Lineia
Bumaba na ako at balak kung kumain muna bago pumasok. Sakto naman na pag baba ko ay paalis na rin si kuya Mark. Tahimik lang itong si kuya Mark, hindi masyadong palaemik sa iba pero kapag kaming dalawa lang doon lumalabas ang pagka madaldal nito.
Dalawa na nga lang pala kami ni kuya dito sa bahay kasi ang parents namin ay matagal ng patay may 10 taon na ang nakakaraan. Halos kaka seven ko lang noong namatay sila sa isang car accident. Sobrang sakit sa aming dalawa ni kuya ang nangyaring yun noon.
Kaya mas napalapit kami sa isat-isa paano si kuya na halos ang tumayong magulang ko kaya nga mahal na mahal ko yan eh.
"Oh nanggaling ka na naman dyan sa sinisintang pururot mo. Hanggang kailan kaba titigil dyan sa pangungulit kay Catherine? Sabi na kasing hindi ka magugustuhan nun kasi ako ang kanyang gusto." Natatawang sabi sa akin ni kuya.
Oo nga pala, nanliligaw kaming pareho ni kuya kay Catherine kaya ganyan magsalita yan. Malakas ang loob kasi napagbigyan na ito ni Catherine na makipag date sa kanya samantalang ako kahit isa wala pa sa tinagal tagal ko ng nanliligaw dito.
Hindi naman namin pinag aawayan ni kuya ang bagay na ito dahil may usapan kami na kung sino ang pinili ni Catherine ay hindi magagalit ang hindi pinilit. Kung baga ay may the best man/woman win.
Kaya nga todo kayod ako sa panliligaw dahil matindi ang kalaban ko. Medyo nakakaungos kasi siya. Una sa lahat lalaki pa ito at kayang ipagmalaki niya. Samantalang ako ito bata pa sa paningin niya at babae pa. Yun ngalang isang special na babae na may mahabang talong na mataba.
At saka kahit naman bata pa ako hello malapit ko ng matapos ang pangalawang course ko no. 3rd year college na kasi ako ngayon at ilang hinga na lang ay ga graduate na ulit ako. At isa pa may business ako no na hindi galing sa magulang ko. Kundi ako mismo ang founder nito kaya wala siyang masasabi na magiging pabigat lang ako sa kanya dahil kayang kaya ko siyang buhayin ng marangya at ibigay lahat ng luho nito. At kaya ko rin siyang bigyan ng anak kahit ilan pa ang gusto niya. Kaya nga gustong gusto ako nila Tita para sa anak nila. Yun nga lang wala naman gusto sa akin ang anak nilang demonyita.
Umakyat na ako sa taas matapos namin mag asaran ni kuya Mark. Naligo na rin ako kaagad at baka ma late pa ako sa classes si demonyita pa naman ang Prof ko ngayon.
After ko maligo at makapag bihis na ay nagmadali na akong bumaba ng hagdan at dumiretso na sa garahe upang kunin ang aking big bike na Harley Davidson cosmic starship. Mahilig nga pala ako sa mga big bike may tatlo pa ako sa garahe pero ito ang pinaka favorite ko sa lahat ng bigbike na meron ako.
At wala pa akong naikasakay dito kahit sino. Kahit nga si kuya hindi rin ito nasasakyan pa kahit hiramin ay di ko pinapayagan. Siguro iyong ibang motor ko pwede pa huwag lang ito.
Gift pa kasi ito sa akin ng mga magulang ko nung nag seven birthday ako. At ito na rin yung last gift nila sa akin. Kaya nga sobra kong iniingatan ito eh.
Sabi ko kasi sa kanila na ang babaeng papakasalan ko at magiging ina ng mga anak ko lang ang pwedeng sumakay dito kaya naman ne re respect ni kuya ang bagay na yun.
Tsaka hindi naman yan mahilig sa ganito. Sports car ang hilig niya naman kaya yun ang collection nito. Siguro kung makikita mo lang ang garage namin baka akalain mo na nasa bilihan ka ng mga sports car ang big bikes.
Mabilis ko ng pinaandar ang aking bike at pumunta na sa school. May nakalaan na rin pala na parking space sa akin dito na kahit sino ay walang mangangahas na mag park doon. Ewan ko ba sa mga estudyante dito at ganyan sila sa akin. Pero natutuwa na rin ako sa bagay na iyon. May bansag pa nga sila sa akin dito. Ms. Genius daw na tinatawanan ko lang.
Dumiretso na ako kaagad sa locker ko at kinuha ang gamit ko doon. Hindi kasi ako nag dadala ng gamit sa bahay. Dito ko lang nilalagay pag pauwi na ako. Ang dinadala ko lang ay ang mga pinagbihisan ko.
Isasara ko na sana ang locker ko ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Hi Lineia!" Bati sa akin ni Julia Francine ang aming reigning queen.
Agad naman akong ngumiti dito at binati rin siya " hello Julia magandang umaga sayo aming reyna." Nakangiti kong balik pagbati dito.
Agad naman namula ang mukha nito na hindi ko alam kung bakit. Kaya naman mabilis kong nilapag ulit sa loob ng locker ko ang gamit na hawak ko at mabilis na hinawakan ang kanyang mukha sabay salat ng noo nito baka mamaya ay masama pala ang pakiramdam niya.
Mas lalo naman itong namula dahil sa ginawa ko. Habang parang may naririnig naman ako na parang pinipigilan na impit na pag irit sa mga kasama nito.
"Lineia hindi naman masama ang pakiramdam ko. Medyo nainitan lang ako kanina dyan sa paglakad sa may oval. Kaya siguro namumula ako ngayon." Sagot naman kaagad nito sa akin habang nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa kamay ko na nasa pisngi pa niya.
Maya lang ay parang naramdaman ko na ang bahagya niyang pag haplos doon kaya naman mabilis ko ng inalis ang kamay ko ay pinamulsa na lang ito.
Magsasalita na sana ako pero bigla nalang akong tinabig ng kung sino na muntikan ko ng ikatumba kung hindi lang ako hinawakan kaagad ni Julia.
Galit naman na nilingon ko kung sino ang bumangga sa akin dahil hindi ako papayag na basta may nang ganun na lang sa akin lalo na kung alam ko na sinadya naman ito.
Hello ang luwang kaya ng daanan oh. Nakagilid naman ako para banggain pa. Kung sinadya malamang na mabangga talaga ako pero kasi maluwag ang daanan eh.
Bigla naman akong natigilan ng malingunan ko ang isang magandang nilalang pero kamag anak ni taning sa kasamaan ng ugali.
Masama itong nakatingin sa akin ngayon na para bang may ginawa akong masama dito kung makatingin siya sa akin.
"Huwag naman dito sa daanan kayo maglandian. Nakakaabala kayo sa mga dumadaan." Galit na turan nito at sobrang sama na nakatingin sa akin na para na akong kakainin ng buhay.
Huwag siyang ganyan at baka siya ang kainin ko pag ganito na sinaktan niya na naman ang damdamin ko kanina.
"Ikaw Lineia, diba may klase ka sa akin pero ano itong ginagawa mo? Nakikipag harutan lang dito. Hindi porket matalino kana ay pwede ka ng mag ganyan sa subject ko." Inis na sabi pa nito sabay talikod na sa amin ni Julia. Pero bago pa yun ay inirapan pa ako ng matindi.
Tapos bumulong pa na rinig na rinig ko naman. "Napaka babaera talaga. May nililigawan na nga nakikipaglandian pa sa iba. Tsk" dinig ko na bulong nito. Bago tuluyan ng umalis.
Mabilis naman ako nagpaalam kay Julia at nagmamadali na sumunod na dito at baka saraduhan pa ako ng pinto nito sa klase niya.
Mabilis na nahabol ko naman siya at kinuha kaagad dito ang kanyang dalang laptop at naunang maglakad dito.
Hayst sinumpong na naman ang dyosang maldita.
BINABASA MO ANG
Ms. Catherine Lopez
Teen FictionSi Ms. Catherine Lopez ay isang terror na Professor sa isang kilalang University. Maganda, Mayaman at higit sa lahat may lahing dragon. Lineia Santillan ay isang genius na malaki ang pag kakagusto kay Ms. Catherine. Sa edad na 12 ay nagsimula na it...