Chapter 4

589 41 8
                                    

Lineia

Kanina pa ako nag hihintay sa kanya dito sa labas ng office pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang anino ni Catherine.

Ang alam ko kasi ay vacant na nito kapag 11 na e. Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya? Anong oras na oh.?

Kanina pa rin nag tatanong sa akin ang mga Prof na dumadaan dito. Tsaka gutom na rin ako kasi naman hindi ako masyadong nakakain ng agahan kanina dahil sa pag mamadali.

Maya lang ay natanaw ko si Ma'am Camela na padaan din dito sa akin banda kaya naman mabilis na binati ko ito. Na tinanguan din lang naman nito. Akala ko nga ay la lampasan na lang niya ako pero bigla itong huminto sa tapat ko.

"Anong ginagawa mo dyan Lineia? Hinihintay mo ba si Catherine?" Tanong naman nito sa akin.

At dahil sanay naman na si Ma'am at alam nito ang ginagawa kong panliligaw sa kaibigan niya ay nag sabi na ako ng totoo dito.

"Hinihintay ko po kasi si Ma'am Catherine Ma'am Camela. Sa labas po kasi kami kakain." Naka ngiti na sagot ko naman dito.

Nakita ko na bigla na lang kumunot ang noo nito.

"Kumain kana lang sa Canteen Lineia dahil kanina pa umalis si Catherine at kakain daw sila sa labas ng kuya Mark mo. Baka nakalimutan lang niya yung usapan nyong dalawa." Sabi naman sa akin ni Ma'am Camela.

Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nalaman ko kay Ma'am Camela. Kaya naman pala kanina pa ako nandito ay wala pa rin siya yun naman pala ay kanina pa ito umalis dahil may date naman pala sila ni Kuya.

Mapait na napa ngiti na lang ako ng dahil doon.

Binalingan ko naman na si Ma'am Camela upang mag pasalamat at mag paalam na rin tuloy dito.

"Ay ganun po ba Ma'am? Sige po punta na lang ako sa Canteen. Salamat po." Malungkot na paalam ko naman na dito at nag lakad na palabas ng building.

Laglag ang balikat at malungkot na dumiritso na lang ako sa may oval banda. Nawalan na rin ako ng gana na kumain pa.

Always na lang ganito. Yung mag aaya ako sa kanya tapos papayag siya pero never pa niyang sinipot ang alin man sa mga yun. Nakakasama na lang ng loob na para bang ginagago na lang ako nito.

Pwede naman na hindi siya pumayag sa mga pag aaya ko sa kanya e. Atleast diba hindi ako umasa. Pero yung pumayag siya tapos ganito ang gagawin niya nakaka sakit lang sa damdamin.

Maya lang ay nakita ko na ang kotse ni Ma'am Catherine na nag park na ito mukhang tapos na ang date nila ni kuya.

Ako naman ay tumayo na sa kinauupuan ko at nag lakad na papunta para sa next subject ko. Wala akong plano na lapitan muna ito at nag ta tampo ako sa kanya. Hindi muna kami bati nito.

Nasa hallway na ako ng makatanggap ako ng call mula kay Ma'am Catherine. Nag silent na muna ako ng phone ko at hindi pinansin ang tawag nito. Bahala na muna siya dyan. Always na lang niya ginagawa ito sa akin e.

Porket alam na alam nito na mahal ko siya ay gagawin na niya sa akin ang mga bagay na yan. Bahala na muna siya dyan.

Hanggang sa makarating ako sa classroom ay hindi ko pinag aksayahan na sagutin ang phone ko.

Naka upo na ako ng biglang lumapit sa akin si Julia.

"Lineia, baka naman ngayon ay mapag bigyan mo na ako. Please birthday ko naman baka naman pwede na pumunta ka mamaya sa birthday party ko. Please." Pakiusap nito sa akin habang nag pa puppy eye pa siya.

At dahil nga sa masama ang loob ko ngayon at gusto ko na mawala ito kahit paano ay tumango ako dito sabay ngiti sa kanya.

"Sure, sige punta ako mamaya. Send details na lang ha." Naka ngiti na sagot ko naman dito.

Wala naman siguro problema kung pag bi bigyan ko siya ngayon diba! Tsaka sure naman ako na walang magagalit lalo na sa part ko.

Ewan ko lang sa kanya. Pero as a friend lang naman e. Tsaka di lang naman ako ang invited doon. Party yun natural na marami kami doon.

Hindi ko lang inaasahan ang biglang pag sigaw nito na para bang kiniliti na ewan.

"Sure na pupunta ka ha. Yes!!" Sigaw muli nito bago mabilis na hinalikan ako sa pisngi at nag mamadali na itong umupo sa kanyang upuan kasi dumating na ang Prof namin na walang iba kung hindi si Ma'am Jane at parang nakita pa yata nito ang pag halik sa pisngi ko ni Julia.

Paano naka taas pa ang kilay sa akin ni Ma'am Jane. Kaya nag yuko na lang ako ng ulo at tumayo na kami upang batiin ito.

Nag discuss lang naman si Ma'am at maya lang ay nag pa early dismissed na rin ito. Mukhang nag mamadali si Ma'am e.

Pag labas ni Ma'am Jane ay lumabas na rin ako at uuwi na ako. Vacant kk na rin naman na e. Tsaka gusto ko na mag pahinga na muna. Kanina pa sumasakit ang ulo ko. Alam ko na dah din sa gutom ito.

Pag labas ko ng pinto ay may biglang lumapit sa akin na estudyante. Mukhang first year palang ito.

"Ah Ms. Lineia?" Tanong nito sa akin.

"Oo ako nga yon." Sagot ko naman dito.

Bigla na lang may inabot ito sa akin na base pa lang sa paper bag ay alam ko na kung ano ang laman nun. Pagkain.

"Pinabibigay po ni Ma'am Catherine, kainin nyo na daw po yan." Sabi nito sa akin. Pero hindi ko kinuha ang pagkain.

"Paki balik na lang yan ha. Paki sabi na rin na hindi ako gutom." Sagot ko naman dito at umalis na ng tuluyan sa harapan nito.

Bahala siya dyan. Sa tingin naman niya ay mawawala ang tampo ko sa kanya ng ganun ganun lang.

Tiniis ko ang gutom ko para makasabay lang siya kumain tapos ganito lang ang ginawa niya. Sana di na lang siya punayag diba? Para naman hindi ako ito parang tanga na umaasa sa kanya. Tapos wala din lang naman pala.

Nag mamadali na akong pumunta sa parking lot at nag drive na pauwe. Sa bahay na lang ako kakain. Mag me meryenda na lang ako.

Hindi naman porket masama ang loob ko ay papatayin ko na rin ang sarili ko. Hindi naman ako ganun klase ng tao no.

Nang makarating na ako sa bahay ay nagpa handa na lang ako ng meryenda kila Manang habang nag bi bihis pa ako.

_____
Guys birthday ko ngayon. Baka naman. Open ang gcash ko sa may nais. ☺️

Ms. Catherine Lopez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon