❣ Thirteen ( Part 2 )

24 2 0
                                    

" Now may we call on candidate Number 1 from the Red Team! "

" OHMYGOSH! SINA JE NA! " - Girl 1

" OO NGA SHET! " - Girl 2

Napatingin naman ako sa dalawang babaeng katabi ko na kateammates ko din pala na kulang nalang magtulakan dahil si Jerick na.

Ano kayang itsura niya? Di ko pa kasi siya nakikita at hindi ko man lang siya naGoodluck dahil sa agad siyang dumiretso sa may Parlor ng school kung saan dun aayusan lahat ng contestants para sa Mr. and Ms. Intrams.

" KIM NICOLE ESGUERRA! "

napaligon naman ako sa may tumatawag sakin at bigla nalang may tumulak sakin papunta sa harapan

" ARAY NAMAN! " reklamo ko kaso tuloy parin akong tinutulak nito. Kung malaman ko lang sino tong nagtutulak sakin ngayon, YARI SIYA SAKIN!

Napadpad na ako sa harapan at agad napako ang paningin ko sa lalaking naglalakad ngayon sa gitna ng quadrangle.

" Lets welcome from the Red Team .. MR. JOHN JERICK FORTALEJO!!! " masayang sabi ng emcee at nagwala lahat ng audience lalo na ang mga High School Students namin na galing pa sa kabilangbuilding para lang manuod.

" WAAAAAAAAAAAAAAH!!!! KUYA! ILOVEYOU!!!! " - Girl 1

" GWAPO MO KUYAAAA!!! " - Girl 2

" WAAAAAH!!!! SANA MANALO KA KUYA SHET GUYS CRUSH KO NA SIYAAAAA!!!!! " - Girl 3

" WAAAAAAAH!!! AKIN SIYA " - Girl 4

Nangisi nalang ako ng makita ko ang apat na HS students na kulang nalang ubusin nila boses nila para lang ipagcheer si Jerick. 

Napatingin ako kay Jerick at masasabi kong SOBRANG GWAPO NIYA! Kung gwapo siya ng normal na araw ay lalo pa ngayong naayusan siya. Sobrang manly ang dating niya. No wonder pinagkakaguluhan siya ngayon at maraming sumisigaw sakanya

" BAKLAAAAA!!!! " Napalingon naman ako sa gilid ko at nakita ko ang iba kong kateam 

Tinignan ko naman sila ng 'ANOPROBLEMANIYOLOOK' kaso mukhang di ata sila marunong bumasa ng tingin kaya hindi nila nahalata agad na naiirita ako sakanila

" DI MO PAGCHEER SI JERICK NICS?!!! "

Napalingon ako sa nagsabi at nakita ko ang isa kong kateam na kaklase ko rin na si Anyah. 

" Pinagcheecheer ko naman ah? " irita kong sagot.

Di pa ba pagcheecheer ginagawa ako ngayon?! Kahit kailan talaga pag itong babaeng ito nakakausap ko madaling kumulo dugo ko.

" Pinagcheecheer mo eh anjan ka lang sa gilid. Halos di ka nga sumisigaw eh! " Maldita niyang sagot.

Kumukulo na talaga dugo ko. Wag niyang sirain araw na to wag niyang pakuluin dugo ko at wag niya akong subukan dahil di ako magdadalawang isip na ingudngod sa lupa mukha niya.

The Art Of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon