Chapter 1

1.6K 106 7
                                    

Lineia

Nandito ako ngayon sa garden namin upang manguha ng mga flowers na ibibigay ko kay Catherine. Ako mismo ang nag aalaga ng mga tanim dito. Gusto ko kasi na pinaghirapan ko ang mga ibinibigay ko sa aking mahal na si Catherine.

Hindi naman sa nagtitipid ako kaya. Nagtanim na lang ako para sa akin kasi iba iyong pinaghirapan mo ang binibigay mo sa taong mahal mo at hindi yung basta na lang binili.

Nang makakuha na ako ng mga tatlong piraso ng rosas ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng bahay namin upang maligo na at makapag bihis na rin.

After ko makapag ayos ay tumanaw muna ako sa bintana sa kabilang bahay upang tiyakin kung nandoon pa ang kotse ni Catherine. Mahirap na at baka kasi naka alis na ito doon eh.

Nang masiguro ko na nandoon pa sya ay nagmamadali na akong bumaba upang puntahan na ito sa kanila.

Agad naman ako pinapasok ng guard ng makita ako. " Nandito pa si senorita Catherine buti na lang at naka abot ka pa. Pasok ka na sa loob at baka paalis na rin iyon." Sabi nito agad sa akin. Sabagay sanay naman na yan eh.

"Thanks po kuya, sige po pasok na ako ah." Ngiti kong sabi dito at masiglang pumasok na sa kanilang bahay

Tuloy tuloy lang ako sa loob. Sanay na ang mga iyan sa akin na araw araw ay nandito ako at dinadalaw ang aking iniirog.

Minsan nga ay humihingi pa ako ng tips sa mga ito kung ano ang magandang gawin pag nanliligaw na madalas ay palpak pa rin pag ginawa ko na ito kay Catherine.

May mga nakasalubong pa akong mga kasambahay nila dito na agad naman akong binati at sinabi na nasa kwarto nya pa si Catherine.

Paakyat na sana ako ng hagdanan ng makita ko mula sa taas na pababa na rin ito kaya todo ngiti ang aking ginawa at inayos pa ang aking sarili.

Nang mapansin ako nito sa may puno ng hagdanan ay agad itong napasimangot. Sabay ikot pa talaga ng mata nya. Halata mo agad dito ang inis sa kanyang magandang mukha.

Pero kahit ganun pa man ay ngitian ako lang ito ng malawak at di pinansin ang bad trip nitong mukha. Sanay naman na ako dyan eh. Wala yatang araw na dito ito badtrip sa akin.

Nang malapit na ito sa akin ay agad ko ng inabot dito ang mga flowers na dala ko. "Good morning baby" ngiting bati ko dito habang inaabot pa rin dito ang mga bulaklak.

Pero tuloy tuloy lang itong nag lakad at di na ako pinansin pa. Tinabig pa nga ang kamay ko na may hawak ng bulaklak para dito.

Malapit na sa may pintuan ng maabutan ko sya. Agad ko naman inabot ang braso nito upang pigilan siya sa paglalakad ng mabilis.

"Baby sandali lang. Please kunin mo naman na ito oh." Pamimilit ko dito. Hello pinaghirapan ko kaya yung mga flowers na yun para sa kanya. Kaya dapat lang na kukunin niya ito. Di ako papayag na basta na lang siya umalis sa aking harapanng ganun ganun nalang.

Agad naman itong pumihit paharap sa akin at sobrang sama ng naka tingin sa akin ngayon.

"Bitawan mo yang kamay ko na bwisit ka. Ang aga aga eh sinisira mo ang araw ko. Pwede kahit ngayon lang Lineia ay patahimikin mo ako. Sobrang sama na nga ng gising ko tapos dadagdag kapa!!!" Inis na sigaw nito sa akin sabay hablot nang bulaklak na ibinibigay ko sa kanya at lumakad na paalis. Pero bago iyon ay nakita ko na tinapon nito sa basurahan ang mga iyon. Di ko naman maiwasang masaktan dahil doon.

Alam ko na sobrang nakukulitan na ito sa akin pero anong magagawa ko eh mahal ko siya. Sya lang ang gusto ko. Kahit na bata pa ako ay mahal ko na siya noon pa.

Kinuha ko naman mula sa basurahan ang mga bulaklak at sayang naman yun kung doon na lang nakalagay. Ilalagay ko nalang ito sa vase ko na nasa kwarto ko. Hindi naman ito nadumihan kasi nga katatapon lang nila ng basura kanina kaya walang laman yun at malinis pa

Di ko na ito sinundan pa at bagsak ang balikat na umalis na ako sa bahay nila. Kita ko pa ang awa sa mukha ng mga kasambahay nila na naka saksi sa aming dalawa ni Catherine.

Nang makauwi ng bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto at nag kulong doon. Maya pa naman ang aking klase eh mga bandang 10 pa.

Nawalan na rin ako ng ganang kumain pa ng breakfast. Sino ba naman kasi ang gaganahan pag ganun diba?

Maya lang ay nakatanggap ako ng text mula sa aking bestfriend si Rihanna na kapatid ni Catherine.

"Okay ka lang ba? Nabanggit sa akin nila manang yung nangyari kanina dito sa bahay. Gusto mo puntahan kita dyan?" Text nito sa akin.

"Okay lang ako Riri alam mo namang sanay na ako dyan sa ate mo eh. Ano pa nga bang bago doon" malungkot na reply ko naman dito.

"Tanga ka kasi. Ang Dami naman dyan ay bat nag ta tyaga ka sa maldita na iyon. Tsaka hello matanda na kaya iyong si ate di kayo bagay no." Reply nya pa sa akin.

"Riri alam mo naman na siya lang talaga eh. Kung mapipilit ko lang ba ang puso ko ay di ko siya pipilitin na magustuhan din ako." Malungkot kong reply sa kanya.

Sino ba naman ang gusto na napapahiya at nasasaktan palagi diba? Kung mapipilit nga lang sana ang puso ay baka matagal na akong tumigil mangulit dito.

Hello ang sakit kaya yung ganyan na palagi ka nalang nasisigawan ng taong mahal mo. Nakakasakit kaya sa damdamin yun. Tapos yung feeling pa na gusto mo siyang ipagdamot sa iba pero di mo magawa kasi wala kang karapatan. Kahit ang mag selos ay wala din. Kaya ang tangi mo nalang magagawa ay ang magtiis para dito.

Paulit ulit na rin ang ganitong scenario pipilitin ako nitong kalimutan ko na lang ang ate nito dahil nga sa napaka bata ko pa daw para sa ate nya. Dapat daw enjoy ko lang ang pagiging teenager ko. Eh ano bang magagawa ko siya na ang mahal ko mula pa lang nung bata ako.

Di ko naman mapipilit ang puso ko na basta na lang kalimutan ito. Na basta nalang mawawala ang nararamdaman ko para dito. Di kung pwede lang sana di matagal ko na sanang ginawa.

Sino ba ang may gusto na lagi ka na lang mapahiya sa harap nito. At saka Sya lang ang naka kuha ng attention ko. Sya lang ang gusto kong palaging makita. Sya lang ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko. At siya lang ang gusto kong makasama habang buhay kahit ba alam ko kung gaano ito ka maldita wala akong pakialam doon. Dahil tanggap ko ang ugali nito. Ako lang naman ang hindi nito tanggap.

Mabuti pa sila Tito at Tita gusto nila ako sa anak nila. Pero yung gusto ko ayaw sa akin. Ang saklap namang buhay to oh.













Ms. Catherine Lopez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon