29

7.9K 168 3
                                    

WARNING: R18 SPG,MATURED CONTENT AND SCENES. NOT TO BE READ BY AUDIENCES UNDER 18 OF AGE. READ AT YOUR OWN RISK.

-Four years later-

"DAD! Tigil na, paulit-ulit na kaya 'yang kinukwento mo." Iritableng bulyaw ni Kier, kanina pa kasi siya tampulan ng pambubully ng Daddy niya habang nasa hapag kami at kumakain ng Noche Buena.

"E bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, noong malaman mo na sampong taon ang agwat ninyo ni Charity ay tigas mong pagtutol. Tapos ngayon nasaan ka? Nakadikit ka ngayon sa kanya, ni hindi kayo mapaghiwalay at ismo ka leon na gustong manakmal kapag tinititigan ni Kelvin ang asawa mo. Ano ka ngayon? Kinain mo sang sinabi mo, aayaw-ayaw ka pa ha." Pambubusa pa ng father-in-law ko kay Kier.

"Dad I said stop it, nakakahiya kay Charity." Halos mamula na ang tenga ni Kier sa sobrang pagkapikon sa  sariling tatay . Halos mabali na nga ang kutsara na  hawak-hawak ni niya dahil sa higpit ng pagkakahawak.

"Itong si Kier, trenta anyos na pikon pa rin." Intrada naman ni Ate Mariel, "Kier magbabagong taon na, matanda ka na, may asawa at anak ka na. Tapusin mo na 'yang pagiging pikon mo."

"Mabuti na lang talaga, mahaba-haba ang pasensya ni Ate Charity naku kung hindi e baka matagal na niyang ibinalik si Kier dito sa atin."

"Iyon ay kung tatanggapin pa natin ang Kuya mo na 'yan," si Mommy Kath na biglang humagalpak ng tawa.

"Narinig mo 'yon Charity, ha? No return, no exchange. Kapag pinakasalan mo na, bawal na ibalik sa mga magulang."

"Ate Mariel, I hate you." Malamig na sambit ni Kier. "Kanina pa ninyo ako binubully,"

"Wowo, waway Daddy."  Si Jaja 'yon, isa sa kambal ko na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. Katabi ko siya at abala sa pagkain ng graham salad na paborito niya.

"Oo anak, inaaway nila Wowo si Daddy. Pagtanggol mo nga si Daddy," Si Kier na naghahanap ng kakampi. 

"Wowo bad, don't away my Daddy. Wowo bad," ani Jaja na tila isa nang malaking bata kung hindi lang ito utal. 

"Aba! Nakakuha ng kakampi ang bruho, lagot ka Charity mukhang kapag nag-away kayo ay si Kier ang kakampihan ng panganay mo."

"They won't make away Wowa," Si Jaja ang sumagot. "That's bad Wowa," ani pa nito at pinagkrus pa ang dalawang hintuturo para makabuo ng "X". "Right Mommy?" Kinalabit pa ako ni Jaja.

"Ofcourse anak,"

"You love Daddy 'di pa bo?"Tanong niyang muli.

"Oo naman, sobra." Nakangiti kong sagot.

"How about you Daddy? You love Mommy 'di pa bo?" Tanong naman niya kay Kier. 

"Anak, sa buong buhay ko. Ang Mommy Charity mo lang ang minahal ko." Sinserong sagot ni Kier na may malapad ang ngiti sa mga labi. 

"See Wowo? Mommy and Daddy loves each adew, they wont make waway." Ngumiti pa ang anak ko. 

"Altho, Tita Ninang Kazu  said that she will boogsh-boogsh Daddy if he make Momma cry," si Aiella 'yon na iminuwstra pa ang mga kamay na parang may sinusuntok. Biruan kasi nila 'yon ni Kazumy noong nakatira pa sa amin si Kazu, at tumatak talaga 'yon sa anak kong si Aiella. 

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon