۝ Thirteen ( Part 1 )

17 2 0
                                    

" Ansabi ng papunta mo Nics! Kung ganitong oras ka din darating " 

Pagsalubong sa akin ni Grace at Clarice na hindi ko sinipot kaninang alas tres ng madaling araw

" Akala namin papunta kana. Gising ka naman na ng mas maaga pa sa three pero ba't di ka pumunta? "

Oo nga ba't hindi ako pumunta? Siguro sa mga weird na nangyari sakin the whole night? 

*FLASHBACK*

Matutulog na sana ako ng may kumatok sa kwarto ko.

" Pasok " 

Pumasok sa loob ng kwarto ko ang kasama naming sa bahay na si Ate Laida. Oo nga pala medyo matagal na din siya sa amin. Kumuha si Mama ng kasama kasi nahihirapan nadin kaming kami lang 2 ang gumagalaw sa loob ng bahay 

" Nicole pinapatawag ka ni Mama mo. "

" Sige po sunod na ako "

Agad naman akong bumaba at bakas sa mukha ni Mama ang pagaalala 

" Bakit Ma? " tanong ko at nanatili lang siyang nakatingin kay Lola na ngyon ay nakahiga at natutulog ng mahimbing sa kama

" Bilang nalang oras ng lola mo Nicole. Grumagrabe lagay niya " naluluhang sabi ni Mama.

Hindi na kasi kumakain si Lola tulad ng dati na kahit appano kumakain siya at nakakainom ng gamot pero ngayon ayaw niya na talagang kumain totally.

" Kaninang pinapalitan ko ng diaper ang lola mo napansin ko na ang dami na pala niyang sugat sa likod kaya ganun nalang ang pagaray niya tuwing inuupo ko siya sa kama. "

Tinignan ko si Lola at sa di inaasahang pagkakataon ay nagising siya

" Ma nagising si Lola! "

Linapitan namin si Lola at nakatingin siya samin. Biglang may luhang tumulo mula sa mata ko. Hindi ko lang maimagine na hahantong sa ganitong sitwasyon si Lola. Sobrang laki ng pinayat niya at ngayon hindi narin siya makapagsalita ng diretso

" Ma, ok ka lang? May kailangan ka? " Tanong ni Mama kay Lola at tinignan niya lang ito at nginitian.

Hinawakan ko ang kamay ni lola at sobrang lamig na. Tama si Mama, bilang nalang oras ni Lola. 

" Nicole dito ka na muna kaya matulog sa kama ko at bantayan mo lola mo "

Hindi ako nagdalawang isip na pumayag sa sabi ni Mama dahil sa lagay ni Lola ngayon? Ayaw ko nadin siyang iwan.

" Sige Ma! Kunin ko lang unan ko "

Umakyat ako at madaling kinuha ang unan ko at agad na akong pumunta sa kama na katabi ni Lola

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon