Chapter 6

375 31 15
                                    

Catherine

Matapos na kumain namin ni Mark ay nag aya na rin ako na umalis na kami. Nag sabi ako dito na madami pa akong gagawin sa office ko. Mabuti na nga lang at hindi na ito nag reklamo pa.

Tsaka iniisip ko din na malamang na gutom na si Lineia ngayon. Dahil anong oras na rin kasi. Malapit na rin mag 1 pm. Medyo hindi ko kasi napansin na napasarap ang kwentuhan namin ni Mark kaya na gulat na lang ako ng makita ko kung anong oras na.

Pagdating ng school ay agad na natanaw ko sa may oval si Lineia na naka upo sa isang bench kaya naman mabilis na nag park na ako ng kotse ko upang puntahan ito at ibigay na rin tuloy sa kanya ang take out ko na lunch nito.

Pero pag baba ko sa kotse ko upang puntahan na sana ito ay nakita ko na lang na palayo na ito at mukhang papunta na sa room nila.

Nag kibit balikat na lang ako at parang wala lang na pumunta na lang ako sa office ko.

Papunta na ako ng office ko ng makasalubong ko ang isang freshman student at inutos ko na lang dito ang pagkain ni Lineia na ibigay na lang sa kanya.

Sikat naman ang bata na yun kaya naman halos kilala siya ng lahat ng estudyante dito. Sa talino ba naman niya at hindi lang yun. Maganda din kasi ito kaya nga ang daming may gusto dito e. Mapa babae man o lalaki ay ang daming mga nag papa pansin dito. Na madalas ay ikina iinis ko.

Hindi dahil sa nag se selos ako ha. Duh wala akong gusto sa kanya. Naiinis lang ako kasi masyadong papansin. Attention seeker kasi ito. Nakakainis lang kapag ganun.

Nang maibigay ko na doon sa bata yung pagkain ni Lineia ay mabilis na akong pumunta sa office ko at parang bigla akong napagod ngayong araw na ito.

Nag pahinga lang ako ng ilang minuto at lumabas na rin ako sa office ko upang mag turo na.

Mabilis lang din naman na nag dismissed ako dahil ne review ko lang naman sila para sa darating na finals ng mga ito.

Kahit kasi isubo ko na sa kanila ang mga topics na pag kukunan ko para sa finals ng mga ito ay mga matitigas pa rin ang mukha at may mga bumabagsak pa rin talaga. Mga napaka irresponsible na mga estudyante. Nakaka inis lang kapag ganun.

Ang hirap kaya mag compute ng grades lalo na kapag puro bagsak sa quizzes at exams. Sama mo pa ang recitation. Tapos palaging late pa. Sino ang di ma e stress kapag ganun diba?

Matapos ang first subject ko ng hapon at patungo na sana ako para sa second subject ko ng makasalubong ko yung bata na inutusan ko kanina na ibigay yung foods ni Lineia.

Bigla akong napa kunot ng noo ng mapansin na hawak pa rin nito yung paper bag.

"Bakit nasa iyo pa rin yan? Diba sabi ko na ibigay mo yan kay Lineia?" Medyo inis na sita ko dito kaagad.

My god anong oras na hindi pa kumakain si Lineia.

"Eh binibigay ko po kasi sa kanya kanina yan Ma'am Catherine pero hindi po niya tinanggap at ibalik ko na lang daw po sa inyo." Medyo takot naman na sagot nito sa akin.

Natakot yata sa biglang pag taas ng aking boses kanina.

Mas lalo naman akong nainis dahil doon. Ano na naman ang gustong palabasin ng batang yun at nag e inarte siya ng ganito? Bahala siya sa buhay niya. Duh hindi ako hihingi dito ng sorry.

Nag take out na nga lang ako ng pagkain niya tapos hindi pa niya na appreciate bahala na siya dyan.

Kanina tinawagan ko din siya pero hindi din nito sinagot. So nag ta tampo siya? At anong gusto niya? Ang suyuin ko siya? Manigas siya dyan. Di ko gagawin ang bagay na yun.

Ano siya gold? Hahaha bahala siya sa buhay niya. Marami na akong stress sa katawan at ayaw ko na dagdagan pa ito para lang sa kanya.

Kinuha ko na lang ang paper bag at tumalikod na dito. Naiinis din ako sa bata na ito hindi man lang ipinilit doon sa isa yung pinabibigay ko. Walang silbi din ang isang ito e.

Mabilis na ipinatong ko sa table yung paper bag at nag simula ng mag turo. Pero na di distract ako sa paper bag na nasa table dahil kahit anong sabihin ay iniisip ko na hindi pa ito kumain. Baka kung ano na ang nangyari doon.

Napa buntong hininga na lang ako at nag dismissed na rin kaagad. Saka dumiritso na sa aking office at pa bagsak na inilapag na lang yung paper bag.

Maya lang ay bigla na lang pumasok sa office ko si Camela na medyo masama din ang timpla ng mukha.

Isa din ito e. Walang modo bigla bigla na lang pumapasok sa office ng may office.

"O anong kailangan mo? Uso ang kumatok ah " sarkastik na sabi ko dito at tinaasan pa ito ng kilay pero hindi ito nag patalo sa akin at tinaasan din ako ng kilay.

Siguro kung sa pasungitan at pa malditahan din lang ng ugali sa aming mag kakaibigan ay wala ng tatalo pa dito.

"Naiinis ako kay Lauren e, nakita ko may kausap siyang babae dyan at hindi man lang niya sinasaway kahit panay ang chansing ng babae na yun sa kanya. Mukhang may kailangan na naman akong patalsikin dito sa school ko ah." Inis na sagot naman nito sa akin.

Hayst napaka ano talaga ng babae na ito. Kaya ayaw ko na mapalapit kay Lineia dahil baka maging ganito din ako at saka sabi ko nga ay lalaki ang gusto ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Catherine Lopez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon