Lumipas ang dalawang araw ay bisperas na ng mga kompetisyon. Nagkaroon kasi ng pagbabago sa schedule at hindi ito sinabay mismo sa Culminating Day ng Buwan ng Wika dahil pagtutuunan nalang daw yung Culminating Day para sa lalaban ng Lakan at Lakambini.
Nasa Resto ako ngayon at nagpapahinga. Napatingin ako sa paligid at sa kalangitan. Napakadilim nito at halatang masama ang timpla ng panahon dahil nakikita kong umaambon na rin. Parang ako lang, masama rin ang timpla ng katawan ko simula ng maulanan kami ni Jerick at pumasok ba naman sa mall ng basang basa. Lamig kaya sa mall, sino kayang di magkakasakit pagkatapos nun?
" Uyy Bhe! "
Napaangat ang ulo ko sapagkakabaon sa bag ko ng may tumawag sa akin at nakita kong si Ella ito.
" Ok ka lang? " Tanong niya sakin at umiling nalang ako at ibinaon muli ang mukha ko sa bag ko.
Hinawakan ni Ella ang leeg ko at noo.
" Uyy bhe! Uminom ka na nga ng gamot at mapano kapa! Init mo ah! Nagpaulan ata kayu ni Jerick nung minsan. Ba't kasi di kayo nagdadala ng payong "
" oo bhe mmaya kauwi dun ako iinom tsaka di naman namin expect uulan kaya di kaminagdadala payong. Alam mo naman na ang payong ang pinaka ayaw dinadala ng isang estudyante kasi pabigat sa bag diba? "
" Kung sabagay tama ka bhe pero sa susunod magdala kana ng payong ha? Kasakitin mo eh tag ulan ngayon kaya magdala ka. Laki naman ng bag mo eh. "
" Opo Ma'am " sabay saludo kay Ella
" Sira ka talaga bhe! "
" Haha tagal na! "
Napansin ko na may padating na miyembro mula sa aming Koponan pero di ko nalang pinansin at hinintay ko nalang ang susunod niyang sasabihin.
" Sunget! " Napaangat uli ang ulo ko mula sa pagkakabaonsa bag at tama nga si Kuya Harvey mula sa grupo namin ang lumapit samin ngayon
" Bakit Kulet?! "
Btw, yan tawagan namin ni Kuya sa isa't isa kasi close kami. I treat him as my sibling talaga na lagi kong mapagdradramahan pag may problema
" tawag tayo ni Peter sa stage mga sabayan "
" Ah. "
Napatingin sakin si Ella ng may alanganin ang mukha
" Bhe sigurado kang kaya mo? Basta wag ka munang papakapagod. Paalam ka na muna na manood ka kung pwede kasi baka mismong bukas na kompetisyon madali ka mas mahirap na. "
" Oo bhe kakayanin ko tsaka sasabihin ko naman kung di ko kaya eh. "
BINABASA MO ANG
The Art Of Letting Go
RomancePeople come into your life for a reason, and come out of your life to teach you a lesson