Chapter 4

814 41 12
                                    

Lineia

Mabilis naman na hinabol ko na si Ma'am Catherine at ng maabutan ko ito ay agad na kinuha ko na dito ang dala niyang gamit at sumabay na sa kanya sa pag lalakad.

Dinig na dinig ko naman ang bigat ng takong nito na tumatama sa simento. Mukhang mainit talaga ang ulo ng mahal ko ah. Ano kaya magandang gawin dito upang mawala na ang init ng ulo niya? Halikan ko kaya ito?

Huwag na lang pala baka mas lalo lang lumala kapag ginawa ko sa kanya ang bagay na yun.

Maya lang ay nakarating na rin kami sa room kaya ibinaba ko na kaagad ang gamit nito sa table at naupo na sa may dulo banda. Mas gusto ko kasi dito dahil maraming chismis akong nasasagap at mga nakikita na pinag gagawang kababalaghan ng mga klasmate ko.

Total alam ko naman na ang mga tinuturo nila kaya mas pinipili ko na lang na mag pwesto dito sa likod.

Maya lang ay nag tayuan na ang mga classmates ko at binati si Ma'am Catherine ng good morning na Hindi man lang nito pinansin.

Nag discuss na rin naman ito kaagad at dahil mainit ang ulo nito sa akin ay ako na lang palagi ang kanyang tinatawag na nasasagot ko naman ng walang ka hirap hirap.

Sabi ko nga kasi ay alam ko na lahat ng tinuturo niya. Ayaw ko kayang mapahiya dito kaya nag advance reading na ako sa subject niya at once na nabasa ko na yun ay hindi ko na makakalimutan pa.

May photographic memory kasi ako e. Kaya naman madali na lang ang lahat sa akin.

Panay lang naman ang irap nito sa akin at mas lalo pa yatang nainis sa akin kasi naman ay panay ang pag papa cute ko sa kanya. Panay pa ang kindat ko dito with matching kagat pa ng labi at nag pi finger heart pa ako sa kanya.

Kaya naman pulang pula na ang mukha nito hindi ko lang alam ha kung dahil ba sa kilig yun or kung dahil ba sa pagka inis sa akin.

Mabilis na rin naman na tinapos nito ang kanyang discussion at nag pa out na ng maaga. Ako naman ay nanatili pa na nandito sa loob ng room at hinintay ko talaga na maka labas na lahat ng classmates ko bago ako tumayo upang lapitan si Ma'am Catherine.

Pero pumunta na muna ako sa may pinto at ni lock ko yun bago bumalik sa table ni Catherine na ngayon ay ang sama na naman ng tingin sa akin.

"Bakit ko ni lock yun?" Mainit kaagad ang ulo na tanong nito sa akin.

"Gusto kasi kitang ma solo Catherine ko." Sagot ko naman dito.

Agad naman na sinamaan na naman niya ako ng tingin ng sabihin ko sa kanya ang bagay na yun..

"Pwede ba Lineia, igalang mo naman ako kahit dito man lang sa school!!! Kung Hindi lang dahil sa kuya Mark mo ay matagal na kitang sinampal sa pamba bastos mo sa akin na yan. mahiya ka naman sa akin." Galit na sabi nito.

"Gusto lang naman sana kita yayain na sa labas na lang tayo kumain ngayong lunch e. May bagong bukas kasi na restaurant dyan sa may pag liko. Naisip ko kaagad na e try natin na kumain doon." Pag aaya ko dito.

Hindi ko na lang pinansin ang pag su sungit nito sa akin. Sanay naman na ako na ganyan yan sa akin e Kailan ba ako kinausap niyan ng hindi siya nagagalit sa akin.

Samantalang kay kuya Mark ang bait bait naman niya. E mag kakapit bahay din lang naman kami ng mga ito. Mabuti pa si Riri na kapatid niya na best friend ko ay ang bait.

Pero kahit ganun ay hindi pa rin nababawasan man lang ang pagka gusto ko sa kanya. Mas lalo lang kasi siya na nagiging hot sa paningin ko kapag ganyan na nag sa salubong na naman ang mga kilay nito. Tapos nag i isang linya na lang ang kanyang labi.

Shit para bang gusto kong parusahan minsan ang lips nito gamit ang lips ko e.

"Ano na naman kabaliwan yang pumasok sa utak mo at naisipan mo pa talaga na ayain akong kumain doon. Hindi ka ba nag iisip na bata ka ha? At sa tingin mo talaga ay sa sama ako sa iyo? Manigas ka. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para sumama sa iyo." Walang preno na sagot nito sa akin.

Bigla naman na naka ramdam ako ng lungkot dahil sa pag turn down na naman niya sa offer ko na kumain kami sa labas.

Kailan kaya nito ako pag bibigyan na sumama naman siya makipag date sa akin? Kahit expected ko na na tatangihan lang naman niya ang pag aaya ko ay hindi pa rin talaga ako nadadala.

Malungkot naman na binalingan ko na ito ng tingin. Sige po kung ayaw mo talaga ay si Julia na lang ang aayain ko. Total nung isang araw pa naman siya nag sa sabi sa akin na try nga daw namin kumain doon." Nasabi ko na lang dito at balak ko na sanang lumabas sa room ng bigla na lang makarinig ako ng ingay na parang may biglang nag mamadali na tumayo mula sa upuan.

Kaya naman napa tingin ulit ako dito na ngayon nga ay nakalapit na kaagad sa akin ng hindi ko namamalayan.

Fuck bakit parang ang bilis naman niya naka lapit kaagad? Naka upo lang sya kanina doon ah. Hindi pa nga ako nakakahakbang paalis at nandito na siya kaagad sa tabi ko na ang sama sama na naman ng tingin sa akin na para bang may ginawa na naman akong mali dito.

Hindi na nga ako nag pilit pa na ayain siyang kumain sa labas e. Kasi naman ang init kaagad ng ulo niya. Kaya nga kay Julia na lang ako sa sama e. Nahiya na rin kasi ako dito dahil palagi na lang niya akong inaaya sa kung saan saan at always ko naman na tinatanggihan.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo kanina kung sino na lang ang aayain mo!?" Galit na tanong nito sa akin.

Kahit naguguluhan dito ay inulit ko na lang yung sinabi ko sa kanya.

"Si Julia na lang po ang aayain ko na kumain sa labas kasi matagal na niya akong inaaya total ayaw mo naman kaya siya na lang." Pag uulit ko naman dito.

"Sa office tayo kakain!! Hihintayin kita doon mamayang lunch." Sabi nito sa akin at mas nauna na itong lumabas sa room.

Habol tanaw naman na naka tingin na lang ako dito. Hindi makapaniwala na sabay kaming kakain nito mamaya.

Ano kayang nakain nito at bakit bigla na lang nag bago ang isip niya. Mas maganda na rin yung sa office niya kami kumain para naman ma solo ko siya doon ng husto.

Ms. Catherine Lopez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon