UNANG KABANATA
Masaya kong tinahak ang gitna ng kakahuyan habang mahinang kumakanta. Hapon na at ito ang oras ng aming pagkikita.
Ilang araw na rin nang huli kaming nagtagpo. Sa kadahilanang malapit na ang pagtatapos niya sa college ay naging busy na ito. May pinaghahandaan din siyang laro. Soccer is his sport. Before their graduation, lalaban muna sila sa national league. At minsan na lang ito nakakapunta rito sa gitna ng gubat.
Di ko mapigilang mapapikit habang dinadama ang sariwa at malamig na hangin. Ramdam na ramdam ko ang sabay-sabay na pagsasayaw ng mga naglalakihang mga puno na sinasabayan ng mahinang huni ng mga ibon. Kay sarap talagang pagmasdan ng payapang tanawin.
Mas lalong lumapad ang aking ngiti nang matanaw ko na mula sa aking kinatatayuan ang di kalakihang treehouse na gawa pa naming dalawa. Since we were young we always go here and play. We sometimes swim at the river, catches some fish o hindi kaya ay paramihang makahanap ng mga puting bato.
Nakasanayan na naming dalawa noon ang pumunta sa lugar na ito. This place becomes our safe place, our comfort zone.
Dahan-dahan kong inakyat ang hagdan papasok sa tree house. Nang nasa loob na, kinuha ko agad ang ukulele na nakatayo sa isang gilid. Both of us loves to play instruments lalo na 'pag ukulele ito.
Pinag-iponan pa namin itong dalawa para lang mabili namin ito. We both had addiction to this instrument.
I slowly strum the ukulele. As I gently played the string, sinabayan ko ito ng mahinang pagkanta. I'm not really sure if he could come here in time but I'm still going to wait for him. I used to be the one who waits for his arrival kaya hindi na bago sa akin ang bagay na ito.
Di ko na namalayan ang oras. Nang lingunin ko ang labas mula sa maliit na bintana ay magdidilim na. The wind becomes colder as the night sky is approaching. But I don't mind. The place where I am now is safe. At isa pa, pwede naman akong matulog dito sa tree house namin.
"Avonlea, this is your tita Isza and tito Arjie," Pagkilala ni mommy sa mag-asawang nasa aming harapan. "And this is their son, Issar."
"Hello." Bati sa akin ng batang si Issar, kumaway pa ito sa akin.
Tiningnan ko siya at binigyan niya ako ng isang ngiti dahilan para makita ko ang sira-sira niyang mga ngipin. Nandidiri ko siyang tinapunan ng tingin. There's no need to give me a smile lalo na't hindi naman maganda ang mga ngipin mo!
I also give him a gaze from head to foot. His shirt is full of mud, wala rin siyang slippers na suot! He looked so dugyot!
"Who are they, mommy?" I asked my mom innocently.
Their faces are new to me. I haven't met them at least once before. Well, I barely know my mom's friends.
"Your tita Isza and tito Arjie are both mommy's friends," Sagot ni mommy. "They're the owner of the farm next to ours." Dagdag niya pa.
I nodded as I roamed around my eyes. The surrounding is covered with only one color. All I can see are all green. Well, except for the color of our house and the house next to us.
The whole surrounding looks so refreshing.
"Hindi mo naman kailangang mag-abalang tulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit namin, Isza," Rinig kong sabi ni mommy. "Pero salamat, ah."
"Ano ka ba naman, Ava, wala lang ito." Narinig ko namang sagot ni tita Isza.
"Mama! Tapos na akong maligo!" Umikot agad ang bilog ng aking mga mata ng marinig ko ang sigaw na iyon.
Ang batang lalaki kanina ang may ari ng boses na iyon. Buti naman ay naisipan niya pang maligo! Mukha kasi siya baboy na galing sa putikan kanina.
Hindi ko alam kung kanino siya nagmana. Ang ganda-ganda ni tita Isza at pogi naman si tito Arjie. Habang siya nagmumukha siyang dugyot na kulangot!
"Hello," Mula sa nilalaro kong barbie doll ay napabaling ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.
"I'm Issar… I'm eight years old… Sa susunod na buwan nine na ako." Pakilala niya. Pinakita niya pa sa akin ang mga daliri niya, binibilang ang edad niya.
"Wala akong pake," Mataray na sagot ko at bumalik sa paglalaro sa barbie ko.
"Gusto kitang maging friend." He actively stated at tumabi sa akin ng upo.
Sobrang dikit na dikit niya sa akin! Hindi niya ba alam ang salitang space?!
"Hindi kita gustong maging friend." Sagot ko sabay layo sa kanya.
"Pero ako, gusto kitang maging friend." Pamimilit niya pa habang dumidikit na naman sa akin.
Dahil sa ginawa niya ay lumayo na naman ako. Unti-unti na akong naiirita sa kanya! Gustong-gusto ko na siyang bigwasan para manahimik na siya!
"Bakit ka lumalayo sa akin, Avonlea? Tapos naman na akong maligo, ah," Daldal na naman niya.
"Kasi amoy mabantot ka parin."
Inamoy niya ang kanyang sarili bago tumingin ulit sa akin, "Hindi naman, ah amoy baby cologne nga ako, e."
Hindi ko na lang siya pinansin at naglaro na lang ulit sa barbie na hawak-hawak ko. Wala akong oras para makipag-usap sa katulad niyang mabantot. At isa pa kung magkakaroon man ako ng kaibigan ayaw ko sa lalaki at mas gusto ko ang mga babae.
"May toy car din ako, nasa bahay nga lang nakalimutan kong dalhin dito." Wala parin siyang tigil sa pagsasalita.
Nasa ganon lang kaming posisyong dalawa hanggang sa dumating ang hapon. He attentively making nonsense stories about himself while me, not paying any attention to him.
Kanina ko pa siya binabara ngunit kahit anong gawin ko ay ayaw niya paring tumigil kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko naman laway ang mauubos, e, kanya naman.
"Pero namatay ang alaga kong baboy na si Piggy," Malungkot niyang pag kwe-kwento. "Kasi hindi niya nakayanan ang sakit na dumapo sa kaniya. Iyak nga ako ng iyak noon e, kasi wala na ang pet ko." paiyak niyang dagdag.
Hindi ko na natiis ang kadaldalan niya't tumayo na ako mula sa pagkakaupo at iniwan siyang nagsasalita. Agad akong dumiretso sa kusina kung saan nagluluto si mommy at tita Isza. Malakas na tawa ang agad na sumalubong sa akin.
"Oh, anak. Tapos na ba kayong mag laro ni Issar?" Tanong agad no mommy nang mapansin ako.
Tumango lamang ako bilang tugon sa kanyang tanong bago umupo sa upuan paharap sa kanilang dalawa ni tita.
"Mommy, I want strawberry jam." I pouted.
"I want strawberry jam, too." It's Issar's voice, na nakasunod na pala sa akin.
"Here. Don't forget to share your strawberry jam to Issar, Avonlea." I pouted even more as I heard my mom's soft but commanding voice.
Tumango lang ako at inusog kaunti ang lalagyan ng strawberry jam papalapit kay Issar na nasa tabi ko na. Masaya siyang nagpasalamat sa akin bago kumuha at kinain ito.
Nang matapos ay nagpaalam muna ako kay mommy na pupunta muna sa kwarto. Simula nang makarating kami rito sa probinsya ay hindi pa ako nakakapagbihis. Nangangati at malagkit na ang mga balat ko dahil sa mga alikabok at usok ng mga sasakyan na mula pa sa daan kanina.
Bago pa man ako tuluyang makaapak sa huling baitang ng hagdan ay may tumawag sa aking pangalan.
"Avonlea!" Nakanguso kong binalingan ng tingin si Issar na nakatingala sa akin. "I promise... One day, you will able to talk to me with warm." 'sing liwanag ng buwan ang kanyang ngiti.
***
シ
YOU ARE READING
The River
Short Storycompleted (unedited) "Are you ready to accept the fact that you have to sacrifice your love for the sake of your freedom?" - As years pass by being in a relationship, Avonlea Pauner and Issar Lavisores keep it private. No one knows about their secr...