CHAPTER 9

8K 177 19
                                    


KIER

It's been two weeks since I married Charity, dalawang linggo na yet binabagabag pa rin ako ng mga salita na binitiwan ng pinsan niyang si Kazumy noong nasa isla kami.
--
"Makikiusap ako sa'yo Kier, ipinagkatiwala sa'yo ng Lolo ang pinsan ko. Malaki ang tiwala sa'yo ni Lolo Pops, please Kier. Please take care of Cha, h'wag na h'wag mo siyang saktan. She might look tough pero she's not, she grew up alone Kier. Please don't leave her, please don't hurt my cousin. Alam ko naman na you cannot love her pero pilitin mo, pipilitin na rin kita. Choose her no matter what,"
--
Hindi lang 'yan, binagabag rin ako ng wedding vows na binitiwan ko ng ikasal kami ni Charity.
--
"Through this ring, I accept you as my wife, now and for all time. I give you this ring, as I give to you all that I am, and accept from you, all that you are. With this ring, I thee wed, and with it, I bestow upon thee all the treasures of my mind, heart, and hands."
--

Because of that, the night after my wedding, I immediately blocked and deleted Shane's number, unfriend her on my facebook, unfollow her on my instagram and twitter just to be sure that I wouldn't commit infidelity. Nagfocus ako sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa asawa ko na si Charity, lalo na ngayon nasa iisang bahay na kami at magkatabi na sa iisang kama. Kazumy's word and my wedding vow really creates a huge impact with my whole being. Although may mga oras na lagi kami na magka-away ay agad rin naman iyon na nireresolba, pareho naming sinasanay ang sarili sa isa't-isa. Malaking adjustment yet alam kong magiging worth it naman ang lahat ng ito.

Bukod sa pagiging mabuting asawa ay sinikap ko rin na maging isang mabuting guro, nakaharap ako ngayon sa laptop ko habang gumagawa ako ng long test para sa klase ko bukas. Kakatapos ko lang rin mag-check ng mga essays na pinagawa ko kanina, hindi ako nagpapatulong kay Charity. She knew her limits, malimit rin siya na magtanong at magpaturo sa akin. Hindi niya rin tinetake-advantage ang pagiging asawa ko para makapandaya sa klase ko.

"Hindi ka pa ba matutulog? Kanina ka pa nakaharap sa laptop mo baka mag-dry 'yang mata mo." Napalingon ako sa kakalabas lang mula sa bathroom na si Charity. Agad na dumako ang mga mata ko sa kanya, she's wearing her usual pink silk na terno pajamas na hapit sa katawan niya. Umakyat siya sa kama at umupo roon, sa kama niya rin pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok niya gamit ang puti niyang tuwalya.

"Sabi ko naman sa'yo, bawal maligo ng gabi e. Puputi 'yang dugo mo,"

"Puputi lang pala e, edi pumuti siya." Natatawa niyang sabi habang patuloy niya na ikinukuskos ang towel sa buhok niya.

"Tigas ng ulo mo talaga," sambit ko pa. Isinara ko ang laptop ko saka ako tumayo mula sa gaming chair na pagmamay-ari ni Charity. Tinungo ko ang kama namin, na dating kama niya lang at umakyat rito para pitikin ang ilong niya. "Sabi ko sa'yo mag-half-bath ka lang, wala namang aamoy sa'yo." Umupo ako sa mga tuhod ko at pinagmasdan siya.

"Minamandohan mo na naman ako, ipapaalala ko lang sa'yo na sa school lang kita prof. Dito sa bahay, asawa na kita okay?" Siyang wika niya habang pinagsaklob ang mga kamay sa magkabilang pisngi. "Magpahinga ka na, saka mo na lang gawin 'yan. Thursday bukas at magiging busy ka, may two hours kang klase sa amin, two hours sa 11-Ongkiko, one and thirty minutes sa college of Education BSED MATH at another one and thirty minutes sa BEED. Tapos after lunch, may three hours straight kang subject sa BSED English at one and thirty minutes sa 12-Peñaflorida." Pagbabanggit niya sa mga schedule ko bukas habang hinahaplos ang pisngi ko. "Matulog ka na at magpahinga,"

"Nah, I need to finish everything bago ako matulog saka I still have my energy, hindi pa ako pagod. Not unless kung...." I winked at her as I place my righ hand on her cheek caressing it.

"Not unless what?" She lifted an eyebrow while staring at me acting innocently.

"Not unless papagurin mo ako,"

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon