Flower In The Rain II
The untold story of Vincent
Written by: Kimmy
Chapter X
"Kuya...hoy! Kuya gising!" Nagising ako sa tindi ng pagyugyog sa aking balikat. Naman Vicky! Ang sarap ng tulog ko! Distorbo. Umunat pa ako, bakit kaya nandito ito? Teka nga! Umuwi ba ako kagabi? Minasahe ko bahagya ang sumasakit kong sentido. D*mn! I hate hang overs!
"Hoy Kuya! Bangon na! Bakit ba kasi dito ka natulog sa parking lot ng park?"
Dun na ako tuluyang bumangon. So hindi pala talaga ako umuwi sa condo ko. Na pag-tripan ko kasi uminom kagabi, I just want to spent my time alone. Dito sa park ng aming subdivision, I mean subdivision namin bago ako naglipat ng condo, madalas dito ako pumupunta pag malungkot ako. Siguro hindi ko na namalayan na nakatulog ako dito sa loob ng kotse, hindi naman nakakatakot kahit saan ka pa abutin ng gabi dito sa subdivision, okay na okay ang security dito.
Bakit napadpad ako dito?
Wala... Mas komportable akong mag-isa. Yun bang akin lang ang mundo, walang ibang tao. Ngayon lang ulit ako nakainom, kaya siguro ganito epekto.
"Oh ano?" Balik sa reyalidad, naghihintay ang makulit kong kapatid ang sagot ko. "Bakit dito ka natulog?"
Tsk! Masakit sa tainga Vicky! Paulit-ulit lang. Mas pa siya kay Mommy! I tiredly yawn, fix ko muna mood ko. "Eeewww baho! Amoy copras lang Kuya! Bakit ba kasi uminom-inom ka pa!" Maarte niyang sita sa akin! Kuh! 'Tong kapatid kong 'to!
"Pwede ba... Mag good morning ka muna! Ang ingay lang Vicky!" Naubusan na ako ng pasensiya. Ingay eh! "Teka nga! Bakit ba narito ka?"
"Dumaan po ako Manong!" Sarkastika niyang sagot. "Nakalimutan mo bang sabado ngayon?"
Saturday get together! How could I forget about that? Nakaugalian na namin ang mag-stay sa bahay with our parents even for a day.
"Okay, okay... Sorry lang!" I raised my both hands, sign of defeat.
"Hi Tito Vincent!" Nagsalita ang pamangkin ko buhat sa likuran ng kaniyang makulit na ina. "Hey! Young man!" Nginitian ko siya, nag-high five pa kaming dalawa. Ke-guwapong bata! Mana sa tiyuhin, pero sa totoo lang carbon copy siya ni Hans.
"Umuwi na lang nga tayo sa bahay! I'm sure hinihintay na tayo ni Mommy!" Singit ni buntis. "Look oh, it's already quarter to eleven, I'm sure prepared na lunch natin."
Sh*t! Mag-e-eleven na?! Didn't realized that I slept that long. I took a deep breath, I'm just stressed. I think mag-re-relax muna ako bago suyuin ulit si Zoila.
----
BASTY~
Finally! I'm home... I'm really home. After a very long and tiring flight at last, narito na ako sa bansang aking sinilangan. After fixing my baggages, I placed it on the aiport's cart since it's too heavy for me to carry. From a far, I saw my sister waving at me, Charlotte. Truth is, Charlotte is really not my sister, long story baka abutin pa ako ng siyam-siyam hanggang matapos kong ikuwento lahat.
(Hihihihi spoiler alert muna! Gagawan ko din pala ng FITR III, starring... Sebastian and Charlotte ayyiiieee! Sana nga lang hindi ako dapuan ng katamaran.)
Standing beside her is my loving mother that I haven't seen for years. Her sweet warm smile touched my heart that I could not help from burting to tears, the longingness in my heart to see her, how much I missed her.
BINABASA MO ANG
The Untold Story of Vincent [completed]
RomanceFlower in The Rain Series #VincentandZoila