EPISODE 33: AVOIDANCE

76 3 0
                                    

EPISODE 33: AVOIDANCE

Nakahiga si Sean sa hospital at tulala na nakatingin sa kisame ng tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello! Hello? Who’s this?” bati agad ni Sean ng masagot niya ang cellphone.

“Hello, Sean you’re alive” naiiyak na reponse ni Nigel. At agad na pinatay ni Sean ang phone call. Hindi siya handing makita si Nigel, hindi siya handa na makita siya ni Nigel sa ganoong sitwasyon.

Nang ibaba niya ang cellphone ay nag-unahang bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwala sa dinanas niya sa kamay ng ibang tao. Kung kalian masaya na niyang tinanggap ang pagmamahalan nil ani Nigel ay siya namang dating ng hinagpis.

“Anak ayos ka lang ba?” agad na lumapit ang kanyang ina ng makita siyang umiiyak.

“Maaaa… Maaaa help me please… ayoko naaaa” hagulgul na ang naging iyak ni Sean. Sobrang bigat na talaga ng kanyang dinadala.

“Anak andito lang si Mama. Hindi kita iiwan” at niyakap nila ang isa’t-isa.

Muli ay tumunog ang cellphone ni Sean at nakita ng nanay niya ang pangalan na nasa screen.

“Anak hindi mo ba sasagutin yan?” tanong ng nanay niya.

Agad naman na tinaklob ni Sean ang kanyang cellphone.

“Wala naman kaming dapat pang pag-usapan and ma please if isa sa inyo ang kinontak ni Nigel. Don’t answer him please Ma”

Kahit hindi alam ng mama niya ang tunay na dahilan ay pumayag na lang ito sa kagustuhan ng anak.

Maggagabi na ng umuwi ang kanyang nanay, at si Mia naman ang magbabantay sa kanya ngunit isang oras na ang lumipas ng makauwi ang kanyang ina ay walang Mia na dumating. Dahil sa pagkabored ay naisipan ni Sean na magpahangin muna. Kahit papaano ay nakabawi-bawi na siya ng lakas at kaya niya nang maglakad mag-isa.

Napagpasyahan niyang umakyat sa rooftop para makalanghap ng sariwang hangin. Kitang-kita niya ang kagandahan ng kanilang probinsya.

At biglang sumagi na naman sa isip niya ang masalimuot na karanasan. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa may mga naririnig siyang tawa ng lalaki. Ramdam na ramdam niya ang mga boses na nasa paligid niya.

“Nooo, please! Please help me” iyak ng iyak si Sean sa sulok ng rooftop. Pakiramdam niya ay umuulit ang mga pangyayare. “Tulungan niyo ako” patuloy ang pag-iyak ni Sean.

Sa pag-iyak ni Sean ay may nakarinig sa kanyang isang lalaki na mas bata sa kanya. Dali-daling pumunta ang lalaki sa kanya. “Excuse. Can I ask if you are, okay?”

Hindi sumagot si Sean bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.

“Luke” sigaw ng isang lalaki “anong ginagawa mo diyan?” dugtong pa niya.

“Kuya may tao dito and he keep crying” sagot ni Luke at agad naman nagtungo ang kanyang kapatid na si Gian at kasama din si Raymond.

“Hey are you okay?” tanong ni Gian.

Nang tumingala si Sean ay nagtama ang mata niya at Raymond. Parehas silang nagulat at doon ay nagpanic na si Sean hanggang sa mahimatay ito. Dinala ng tatlo si Sean sa emergency room.

“Umuwi na tayo” yaya ni Raymond dahil kinakabahan siya dahil baka naaalala siya ni Sean.

“Pero Ku—”

“No but, I need a rest. So umuwi na tayo”

Wala nang nagawa si Luke kundi sumunod sa panganay nilang si Raymond.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon