♣ Ten

20 2 0
                                    

" Let the Games BEGIN! "

Mala Hunger games lang? Nagsimula na ang Intrams namin at ramdam na namin ang tensyon sa bawat team. Nagsimula ng maglaban laban ang mga team na natira simula nung elimination round at mas lalong tumindi ang pageensayo namin sa cheer.

" YAN LANG BA KAYA NIYO?! SIGAW! "

" RECCA RECCA SUMMA R! RECCA RECCA SUMMA E! RECCA RECCA SUMMA D! RECCA RECCA SUMMA R-E-D! "

Sigaw ng lahat samin dahil sa pressured na ang mga leaders namin dahil ilang araw nalang ay cheering competition part na ng Intrams at mukhang wala pang nagagawang matino ang team namin pagdating sa cheer. Kaya naman hindi maiwasang mag-init ng ulo ng mga cheer leaders namin dahil gusto nila kami makakuha ng title as best in cheer.

" YAN PALA NAKAKAUSAP NAMAN PALA KAYO NG MATINO EH! SIGE! BREAK NG TEN MINUTES! "

Agad naman umalis ang iba samin na bumubulong bulong kadahilanang ayaw nilang nagsusungit ang mga cheer leader namin dahil nakakapagsabi rin sila ng salitang masakit para sa iba para marinig.

Linibot ko ang mga mata ko para hanapin ang mga kasama ko pero nakalimutan ko namang players pala sila ngayon ng volleyball at asa game sila kaya no choice ako kundi kailangan kong mag solo flight ngayon. Wala rin si Je at Michael kaya la ako makakasama. 

Umupo ako sa bench at don nagpahinga. Napaisip ako, malapit ng magtapos ang Intrams at isa lang ang ibig sabihin non, malapit na kaming magkahiwalay ni Je. Hindi naman siguro hiwalay as in hiwalay na walang pansinan, pero the bonding? Matagal siguro bago pa masundan dahil wala naman dahilan ba't kami kailangang magkasama.

Others might think we both have mutual understanding kaso sad to say no. Bestfriends lang talaga na ang actions ay more than bestfriends. Haiyy gulo rin eh. Magulo na nga sitwasyon namin lalo pa nung nagusap kami ni Daddy Jayson

*FLASHBACK*

Mag-isa ko ngayon sa resto dahil nagpapahinga ako. Nakakapagod kasi magpractice ng cheer at nakakasakit ng ulo. Biruin mo sumisigaw ka na nga hanggang sa abot ng makakaya mo tapos ibibilad ka pa sa matinding sikat ng araw? Aba matinde! 

Wala lang akong makasama kasi kanya kanya naman ang practice ng bawat teams at saklap di naman kami magkakateam ng barkada ko. Si Ella ayun asa team niya kasali rin sa cheer at sila kasalukuyang nakasalang sa may quadrangle, si Dianne sa green team at libang na libang sa kakasayaw inspirado kasi ng leader nila sa Pep dahil gwapo tapos si Katelyn naman at Xander abala sa team nila dahil sila ang in charge sa props. Haiyy hirap talaga kung hiwahiwalay, wala ka makakasama pag break time niyo.

" Heyy! "

Napatingin ako sa tumawag at nakita ko si Daddy Jayson na papalakad sa kung saan man ako nakaupo "

" Oh ba't andito ka Daddy? La kayo practice? "

Tinaasan naman niya ako ng kilay

" Wag ka ngang gumanyan mukha kang bading! "

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon