Elouise POV.
Dumating na nga Ang panahon na mag tatanghal kami. Medyo kinakabahan na ako kasi first time kong tumapak ulit sa intablado. I remember Back then na kapag may play kami noong elementary palang ako madalas props men lang ako ganun wahahaha! Kinukuha naman Nila akong lead cast Ang kaso sobra kong mahiyain. Minsan nga isa lang akong malaking puno sa stage o di kaya pusa, well okay lang naman yun sa akin kasi extracurricular din yun. Pero ngayon iba na ang pressure na ikaw na ang papanoorin ng Lahat at ikaw na ang bida.
"Handa na ba Ang lahat?" Tanong sa amin ni ma'am garcia. Kung Hindi niyo natatandaan, siya yung advisor namin sa music club.
Lahat kami dito sa dressing room ay tumango na lamang dahil kinakabahan din kami. Dati kasi Ang music club daw ay for choirs lang. Sinasali sa mga patimpalak kagaya ng acapella tournaments or kapag may misa, music club lang ang kakanta. Aminin mo man o sa hindi, mas priority ng mga school ay mga athletes. Yeah that's the reality.
Habang nagpre-prepare kami ay sinabihan na kami na magsisimula na ang play
Nagsimula Ang play sa pagbukas ng curtain, nasa blockings na ako kung saan ang unang scene.
"Elle dito kalang sa bahay at may pupuntahan lang kami. Maglinis ka diyan at kumuha ka ng mga pang-gatong sa kakahuyan para sa chimney!" Sabi ng aking papa. Tango na lamang Ang aking nasagot.
"Meron papala, magluto ka rin ng pagkain namin at kainin mo lang yung isang tinanay dun kalahati lang para may pagkain kapa mamayang gabi, naiintindihan mo ba!" Dagdag pa niya sa akin.
"Opo ama!" Tanging tugon ko sa kaniya. "
Alam ko naman na Hindi ako mabubusog sa isang tinapay tapos kakalahatiin ko pa. Hayst! kung nandito lang si mama siguro mahal parin ako ni papa!" Pabulong kong sabi sa kawalan.Umalis na si papa kasama si felicy, kapatid ko si felicy sa ama at alam ko rin na sobrang mahal siya ni papa. Naiinggit man ako at nasasaktan pero wala parin akong magawa dahil ako Ang sinisisi ni papa sa pagkamatay ni mama. Naalala ko noon na masaya kaming pumunta at mamasyal sa parke upang magpicnic. Bata pa ako noon at wala pang kamalayan 2 years old palang ako nun. Sa di inaasahang pangyayari kakahabol ko sa isang makulay at maningning sa paru-paro hindi ko namalayan na nasa gitna na ako ng kalsada. Hindi ko rin napansin na may humaharurot na sasakyang panlupa medyo may katayugan ito at napakabilis ng pagandar at nangyari na ang pagsagip sa akin ni mama.
Habang iniisip ko Ang nangyari noon ay biglang bumaba si felicy
"Ay kawawang elle Hindi makakasama sa perya sa amin!" Pangiinggit niyo sa akin
"Kakain pa kami sa labas yan naman ang nababagay sayo mabahong elle wahahaha"
dagdag nito habang tumatawa. Umalis na siya at kasabay nun ay pagtunog ng kotse na nagsasabing umalis na sila.Habang naglilinis ako ay naiisip ko na kung naging prinsesa ba ako siguro makakakain ako ng masasarap na pagkain na parang di ko na kailangan na tipirin ang sarili ko para mabusog. Makakalibot kung saan-saan. Makakapagaral din ako sa isang tanyag na paaralan at higit sa Lahat ay magiging maayos na ang trato ng aking ama sa akin.
Insert song: In my own little corner- Cinderella's song
Umupo muna ako sa isang upuan pagtapos ng kanta. Nakatingin sa bintana at iniisip na magiging maayos din ang lahat.
Nagpunta na ako sa kakahuyan kagaya ng sabi ng aking ama, para magpulot ng mga putol putol na kahoy. Pagod na ang aking katawan at masiyado ng nangangalay dahil sa bigay ng mga kahoy pang-gatong. Habang nagpapahinga ako sa ilalim ng isang mayabong puno ay nakatulog ako.
"Binibini! Binibini!" May tumatawag ng binibini sa akin. Akala ko ay nananaginip lang sapagkat ako ay nakatulog nga. Ngunit mas lumakas ang tapik nito sa aking balikat. Dahil dun ay naimulat ko Ang aking mata. Sa di inaasahan pagkakataon ay may isang ginoo na malapit sa aking mukha ang nakatawag pansino sa akin. Lumayo ako sa kaniya baka ano pa ang kaniyang gawin sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr Androgynous Meet's Mr Mafia Gangster(BoyxBoy)
Teen FictionBAKIT AKO PA?? sa dinami-rami ng Tao sa Mundo bakit ako pa! sa dinami-rami ng pwedeng saktan bakit ako pa!! sa dinami-rami ng pwedeng iwan bakit ako pa simple lang naman ang hangad ko sa buhay kahit di na ako pinanganak ng may gintong kutrsara...