hindi p'wede kung walang sweldo. "Tsk! Ibang klase, ikaw na nga itong may antraso ikaw pa may balak magdemand ng sweldo? Fine! 10k every month ayos na?" Wow! Parang ngayon ko lang ito narinig mag-tagalog ah?
Pero 10k? Malaki na rin 'yon ang kaso mayaman naman itong kausap ko kaya dapat malaki! "No deal, ang baba!" kunwari'y reklamo ko.
"The hell? 20k, deal?"
"No deal, mababa pa rin ang yaman mo, taasan mo naman!"
"Fine, 90k a month last price, take it or go in prison."
"DEAL! Akina address mo at ng masimulan na, kung gan'yan ba naman ay magkakasundo tayo," tuwang-tuwang sagot ko. Hehe, nice! Ang swerte ko namang magnanakaw, may trabaho na malaki pa ang sweldo. Uto-uto rin itong lalaki na 'to.
"Good, I'll just text you my address and be here in 30 minutes. Magdala ka na rin ng mga gamit mo dahil stay in ka." Hala? All around maid ba ang gagawin nito sa akin? Pero ayos lang sulit pa rin sa sweldo! Magpapaalam nalang ako kay Inay, medyo pahirapang paalam rin ito.
"Okay, sir." magalang na sagot ko. S'yempre kailangan magalang baka magbago bigla ang isip sayang ang 90k. "I'll hang up now, and I don't like stupid babysitter."
"Sige po sir! Napakabait mo talaga mwuah!" pang-uuto ko pa, baka dagdagan bigla ang sweldo ko. "Yeah, I know. And I will surely enjoy my 90k, hinding-hindi masasayang 'yon because I will make your life a living hell."
Utot mo sa pelikula lang gumagana 'yang gan'yang line.
***
To be continued...***
Follow, vote, and comment for inspiration<3
YOU ARE READING
Babysitting the Billionaire
RomanceHow can you tame someone who doesn't want to be tamed? Can you tame the billionaire by babysitting him? He's Akihiro Grayson Walton, a billionaire seeking for attention and she's Avery Hope Sanchez, a simple girl, has to deal with him in order to sa...