CHAPTER 24

15.2K 351 613
                                    

Bakit halos ng lalaking nagiging parte ng buhay ko ay parang hindi umaayon sa akin. Tulad ni Andresio at Atrues .

Itong si Andresio ayos na sana mahal niya ako at mahal ko siya dati pero ang mga magulang naman nito ang ayaw sa akin.

Mahirap kalabanin ang mga magulang ng mahal mo . Kahit anong laban mo kung kayo lang din dalawa ang maapektuhan mas mabuti pa ang sumuko na lang .

Maybe I have to accept that things will happen and they are beyond your control. You control you and decide for you , not for anyone else. You have to accept that people will screw up and mess up no matter how many times you beg not to.

Kahit gusto ko siya ipaglaban sa mga magulang niya wala pa rin ako magawa dahil sino ba naman ako isang hamak na dukha lang at hindi nababagay sa tulad ni Andresio na galing sa isang mayamang pamilya.

Si Atreus naman ay nagkahiwalay lang kami at totohanin na sana kung hindi lang ako nabuntis ni Garrett sa mga panahon na wala siya dito sa bansa.

Hindi ko niloko si Atreus sadyang pagpapanggap lang ang ginawa naming dalawa . Nagpanggap kaming may relasyon para maiwasan ni Atreus ang babae na sobrang obsessed sa kanya at para hindi na rin siya kulitin ng mama niya hanapan ng babae para maging girlfriend o asawa niya.

Sabik na sabik din kasi ang mga magulang ni Atreus na magkaroon ng asawa ang nag-iisang anak nilang lalaki . Mababait ang mga magulang ni Atreus at hindi ito mga matapobre . Gustong gusto ako ng magulang ni Atreus para sa anak nila at tanggap nila ako kahit galing ako sa mahirap . Kahit ganito ang itsura ko iyong manang , plain and boring ay gustong gusto pa rin nila ako lalong lalo na ang Mama ni Atreus .

Naging kaibigan ko si Atreus at naging malapit kami sa isat isa ng minsan humingi ako ng tulong sa kanya para maipakulong ang lalaking muntik na akong gahasain noon nagtatrabaho pa ako sa isang restaurant na pagmamay-ari ng nanay nito. Sa mga panahon na iyon ay bago pa lang siya sa pagiging lawyer . Sa tulong din ng Papa ni Atreus ay naipanalo namin ang kaso at naipakulong ang mga taong iyon.

Bilang papasalamat ko sa kanya ay umayon ako sa plano niya at gusto ko rin siya tulungan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya .

Umabot ng pitong buwan ang pagpapanggap naming dalawa . Alam ko sa pagpapanngap namin ay nagustuhan at minahal ako ng isang Atreus Grey na isang pihikan at ilag sa mga babae.

Kahit tulad ni Garrett masungit ito ay iba ito pagdating sa akin kasi he is gentle , sweet at sobrang bait pagdating sa akin. Walang nakakaalam na pagpapanggap lang ang sa aming dalawa.

Kahit pagpapanggap lang ang sa amin ni Atreus ay when I am with him he makes me happy and he really appreciate me. Minsan nga kahit ganito yung ayos ko ay he tells me out of the blue that I am beautiful . Ang pinakagusto ko ko kay Atreus ay he is good listener , he's thoughtful and kind. Atreus Grey is a good man who always enourage me to be the best person I can be . He'll challenge me and give a push when I need it. Above all , Atreus is just like Andresio who believes in me even if I don't always believe in myself and ginagawa nila ang lahat sa akin para mapasaya ako at huwag masaktan na hindi ko mahanap kay Garrett.

Minahal ko naman si Atreus pero bilang isang kaibigan lang . Pero kung hindi lang nangyari ang sa amin ni Garrett baka si Atreus talaga ang papakasalan ko kasi nakita ko kay Atreus he is a good man at alam ko mamahalin niya ako at hindi rin sasaktan . Malaki ang utang na loob ko sa kanya at hindi mahirap mahalin ang isang Atreus Grey Vargas .

Sa mga panahon na wala ng Andresio sa buhay ko si Atreus naman ang dumating ang tagapagtanggol ko at lalaking pinapahalagahan ako . Kahit hindi pa nakikita ni Atreus ang tunay na mukha ko behind my disguised ay dahil sa kanya I felt how it is to be loved despite what I think about myself. I felt how it is to be accepted for who I am.

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon