Flower In The Rain II
The untold story of Vincent
Written by: Kimmy
Chapter XIII
ZOILA~
I was so very busy this past few days, palipat-lipat din ako ng ospital kung saan on call duty ako. Mahirap talaga pag on call doctor ka, minsan hindi mo hawak ang oras mo, kahit pagod ka at kulang ng tulog pag kailangan ka ng pasyente mo sa ayaw at sa gusto mo darating ka para sumaklolo.
Gaya ngayon, naghahanda na ako para magtrabaho. Isang three-fourths white polo ang pinili ko at tinernuhan ng dark wash na maong jeans. Mas comportable akong magsuot ng ganito pag nasa night shift ako, para hindi agad natatablan ng lamig ang katawan ko. Although may suot naman akong lab gown, iba parin talaga kasi ang temperatura pag gabi.
I took my car keys, hindi na ako kakain ng hapunan. Magpapa-deliver na lang ako mamaya ng mainit na ramen para mainitan naman sikmura ko.
-----
BASTY~
Pumili ako sa mga damit ko ang the best na outfit para sa gabing ito. This is the night I've been waiting for, kagabi nag-private message ako kay Zoe. Kunwaring kinakamusta ko lang siya at nasa ibang bansa pa ako, but to my dismayed hanggang nagyon hindi pa niya iyon binubuksan. As always, iniintindi ko na lang siya. I called out her medical secretary kung saan ka-kontsaba ko rin sa proposal. She said, Zoe has been very busy this days. Walang tigil ang mga nanganganak pag ganitong mga buwan ng Disyembre kasi malamig raw. She also said that Zoe sleeps only four hours day, at dahil isa siya sa mga magagaling at pinagkakatiwalaang OB-gynist hindi maiwasan siya lagi ang hinahanap ng mga pasyente.
Zoe, has a good heart. That's why I even fell more in love with. From the moment we met again I know that she's the one.
"Hindi pa ba siya dumating anak?" Tanong ni Mama nang malapitan ako. Alas sais y media palang ay dumiretso na kami dito. I don't know kung excited ba siya or hinde, but I know as a mother she will be happy for me.
"Wala pa raw Ma," inakbayan ko siya bago tuluyang niyakap, "don't worry darating din yun." I assured her.
"Sigurado ka na ba talaga anak?" Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang pagyakap.
"Yes Ma. I'm one hundred and one percent sure. She's the one Ma, and I know both of us will be happy."
"I'm happy whatever will make you happy anak."
For a while, magkayakap kaming mag-ina. Then I just realized my sister is missing. I frowned, hinanap ng mga mata ko sa paligid si Charlotte. Ang sabi niya kanina ay susunod lamang siya pagkatapos ng meeting sa kanilang department, pero hanggang ngayon wala pa siya.
"Ah Ma, si Charlotte?"
"Akala ko ba sabi mo susunod siya?" Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pala niya alam na nasa meeting ang kapatid ko. Ipinilig ko ang ulo.
"Oo nga pala, baka na-traffic lang yun."
"Sir Sebastian! excuse me, Doc Zoe is in the building." Untag sa akin ng isa sa mga coordinator. I took a deep breath and let go.
"On position everyone..." Narinig ko pang sabi niya. Mama cupped my face and smiled.
"I wish you happiness Sebastian..."
----
VINCENT~
Coincedence lamang ba ito? Or sadyang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Saktong pagkaparada ko ng aking sasakyan ay nakita kong bumaba si Zoila ng kaniyang sasakyan. Hindi ko alam na on call doctor din pala siya dito sa Santa Mercado Hospital. I hurriedly unbuckle my seatbelt baka maabutan ko pa siya.
BINABASA MO ANG
The Untold Story of Vincent [completed]
RomanceFlower in The Rain Series #VincentandZoila