Flower In The Rain II
The untold story of Vincent
Written by: Kimmy
Chapter XII
"What happened ba to you anak?" Nag-aalalang sita sa akin ni Mommy, not to mention medyo over acting din itong nanay ko minsan.
"I'm fine Mom, bruises lang ito malayo sa bituka." I said habang tinitiis ang hapdi mula sa betadine na nilalagay ni Zoila. Yup! It's Zoila. She's tending my wounds, mga simpleng paghawak lang naman niya sa akin pero sobrang saya na ako.
"Yeah, it's just bruises but I think you sprained your foot," she said in a serious voice without even throwing a gaze at me. "Try mong tumayo ng matagal at maglakad." Utos niya.
"Kaya mo ba 'tol?" Tanong ni Hans, akmang aakayin niya ako pero pinigilan siya ni Zoila.
"Okay I'll try," tanging sagot ko. I was about to stand but I already felt pressure na hindi ko kayang tumayong mag-isa. Masakit ang paa ko. D*mn it! May pasok pa naman ako kinabukasan, and there's a lot of work to be done.
"See, I told you." She said. "Lucky for you, your sister always carry her first aid kit with her."
"Ah, Zoila." Mom interrupted. "Yung sprain ni Vincent ba ay okay lang or...?"
"Don't worry mawawala rin ang pamamaga ng paa niya, kinakailangan lang ng cold compress, but I suggest that Vincent should undergo X-ray. For now I'll just give him some pain relievers para makatulog siya ng maayos."
Doctor na doctor talaga ang kaniyang dating, of course she is! I'm such a dope! What I'm trying to say is, I really admire her. Ano kaya ang pakiramdam, yung maalagaan ng isang Zoila?
-----
ZOILA~
Inaamin kong nag-enjoy akong kasama ang pamilya ni Vincent, lalo na yung nanay niya. Damang-dama ko ang mainit niyang pagtanggap sa akin, although hindi naman talaga ako dapat kasama dun kasi outing yun ng mga Ledesma but I felt I'm one of them...
I enjoyed the food, ahhmmm... Lalo na yung stuffed squid ni Vincent. First time kong makatikim ng ganung pagkain. It's quite exotic ang dating na may twist.
Sa totoo lang, labis ang aking pagkaasiwa habang nariyan siya sa tabi. Knowing the fact that he keeps on staring at me the whole time. Siguro magaling lang talaga ako magkunwaring hindi naapektuhan, kaya hindi niya nahahalata.
But...
The whole time I was with them, I saw and felt how Vincent is a good son, to his mom or to his dad. Nakikita ko ang pagiging maalagaain niya pati na rin ang pagiging malambing niya. Likewise to Vicky and Hans, big brother talaga siya sa mga ito... And Harvey? I like the way he plays with his nephew, parang anak ang turing niya sa bata.
Kaya hindi ko mapigilan ang ngitian siya kanina, I saw him with his dad. I really don't know why, pero siguro kasi hindi ako lumaki sa poder ng tatay ko and the fact is kahit late ko nakilala ang tatay ko hindi rin malapit ang loob namin sa isa't isa. I really envy him... He has a wonderful family.
Nagulat din ako, pagkatapos nun. Hindi ko rin alam kung bakit siya nahulog. Maybe because he slipped off from the rails? Ay ewan! Pero nag-alala ako, I thought natamaan na ang ulo niya sa bato.
And I hated myself for that. Na-realized ko lang naman I STILL CARE!
"Ihahatid ka na lang namin," narinig kong alok ni Vincent. With his situation? Idont think so.
BINABASA MO ANG
The Untold Story of Vincent [completed]
RomanceFlower in The Rain Series #VincentandZoila