CHAPTER 4

10K 204 21
                                    


MATAPOS namin na makapag-usap ni Kier ay inihatid na niya ako sa classroom namin kung saan ay nadatnan namin ang subject teacher namin na si Ma'am Ellen na Entrepreneurship teacher namin.

Akala ko ay iiwanan na ako ni Kier nang maipagpaalam niya ako kay Ma'am Ellen ngunit mali ako, nanatili pa siya sa loob ng room at nakinig. Katwiran niya ay wala siyang naka-schedule na klase ngayon at gusto niya lang na obserbahan ang klase namin, kasalukuyan siya na naka-upo sa upuan sa teacher's table na matatagpuan sa bandang likuran ng classroom namin.

Ako naman ay pinilit ko na makinig sa nagdidiscuss na teacher sa harapan ko, inaamin ko na I feel distracted sa ginagawa ni Kier. Mula kasi sa gilid ng mga mata ko ay napapansin ko ang maya't-mayang pag sulyap niya sa akin. At isa pa, hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Paulit-ulit itong nagpa-flash at para bang ayaw ako tantanan at patahimikin kahit anong gawin ko.

"I cum inside you."

"I cum inside you."

"I cum inside you."

"I cum inside you."

Paano kung magbunga nga ang nangyari sa amin ni Kier?

Paano kung mabuntis niya nga ako dahil sa isang pagkakamali na namagitan sa amin?

Paano na kami ni Kelvin?

Ayoko, ayokong mabuntis niya ako. Ayoko na maging ama siya ng magiging anak ko, hindi ko siya matatanggap. At isa pa, itatakwil ako ng lolo ko. Panigurado 'yun, gaya ng ginawa ni Lolo Bernard kay Tita Val, ayaw kong sundan ang yapak niya.

"This will be the end of our discussion for today, I'll see you next meeting. Sana ay may natutunan kayo sa ating lesson for today. Good bye 12-Ferriols." Pagpapaalam ni Ma'am Ellen bago siya lumabas ng room namin.

Nang makalabas ang subject teacher namin ay siya namang pagta-transform ng mga kaklase ko. Lahat sila ay naglisawan at nagdaldalan, nilingon ko si Kier at tinignan kung ano ang gagawin niya ngunit nabigo lang ako. Nanatili lang siya na naka-upo at abala sa paglalapat ng hawak niyang lapis sa papel na nakapatong naman sa desk niya.

Napabuga na lang ako ng hangin saka yumukyuk sa armchair ko habang pinakikinggan ang nakakabinging ingay ng mga kaklase ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para magbawi ng tulog, mukhang matatagalan pa ang ingay na ito kaya naman pinasya ko na lang na bawiin ang nawalang tulog ko kagabi.

"I cum inside you."

"I cum inside you."

"I cum inside you."

"I cum inside you."

Napamulat ako nang muli kong maulanigan ang boses ni Kier habang sinasabi ang apat na salitang iyon, agad akong nag-angat ng ulo at muling napabuga ng hangin.

"Cha ayos ka lang?" Tanong ni Harold na naka-upo sa gilid ko at matamang nakatingin sa akin. Tumango lamang ako bilang sagot, umiling naman siya bago muling nagsalita. "Late kang dumating kanina, hindi ka naka-focus sa lesson, dumating ka na nakasambakol ang mukha, hindi ko narinig ang malakas mong boses, at wala  ang usual Charity na nakilala ko. May nangyari ba?"

"W-Wala naman," wika ko at pekeng ngumiti.

"Oh c'mon  feel me Caridad," aniya at tinanggal ang nakapasak na earphones sa mga tainga niya. "Si Rica lang at Sony Mae ang kilala ko na tahimik sa klaseng ito, ikaw, si Ciarra, at si Jessica mas maingay pa kayo sa trumpeta. Now tell me what happen, magsabi ka para namang hindi tayo magkakabata e."

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon