27

7.5K 150 26
                                    

WARNING: R18 SPG,MATURED CONTENT AND SCENES. NOT TO BE READ BY AUDIENCES UNDER 18 OF AGE. READ AT YOUR OWN RISK.

"KIER love mo ba ako?" Out if nowhere ay naitanong ko sa asawa ko na napahinto sa pagdidikit ng pictures sa explosion box na project ko. Nagtataka niya ako na tinignan at tila hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang tanong ko. "Tinatanong kita, love mo ba ako"?

"Of course I love you, hindi mo na kailangan itanong pa 'yon. Ikaw lang naman ang babaeng laman nito o," itinuro niya ang kaliwang dibdib bago tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Tumabi siya sa akin sa sofa, at ipinagsalob ang mga kamay sa pisngi ko. "Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko, i-kiss mo ako Ms. Maganda,"

"Kier buntis ako," aniko.

"E ano? Kiss lang naman e, damot. 'Yon na nga lang hinihingi ko ayaw mo pa ibigay. Hindi na nga tayo nagme-make love e," ngumuso ito at ikinurap-kurap ang mga mata.

"Si Kier parang tanga, alam mo naman na bawal pa. At isa pa wala tayo sa mansyon kung doon nagagawa natin lahat ng position na gusto natin, klase ng ingay na gusto natin. Ibahin mo rito, nag-aaral si Maureen, si Kelvin naman nagre-review at nay exam. 'Yong kwarto nina Mommy at Daddy, katabi lang ng kwarto natin."

Nandito kasi kami ngayon sa bahay ng mga magulang ni Kier dahil nirerenovate ang mansyon, marami naman kaming choice na bahay pero pinili ko na dito na lang tumira kahit saglit. Gusto ko lang makabonding ang family ng asawa ko, welp yes. Kasama si Kelvin doon at madalas kaming magkita, mesyo awkward pero unti-unti na akong nasasanay.

Si Kier na ngayon ang mundo ko, si Kier na ang mahal ko kunga kaya't wala na akong pakielam sa mga tao sa nakaraan.

Narinig ko na impit siya na natawa sa mga sinabi ko at mas lalong pinanggigilan ang pisngi ko, "Mrs. Charity Lim-Perez." aniya at humugot ng isang malalim na buntong hininga. "Dati pangarap ko lang 'yan, tapos ngayon heto na. Misis ko na ang pinakamaganda at pinakamatalino ko na estudyante."

"H'wag mo kong bolahin Kier, alam ko 'yang pinu-punto mo. My answer will stay as no, marami ang makakarinig. At isa pa ha Kier Eugene Perez, dadalawang buwan pa lang tayo dito. Dalawang kama na ang nasira natin,"

"Maraming pwedeng maging place Chari," malandi siyang kumindat. "Pwedeng sa c.r, sa kotse, sa pool- Aray!" Anas niya nang hampasin ko siya nang malakas. "Nananakit ka na naman, sabi mo 'di mo ko sasaktan. Ikaw nga tatanungin ko, hindi mo na ba ako love?"

Napakurap-kurap ako sa narinig ko, "What?"

"Hindi mo na ako love 'no? May iba ka na bang mahal? Hindi mo na ba ako gusto na maging asawa? Sino na ba ang bago mong love-love?" Ismo batang pagtatampo niya.

"What the heck are you saying? Wala akong ibang mahal 'no at kung may choice ako, hindi na ako mag-aasawa pa."

"I love you Misis ko," aniya at humalik sa labi ko. "I love you babies ko, mahal na mahal kayo ni Daddy." hinalik-halika rin niya pati ang maumbok na maumbok na tiyan ko.

"Mahal na mahal ka rin namin ng mga babies natin, mahal ko" mahinang sambit ko habanh hinahaplos ang buhok niya. Dahan-dahan siya na nag-angat ng ulo at pinagmasdan ang mukha ko.

"Ang sarap naman pakinggan ng sinabi mo," nakangiti niyang sabi.

"Mahal na mahal kita Kier,"

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon