Chapter 5

365 29 4
                                    

Catherine

Nang matapos akong mag turo ay lumabas na ako ng classroom at dumiritso na sa aking office. Mag hihintay na lang ako na matapos ang klase ni Lineia ng makapag lunch na kami.

Wala sana akong balak na pumayag sa pag aaya nito kanina sa akin ng lunch kung hindi lang sa sinabi nito na yung malandi na si Julia ang aayain na lang niya.

Kapal ng mukha nito na mag ganun sa aking harapan. Ako ang nililigawan niya tapos iba ang aayain nito porket ayaw ko lang. Paano ko siya sa sagutin kung ganyan siya? Hindi ba siya nag iisip.

At saka wala din akong plano na sagutin ito. Hindi ba niya nakikita ang agwat ng edad namin pati na rin both kami na babae. Hindi ako tutulad sa mga kaibigan ko na mga kapwa babae din ang mga nagustuhan at minahal sa buhay.

Paki ko sa kanila kung mga ganun sila? Basta ako hindi tutulad sa mga ito.

Pinag bigyan ko lang naman itong si Lineia dahil nga sa nainis ako kanina. Pero walang ibig sabihin yun ah. Lalaki pa rin ang gusto ko. Period yun at hindi mag babago yun kahit kailan.

Nang makarating na ako sa aking room at balak ko sana na e check muna ang mga activity ng mga estudyante ko ay siya naman ang pag tunog ng aking phone.

Kaya naman mabilis na tinignan ko kung sino ang nag chat sa akin na yun. Hindi ko naman maiwasan na hindi mapangiti ng makita ko na si Mark pala ang nag chat.

Tinignan ko naman kaagad kung ano ang chat nito sa akin.

"Busy kaba today? Pwede lunch tayo. May bagong open kasi na restaurant malapit lang dyan sa university nyo baka pwede kumain tayo doon." Basa ko sa chat nito.

Napangiti naman ako dahil doon at hindi nag iisip na nag reply na dito kaagad.

"Sure. Sige kita na lang tayo doon." Reply ko naman dito at mabilis ng nag ayos ng aking sarili at kinuha ko na ang aking pouch pati na rin ang car keys ko at lumabas na ako ng office ko.

Pasakay na ako ng kotse ko ng maalala ko na oo nga pala mas nauna nga palang nag aya itong si Lineia kaysa kay Mark pero nag kibit balikat na lang ako.

Mag ta take out na lang ako ng pagkain nito. Medyo alanganin din kasi na baka makita pa kami ng ibang estudyante kung makikitang mag kasama kami nito. Kaya mas mabuting sa kuya na lang niya ako sa sama.

Hihingi na lang siguro ako ng sorry dito. Pero napalabi ako ng wala sa oras. Oo nga pala. Hindi ko ugali ang humingi ng sorry. Siguro mag take out na nga lang ako. Bahala na siya kung magalit man siya o hindi.

Nag da drive na ako pa punta sa restaurant ng mag chat muli si Mark na nandoon na daw siya. Kaya nag reply na lang ako dito.

"On the way na rin ako." Reply ko naman dito.

"Sige wait na lang kita sa parking lot ha." Basa ko sa reply nito sa akin.

Kaya nag drive na lang ako at medyo binilisan na lang ang pag papatakbo nito.

Maya lang ay nasa restaurant na ako at mabilis na nag park na ako ng kotse ko kung saan banda nakita ko ang kotse ni Mark.

Mabilis naman na lumabas na ito sa kanyang kotse at agad na ipinag bukas ako ng kotse ko.

Naka ngiti naman na lumabas na ako sa kotse ko at inabot ang naka lahad na kamay nito upang alalayan ako.

Sabay na kaming pumasok sa loob ng restaurant at agad na kaming binati ng mga staff pag pasok namin sa lokb. Giniya naman kami ng naka assigned na staff sa amin sa isang medyo secluded na area.

Nag abot naman na kaagad ito ng menu kaya naman nag order na kami. Dinag dagan ko na lang ang order ko para kay Lineia.

"Ang dami mo naman na order?" Medyo nag tataka na tanong sa akin ni Mark.

Sa palagi kasi namin na kumakain nito ay alam na alam na nito ang mga in o order ko lang kaya nag taka ito kung bakit parang ang dami nga naman ng order ko.

"Ah take out ko kasi ung iba doon." Naka ngiti na sagot ko naman dito.

" Don't worry at ako naman ang mag babayad nun." Sabi ko pa sa kanya.

"Ay hindi ako na lang. Nag taka lang naman ako e." Mabilis naman na sagot nito sa akin.

Panay lang naman ang kwentuhan namin na dalawa habang hinihintay ang pagkain namin.

Maya lang ay naka tanggap na ako ng chat mula kay Lineia at tinatanong nito kung nasaan ako pero hindi ko na lang pinansin yun at nag concentrate na lang sa pakikinig ng kwento ni Mark about sa company nito.

Maya lang ay dumating na rin ang pagkain namin kaya naman nag simula na kaming kumain nito.

Habang kumakain kami nito ay may nag chat muli sa akin at si Camela naman ang nag chat sa akin.

Kanina pa daw ako hinihintay ni Lineia at nag sabi daw ako dito na sabay kami mag lunch.

Hindi ko pa rin pinansin yun at nag patuloy na lang ako sa pagkain ko.

Medyo guilty din naman ako sa ginawa ko. Pero anong magagawa ko. Ayaw ko na maging dahilan din ito na mapalapit ako doon sa bata. Dahil natatakot ako na baka magaya ako sa mga kaibigan ko na mga estudyante nila ang kanilang mga nakatuluyan. Hindi pwede yun.

(Sige na nga mag update na ako dito kahit nasa chapter 65 na ako ng naisulat dito😁)

Ms. Catherine Lopez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon