I

14.2K 175 1
                                    

Flower in the Rain II

The untold story of Vincent

Written by: Kimmy

Chapter I

Nagmamadali akong tumakbo patungong building ng College of Liberal Arts and Science. Late na naman ako sa first subject ng umaga this day.

Kung hindi ba naman pinakialaman ng kapatid ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto eh di sana ay maaga akong nakapasok.

Sh*t lang! Ang alam ko may exam kami kay Prof. Long sleeves. Actually endearment ko yun sa teacher namin, na ako lang ang nakakaalam hahaha!

Religious yun kung manamit! Never miss a day without wearing his boring long sleeves polo with matching bowtie pa! Hanep si Sir! Naka-perma press din ang buhok nito na nasa gitna ang hati, dinaig pa si Katchupuy.

Hahaha!

Hay salamat! Wala pa pala si Prof! Namataan ko ang aking bestfriend na si Hans. Aba, ang diligent ng gago! Nakatutok na sa libro. Sa totoo lang, masipag mag-aral si Hans, kaya nga nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Tahimik at ubod ng seryoso.

Lima kami sa barkada pero si Hans ang pinaka-close ko dagdag rin magkaibigan ang mga magulang kaya siguro ganon.

Andun na naman si Bennedick, ang pinaka-pabling sa lahat, may kausap na naman bagong chicks sa hallway. Hmmm... Mula iyon sa education department ah! Kilala ko yun. Sinenyasan niya ako, ningisian ko lang siya. Alam na niya ano meaning nun.

Kung may pabling sa grupo, may torpe din kami. Eto na ata ang pinaka-torpe sa lahat---si Sebastian. Crush niya ang muse namin sa klase, na si Moonlight, kaya lang nang tinulungan siya ni Ben upang ligawan ito ay bumaling naman ang atensiyon ni Moonlight kay Pabs. "Pabs" short for pabling. Kaya ayun! Ayaw ng tumingin sa babae! Ang gago pwede ba yun?! Hahaha

At eto, last but not the least. Si Eryl, maguguluhan kayo sa ugali personalidad niyan. Paano ba naman kasi sobrang pormal at sobrang linis sa katawan. Sobrang arte, akalain niyo ba naman kalalakeng tao ay kompletos rekados ang 'makeup kit' niya. Well kung para sa babae make up kit yun, ewan ko kung anong tawag niya rito. May baong pond's facial wash at jhonson's baby powder?! D*mn it! Seriously?!

Akala ko nga dati kampon siya ng mga alam niyo na! But he's not, he's perfectly created as a man only with a touch of a feminine side!

At ako? Si Vincente? Tsk! Bakit ba kasi ang hilig nila Papa at Mama sa makalumang pangalan!  Awkward just call me Vincent. I'm just a cool guy, having fun. No worries, no hassle. I don't have a girlfriend, not this time pero may natitipuhan ako mula sa College of Law, actually she's 3 years older than me. Ah so much for that...

Uy! Dito na si Sir.

Pumasok ako sa loob, nag-apiran pa kami nina Hans, Eryl at Sebastian. Na-stuck up ata si Ben kay education girl! Bahala siya.

"Good morning class," our Prof greeted us. Uy maganda ata gising ni Sir.

"E-excuse me Sir..." Isang babaeng mukhang Sadako ang lumitaw sa pintuan ng aming classroom. Dalawa ang pintuan ng bawat silid dito sa school namin, isa malapit sa blackboard at yung isa naman ay sa likuran, yung pwedeng daanan ng mga nag-ka-cutting class! Hahaha

Everyone turned their heads sa bagong dating, sino kaya siya?

Baka kapamilya ni Sir! Hahaha!

The girl entered the room, nahihiya pa ito. I looked at her, she looks familiar! Saan ko nga ba siya nakita?

Ah! Alam ko na!

Kamukha niya si Sadako!

I don't mean to be rude, but this girl is...is... Ahm! Never mind.

The Untold Story of Vincent [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon