Flower In The Rain II
The untold story of Vincent
Written by: Kimmy
Chapter XV
VINCENT~
"Halika, pakipasok na lang dito." Sabi niya sa akin nang makarating kami sa kaniyang lugar. Magkatabi lang pala ang condo namin, nagtataka lang ako kung bakit gabi na naglilipat ng bahay ang babaeng ito. "Dito mo na lang ilapag," she said in a sweet tone. Teka bakit ba parang may kaparehas siya ng boses, pati anggulo ng mukha niya may kaparehas rin.
"Your sister sure does got a nice place here," nakapamulsa kong sabi sa kaniya. "Thank you," she answered cheerfully, "what would you like to drink? Or eat something? Thank you ko lang sa'yo."
"No, thank you." I smiled staring at her face. May kamukha siya eh! "I would rather sleep," I chuckled, "...nagkainuman kasi kami ng mga barkada ko. Kaya alam mo na medyo nahihilo na rin."
"I see, salamat ha," lumapit siya sa akin, "by the way, I'm Alejandra Jimena, but you can call me Alena," sabay abot niya ng kamay niya sa akin, kinuha ko naman iyon, "...and you are?"
"Vincent," tugon ko. Naramdaman ko ang pagpisil niya ng aking palad. "Vincent ei," pailing-iling siya, "nice name! Maraming salamat Vincent ha."
"You're welcome. Sige alis na ako." Binawi ko ang kamay ko. "Sige I'll go ahead na."
-----
ZOILA~
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakaalis na si Vincent, pakiramdam ko kasi binabantayan niya lahat ng kilos ko especially when our gazes meet para akong natutunaw. And I feel awkward around with him. Ayoko ring makipag-kuwentuhan siya kay Basty baka ano pa ang masabi niya, but deep inside me nalulungkot ako.
Panay ang text at tawag sa akin ng bunso kong kapatid, that brat napaka-apurada! Sinabi kong bukas na lang ako maglilipat ng bahay, yung pala pagkaalis namin ni Basty ay siya ring pagdating niya, kaya ayun lahat ng gamit ko ay niligpit niya.
"Sino ba yang ka-text mo?" Hindi na natiis ni Basty ang magtanong medyo na irita na rin siya. Kanina pa kasi siya salita nang salita pero hindi ko siya napapansin at laging 'Huh?' ang sagot ko kung tinatanong niya ako. "I'm sorry," hingi ko ng dispensa, I put my phone away, pero bago yun tinext ko na si Alena na uuwi na ako.
"Si Alena," sagot ko sa kaniya. Kinuha ko ang baso ng ice tea at lahat ng iyon ay inubos ko. "Okay ka lang?" Tanong niya sa akin habang taimtim akong minamasdan. Napabuntonghinanga ako, yung totoo, kanina pa hindi ako okay. "Ihatid mo na ako please, medyo pagod na rin kasi ako. Gusto ko nang magpahinga." Hindi ako makatingin kay Basty, I have this guilt inside me na hindi ko mawari kung anong klase.
"Oh sige, ihahatid na kita." Basty said, pero naroon ang lungkot sa kaniyang boses. He paid the bills at nilisan namin ang lugar. Wala na rin dun ang dalawa pa nilang kabarkada.
----
VINCENT~
Nagising ako mula sa ingay ng aking cellphone, tinatamad akong bumangon. Hell! I still don't want to leave my bed, pero sadyang makulit talaga ang caller.
"Yes! Hello!" Tinatamad kong sagot pero bakas ang pagka-irita sa aking boses. I can't even barely open my eyes.
"Mr. Ledesman!" Narinig kong nagsalita ang tao sa kabilang linya, "ako ito! Si Jonathan, kanina ka pa po hinahanap ni Mr. W. Archival." Sh*t! Agad akong napabalikwas ng bangon. How stupid of me to forget na may trabaho pala ako ngayong araw! "Tsk! I'll be there in fifteen minutes! Tsk!" Tanging nasabi ko at ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Untold Story of Vincent [completed]
RomanceFlower in The Rain Series #VincentandZoila