" You just fell for him " Diretsong sabi ni Michael sa akin
" Eh kasi Mi- "
" No need to explain yourself Nics! " ihinilamos niya ang kamay niya sa mukha niya. Na parang ayaw niya ang mga nangyayari sa paligid niya " Kahit hindi ka man umamin sa akin alam ko naman na ganyan na nga nararamdaman mo "
Ganun ba talaga kaobvious ang feelings ko para kay Je para mahalata ni Michael?
" Obvious ba? Crush lang naman ah! "
Tinitigan lang ako ni Michael at binigyan niya ako ng 'SINOPINAGMUKHAMONGTANGALOOK' na agad ko namang nabasa sa mukha niya
" Sinong linoko mo corNIC?! "
Sa wakas tinawag niya na ako ulit gamit yung pangalan na yun!
" Ah yung.. " humanap ako ng bagay na una kong makikita para irason at nahanap ko eh " yung ibon? "
Napatingin naman si Michael at napailing iling nalang. Haiy! Ano ba lumalabas sa bibig ko! Para lang akong tanga eh!
" corNIC lalaki ako at kahit na lalaki ako alam kong tumingin kung yung babae may gusto sa isang lalaki oh wala. " huminto muna saglit si Michael bago magsalita. " At base sa naoobserbahan ko, NAHULOG KA NA KAY JERICK! "
Napayuko nalang ako upon hearing what Michael said
" Lagi kitang pinagmamasdan at lagi kong nakikita na iba ka pag kasama mo si Jerick "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Iba ka pag kasama mo siya. Iba ang ngito mo pag siya kasama mo kumpara sa ngiti mo pag kasama mo ibang kaibigan mo. Umiiba aura mo pag nakikita mo na siya pagkatapos ng paghahanap mo sakanya. Iba kang makipagusap sakanya. At .. " napahinto saglit si Michael
" At ano?! "
" Nagagawa mo ng kalimutan ang taong nasa paligid mo ng dahil sakanya. " malamig na sinabi ni Michael
Ganun ba talaga? Nakakalimutan ko ang iba ng dahil sakanya. Napaisip ako at mukahang tama si Michael. Bukod sa ginawa ko kanina ay kadalang ko nalang maisip ang barkada ko. Na kung makasama ko sila na kahit sandalian lang lalo na ngayon intrams, yung isip ko nakay Jerick padin.
" Pero Nics " seryosong sabi ni Michael
mukhang nakakakaba ang gusto niyang sabihin kaya naman tinatatagan ko ang sarili ko ngayon.
" Does he feel the same way for you? "
Parang bigla akong binagsakan ng madaming bato at binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa tanong Michael sa akin. Ang lakas ng impact sa akin na para akong naglue sa moment na yun at ni isang salita eh ayaw lumabas sa bibig ko
BINABASA MO ANG
The Art Of Letting Go
RomancePeople come into your life for a reason, and come out of your life to teach you a lesson