CHAPTER 5

16.5K 370 62
                                    

Nang matapos ang trabaho namin hindi na naituloy pa ang kwento ni Micalla tungkol sa mga paborito niyang manlalaro .

Nagmamadali itong umalis kanina .

Curious din ako sa itsura ng unggoy na tinutukoy ni Calla na si Ryde George Rodriguez . Feel ko kasi siya ang magiging prince charming nitong si Calla .

Golden Knights C.F saan ko ba yan naririnig ? tanong ko sa sarili habang nagbibihis dito sa locker room . Para kasing familiar talaga sila . Siguro sa billboard or mga advertisement ko sila nakita na dati . Ay ewan bahala na nga . Hindi naman ako interesado sa kanila tsaka busy akong tao . Mas gusto ko na lang paglaanan ng oras ang anak ko kaysa sa mga ibang bagay .

Malapit na rin pala ang graduation ko excited na akong makapagtapos . Siguro hindi ko na lang itutuloy ang pagdodoctor na pangarap ko maghahanap lang ako ng trabaho sa mga ospital . Masaya rin naman ang maging isang nurse . Hindi ko pa pala nasasabi kay Lovein , Miran at Arlice na hindi na ako tutuloy sa pagdodoctor .

Namiss ko tuloy ang mga bestfriends ko . Alam ko busy sila ngayon sa kani kanilang trabaho atsaka nahihiya pa rin ako dahil sa mga atraso ko sa kanila sa paglihim ko tungkol sa naging buhay ko dito sa loob ng limang taon . Pero babawi ako sa kanila sa lahat .

Pagkalabas ko ng locker room naabutan ko si Sir Alaric na nakatayo sa labas ng pintuan nitong locker room at parang may hinihintay .

Pagkakita sa akin para itong nagulat at namangha sa akin or guni guni ko lang ba yung nakita kong pagkamangha sa kanya .

"Hi Mr. Silverio good evening po " pagbati ko sa kanya .

" Good evening Ms. Atkinson " sabay bati at ngiti niya sa akin

" May hinihintay po ba kayo sa loob Mr. Silverio " tanong ko sa kanya . Wala na kasing tao sa loob ng locker room at ako lang ang nasa loob kanina . Kasi sina Greta at Jessie at iba pang girls nasa loob pa ng bar .

" Yes and ikaw ang hinihintay ko Ms. Atkinson " sabi niya sa akin sabay ngiti .

" Ako po ? " tanong ko ulit na gulat sa mga sinabi niya

" Yes ikaw nga ang sadya ko dito and please cut the formality just call me ALARIC or CALVINN " sabay ngiti niya sa akin

Ano daw ako ang hinihintay ni Sir Alaric at tama ba ang narinig ko na cut the formality daw at tawagin na lang siya sa first name niya . Boss ko siya malamang kaya dapat Sir or Mr. Silverio ang itawag ko sa kanya . Sa isip ko

"Naku Sir hindi po yun pwede kasi boss po kita dapat po galangin pa rin kita atsaka po pangit po pakinggan tawagin kita sa first name mo eh boss po kita " sagot ko naman sa kanya .

Bigla siyang natawa at natulala ako kasi sino ba naman ang hindi matulala kaharap mo lang naman ang tinuringan na masungit na mabait na boss mo na natatawa sa harapan at shit ang pogi talaga pala ni Sir sa malapitan . Kaya pala ang daming patay na patay sa kanya lalong lalo na si Micalla at Sir Gian .

" Damn she's so cute " bulong ni Sir at sabay iwas ng tingin sa akin . Siguro naasiwa dahil kanina pa ako natulala dahil sa kanya .

Kasalanan niya kasi gwapo siya kaya ako. natulala .

Hoy Valeen maghunus dili ka may anak at asawa ka na paalala ko sa sarili ko .

" Ano po ang sabi niyo Sir ? " tanong ko sa kanya kasi hindi ko masyado narinig ang bulong niya .

" Nothing Ms . Atkinson . Uuwi ka na ba ? " tanong niya sa akin .

Bigla ako nailang kay Sir Alaric kasi first time niya ako kinausap ng matagal tagal dati kasi nakakausap lang namin siya kapag magrereport lang kami sa office niya kapag andito siya . Sa pagkakaalam ko kakauwi niya lang galing ibang bansa kaya ilang linggo ko rin siya hindi nakita . Nakakailang din kasi masyado siyang gwapo . Nahahawa na rin ako ni Micalla sa pagiging mahilig sa gwapo .

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon