16

6.9K 143 35
                                    


KAZUMY

Nawindang kami ng isang nakakalungkot na balita kaninang umaga, my Lolo Hilario died without us knowing. Matigas na ang katawan niya nang maabutan ni Yaya Mitring at ni Mommy na dapat sana ay gigising sa kanya para uminom ng gamot. Pero huli na sila, wala na si Lolo. Mahirap tanggapin, oo inaamin ko 'yon pero ano pa ba ang magagawa ko? Wala na siya, hindi ko na siya mahahabol pa sa kanilang buhay. Baka nga hindi pa kami magkita dahil pa-heaven siya at pa-hell naman ako.

All I need now is to accept it, I need to be strong, I need to be brave para kay Charity. Kanina pa siya walang tigil sa pag-iyak simula nang malaman niya ang nangyari, ni ayaw niyang bitiwan ang kamay ng Lolo ko. Si Kier na lang ang gumawa ng paraan para mailayo ang pinsan ko at para mapakalma na rin si Cha. I cannot blame her, si Lolo na ang tumayong magulang niya since then, seventeen years silang magkasama and then all of the sudden this thing happened.

Lolo Hilario died peacefully, with his lips smiling.

Ngayon ay nasa punerarya na ang katawan ng Lolo, kinuha siya ng saktong 8:00 a.m. Si Mommy at si Tita Pinky ang nag-aayos ngayon para sa burol mamaya. Nagpaiwan na ako dito para mabantayan ang tatlong oras nang umiiyak na si Charity. Nandito rin ang mga magulang at mga kapatid ni Kier, sa St. Joseph Chapel ang napili namin na lugar kung saan ibuburol ang Lolo. Sa lugar rin na 'yon ibinurol si Lola Angela na asawa ni Lolo. At sina Tito Leandro at Tita Maricar na mga magulang naman ni Charity.

"Hija, heto o mag-juice ka muna at baka ma-dehydrate ka." Narinig kong alok ng Mama ni Kier sa pinsan ko. Inabot niya ang ang baso na may laman na orange juice kay Charity ngunit hindi ito tinanggap ng pinsan ko na hanggang ngayon ay nakayakap sa asawa niya.

"Ako na pong bahala Ma," ani Kier at siya na ang kumuha ng baso para ipainom sa asawa niya. "Hey wife, here uminom ka muna."

"Alam kong mahirap hija pero kailangan natin na tanggapin," sambit ng Nanay ni Kier.

"H-Hindi po ninyo ako naiintidihan, siya na lang po ang meron ako, siya na lang po ang magulang na mayroon ako." Umiiyak pa rin na sambit ni Charity.

Sa totoo lang ay hindi ko na nga siya matignan dahil naiiyak rin ako at nahahawa ako sa kanya. Nakaupo ako ngayon sa may piano at nakatalikod sa kanila para hindi ko makita ang mukha ni Cha-Cha. Her eyes were flooded with tears, sobrang pula ng pisngi at ng ikong niya. Her lips were trembling at anytime ay pwede siyang atakihin ng asthma niya kaya naman nakabantay ang dalawang nebulizer niya na nakalagay sa coffee table at inhaler niya.

"Hija, makinig ka sa akin ha. Ako ang mother-in-law mo, anak na kita. Pamilya mo na kami, hindi ka nag-iisa. Nandito ako, nandito ang Papa Miguel mo. Hindi ka rin iiwan ng Tita Valerie mo at ng pinsan mong si Kazumy at mas lalong hindi ka iiwanan ni Kier, ng asawa mo."

"H-Hindi ninyo po ako naiintindihan, ang hirap po... A-Ang hirap pong maging mag-isa,"

Sa tuwing naririnig ko ang paghikbi at pagsinghot niya ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit, sa aming lahat kasi si Charity ang pinakanasasaktan. At a young age, both of her parents died. Iniwan na rin siya ni Lolo bago pa man siya makagraduate ng highschool. Charity is fragile, minsan gusto ko na lang talaga makipagpalit sa kanya. Kahit one week lang, kahit twenty-four hours lang para naman maranasan niya kung paano maging totoong masaya, para maranasan niya kung paano maging carefree like me.

"Kaz," naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko at nang lingonin ko ito ay si Kelvin ang bumungad sa akin. "Hindi mo ba dadamayan ang pinsan mo?"

"Kaya na siya ni Kier, nandyan naman ang asawa niya. Kier wont leave her,"

"Iba pa rin kasi pag ikaw ang dumamay, pinsan ka niya,"

"I know... pero hindi ko kakayanin. Naaawa ako sa kanya e, para siyang laging pinagkakaitan." Saglit ko na nilingon si Charity, "ganda lang talaga ang lamang niya sa akin." Pabirong wika ko nang harapin ko siya.

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon