Prologue

2.7K 140 30
                                    

"Totoo ba na nililigawan mo na ang malanding queen bee kuno na iyon!!?" Galit na galit na sigaw nito sa akin. Nanlilisik pa ang mata nito sa galit na naka tingin sa akin.

Di ko naman ito pinansin at pilit inaalis ang pag kakahawak nya ng mahigpit sa braso ko. Nais ko man dumaing sa sakit eh di ko ginawa.

Bakit ba ito nagagalit kung manligaw man ako doon. Hello single kaya ako. Tsaka wala syang karapatan na mag inaso ngayon dyan.

"Bitawan nyo na po ako Ma'am Catherine. Wala naman po akong nakikitang masama kung ligawan ko man po sya. Pareho naman po kaming single eh." Sagot ko dito at pilit pa rin tinatanggal ang kamay nito na naka hawak sa aking braso.

Mas lalo ko naman naramdaman ang pag higpit ng hawak nito sa braso ko. Kaya di na ako nakatiis "Ma'am Catherine masakit na po. Pwede paki bitawan nyo na ang braso ko."

Napipilitan naman na binitawan na nito ako. Nakita ko naman kung gaano na ito kapula ngayon.

"Kung nag aalala po kayo about sa pan liligaw ko kay Julia eh huwag na po kayo mag alala. Nag paalam naman na ako kay kuya eh. Okay naman daw po sa kanya iyon." Sagot ko na dito

Tatalikod na sana ako dito para umalis na sa office nya ng bigla nya na lang akong hilahin ulit palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Naramdaman ko na lang ang pag yugyug ng balikat nito at ang pailan ilang pag singhot nito. Maya lang ay nag salita na ulit ito. " Please, huwag mo na ituloy ang pang liligaw mo doon. Bakit di mo na ba ako mahal at sya na ang nililigawan mo ngayon?" May hinanakit sa tuno nito na tanong nya sa akin.

Napapikit na lang ako dahil sa sinabi nito. Pero di ko pa rin ginagantihan ang pagyakap nya. Sawa na rin ako sa mga paganyan ganyan nya. Tapos di rin naman ako ang pipiliin nya. Tsaka girlfriend na sya ng kuya ko kaya dapat lang na mag move on na ako sa kanya. Ayoko na mag away kami ni kuya ng dahil dito.

Hindi na lang ako nag salita at hinayaan na lang kung ano ang gusto nyang sabihin at gawin. Pagud na ang puso ko sa mga pananakit nya dito.













Ms. Catherine Lopez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon