EPILOGUE

10.8K 228 49
                                    

--

NAGISING ako na wala na ang asawa ko sa tabi ko, panigurado na maaga ito na pumasok sa opisina niya. Bumangon ako sa kama at inayos ko ito bago ako nagtungo sa banyo upang maligo at gawin ang morning routine ko. Pagka bihis ko ay agad na akong lumabas ng kwarto para magtungo sa kusina at magluto ng breakfast.

Simula no'ng naging isang ganap na ina ay magulang na kami ni Kier at nagsimula nang lumaki ang mga anak ko ay sinabi ko sa sarili ko na magiging hands-on mom and wife ako. Gagampanan ko ang role ng pagigiging isang asawa at ina kahit pa nagtatrabaho ako, gusto kong palakihin ang mga anak namin na may masayang pamilya at malapit sa amin ni Kier. 

Pagkatapos ko na mgluluto ay inihanda ko na ang hapag para ihain ang niluto ko na omellette at french toast, habang kumukuha ako ng baso ay napansin ko ang isang maliit na asul na sticky paper na nakadikit sa mug ko. May nakasulat na mensahe sa papel at sigurado  ako na galing ito sa asawa ko. Sulat kamay 'yon ni Kier at galing sa kanya ang sticky paper, pagkahain ko ng pitchel na mau juice ay agad ko na ito na kinuha at binasa: 

"Good morning my lovely wife, it is a bit tough to choose work over you every morning  but as long as you are in my mind and in my <3, distance can never separate us. You are the sun in my sky, have a nice day ahead baby. I love you."

Matikong kumurba ang labi ko sa isang malapad na ngiti nang mabasa ko ang mensahe ng asawa ko, he never fail to make me smile. I have married the most handsome man and I feel lucky for that.

"Uyy si Mommy!" mula sa likuran ko ay narinig ko ang boses ng kambal ko.  Agad ko sila na nilingon, pareho silang nakangiti at humahagikgik pa habang papalapit sa akin. Kapwa sila naka-ayos na at nakasuot na ng umiporme na pang-school.

"Jaja, Aiella, good morning mga anak." 

"Good morning Mommy!!" magkasabay nilang sabi at parehong humalik sa pisngi ko.

"Grabe naman ang ngiti ng Mommy oh, abot-tenga 'yern?" Buyo ng anak ko na si Aiella.

"Iba talaga ang Daddy, kahit nasa work  siya. He never fail to make Mommy smile." Saad naman ng isa ko pang anak na si Jaja.

"Hindi na talaga ako magtataka pag nadagdagan pa tayo," hagikgik ni Aiella habang malaman na nakatingin sa akin.

"Mapapa-sabi na na lang talaga ng sana all kasi biruin me, they've been together for fifteen years pero they still manage to feel the same kilig na parang mga teenager pa rin." Gano'n rin ang ginawa ni Jaja.

"Of course, mahal na mahal namin ng daddy ninyo ang isa't-isa. Kaya nga kayo nabuo e, kayong dalawa..." huminto ako para akbayan sila. "Kayong dalawa na mga anak namin ang bunga ng pagmamahalan namin ng Daddy Kier ninyo."

"Mommy kailan ka kaya ulit mamumunga 'no? Kailangan na namin ng kapatid pa, nagsasawa na ako sa mukha ni Jaja e," pabirong sabi ni Aiella.

"Hoy ang sama mo ah! ibig mo bang sabihin, nagsasawa ka na rin sa mukha ni Daddy? Ang sabi ni Daddywo si Daddy raw ang kamukha ko." Ani Jaja na pumamewang pa.

"Hindi kaya totoo 'yon, ang sabi ni Mommywa ako ang kamukha ng Daddy," hindi naman magapapatalo si Aiella.

"Kahit tignan mo pa 'yong mga baby pictures ni Daddy, ako ang kamukha niya."

"Very wrong ka riyan, ako ang kamukha ng Daddy."

"I got all his mannerism and same favourites kaya and even the scent,"

Patuloy lang ang mga anak ko sa pagtatalo nila kung sino ang kamukha ng Ama nila kahit na ang totoo ay pareho lang sila dahil identical twin sina Jaja at Aiella. Wala talaga silang pagkakaiba sa physical appearance bukod sa balat or birthmark nila. Sa batok kasi matatagpuan ang balat ni Jaja, si Aiella naman ay sa tagiliran kagaya ng kay Kier. But the rest? Their eyes, nose, shapes ng lips, even their moles and eyebrows, magkaparehong-magkapareho sila.

THE PROFESSOR'S WIFE (COMPLETED/ UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon