Chapter 11 - [Flashback] It's Almost A Happy Ending

154 3 0
                                    

Chapter 11 - [Flashback] It's Almost A Happy Ending

[LOUISSE]

4th year na kami. Ang bilis talaga ng panahon. 4 months nalang rin at graduate na kami. Akalain mo yun? Tumagal kami ni Larris ng 1 year and nth months. XD Nakakatuwa lang. 

Kaso, aalis kami ngayon eh. Bakasyon sa Paris. Eh hindi ko naman pwede isama si Larris. Haay nako. Di ko pa pala nasasabi sa kanya.

"Larris."

"Hmm?"

"Ano.."

"Ano yun?" Atat naman to masyado.

"Atat ka? Hahaha!"

"Eh ano nga yun?" Sabi niya na parang bata. Ano ba yan, parang ayaw ko tuloy sumama. Kaso dream place ko ang Paris eh. >__< Ba yan. -.-"

"Uhmm, aalis kasi kami."

"Ngayon? Oh? San punta niyo? Sama ako!" Sabi niya ng masigla. Ehhh! Wag kang ganyan Larris. >__<

"Hindiii. Sa Paris." Bigla naman parang lumungkot yung expression niya.

"Ah. Kelan alis niyo? Matagal kayo dun?" Ang tamlay ng boses niya.

"Sa sunday na. Hindi naman, 3 weeks lang."

"Kailangan mo ba talaga sumama? Pano na yung mga mamimiss mong lesson?"

"You know naman na dream place ko ang Paris diba? And yun nga eh. Pero nakipag usap na si Dad sa mga teachers, hahabol nalang daw ako. And gagawa ng special projects."

"Eh edi pupunta nalang tayo dun after ng graduation."

"Minsan ko lang kasi makasama si Dad."

"Haay. Okay. Mamimiss kita."

"I'll miss you too." then he hugged me.

"OOY! Ang drama niyong dalawa!" May biglang sumigaw naman.

Tss. Si Mica pala, kasama si Troy.

"Uiii! Namiss ko kayoo!" Sigaw ko papunta kila Mica at Troy sabay hug sakanila.

"Pano naman kasi, di mo na kami nakakasabay ni Troy! Lagi nalang kayo ang magkasama niyang jowa mong gwapo." Hahaha eto talaga si Mica.

"Hehehe sorry. Mahal ko naman kayo eh."

"SUS! Utot mo Ily!" Sabi niya habang nakahug parin sakin. Namiss ko tong lokaret na to.

Humiwalay naman ako kay Mica at niyakap si Troy.

"Namiss din kita!" Sabi ko kay Troy.

"Hahaha, same here."

"Ehem." At ang seloso kong boypren. Hahaha.

"Haha, napaka seloso mo talaga tol." Sabi ni troy.

"Mahal ko lang. Takot maagaw." Sabi ni Larris. Anebe? Ang pula pula nanaman ng mukha ko neto. >///<

"Hahaha, si Ily oh!" turo ni Troy na tawa ng tawa.

"Ang pula mo sissy!" Tawa sila ng tawa. Pati tong si Larris! Upakan ko yan eh. Hahaha! Dejoke mahal ko yan.

"Che magtigil nga kayo!" Tapos nagtago ako sa likod ni Larris.

GAME OVER. (H I A T U S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon