CHAPTER 24.5

13K 312 284
                                    

" Valeen ganda and Sir Garrett family picture po kayo " sabi ni Ate Myrna .

" Yehey family picture po tayo Mommy ko and Daddy ko " masayang sabi naman ni Celestiana habang pumapalakpak . Ganoon din sina Sebastian at Santiago na tila excited din sa narinig .

Dahil sa sinabi ni Ate Myrna na family picture kuno ay napatingin ako kay Garrett at ganun din ang gulat ko ng magtagpo ang mga mata namin kaya nailang ako dahil ang lalim kasi ng tingin nito sa akin tila hinihintay nito ang magiging reaction ko .


" Sige Ate Myrna family picture kami " sabi ko kay Ate Myrna habang ang mata ko ay nakatutok kay Garrett habang nakangiti .

Dahil sa pagngiti ko biglang umiwas ng tingin si Garrett sa akin at nakita ko ang pamumula ng tainga nito .

Nagulat ako ng biglang binigay ni Garrett kay Rita ang cellphone nito .

" Use my phone " he said coldly to Rita na ngayon ay natulala na dahil hindi niya siguro expected na cellphone talaga ni Garrett ang gagamitin .

" Opo Sir Garrett " magalang na sabi nito at kuha sa cellphone ni Garrett .

Ako rin hindi makapaniwala na cellphone ni Garrett ang gagamitin namin para magpicture .

May inilabas din na isang magandang at mamahaling camera si Ate Myrna na hindi ko alam kung bakit siya laging may pa ganyan . Basta noong unang pansin ko sa camera na lagi niyang dala kahit saan ay iyong unti unti na lumalaki ang tiyan ko noong pinagbubuntis ko pa ang triplets . Lagi ko siyang nahuhuli na kinukuhanan niya ako ng litrato habang kumakain , nagluluto , nakikipagkwentuhan at minsan nga habang natutulog ako . Noong minsan nacurious ako sa mga pinaggagawa niya at tinanong ko siya kung bakit niya ako laging kinukuhanan ng litrato kasi may mga araw naiinis at nagtatampo na ako sa mga pinag gagawa niya .

Ang sabi niya lang sa akin " Ang ganda mo kasi beh pwede kang maging model para sa mga buntis atsaka gusto gusto ko maging isang tanyag din na photographer kaya sa ngayon ikaw muna ang modelo sa camera ko " sabi nito sabay kamot sa ulo nito na tila hindi nagsasabi ng totoo .

Hanggang ngayon ito hindi ko pa rin nahahawakan ang hawak na camera ngayon ni Ate Myrna . Ewan ko rin kung bakit ayaw ipahawak at ipahiram sa akin yan .

Gusto ko kasi makita ang laman ng camera dahil marami siyang mga kuha doon na litrato naming mag iina .

Napaigtad ako ng may biglang tumabi sa akin at pagtingin ko ay si Garrett na mataam na nakatitig sa akin ngayon habang buhat sa kabilang braso nito si Baby Leon

Namula ako ng mapagtanto ko na sobrang lapit pala namin sa isat isa . Dahil doon ay nagbigay ng space sa amin ni Garrett.

Nang maayos na ang lahat ay nagkanya kanya na kaming pwesto .Katabi ko si Garrett na habang buhat nito si Leon habang ang triplets ay pumuwesto sa harapan namin .

" Ate lumapit po kayo kay Sir Garrett po " sabi ng nakangising si Rita na may hawak ng camera ngayon .

Alam ko may kalokohan na naman itong iniisip .

Dahil sa sinabi ni Rita ay napatingin ang mga anak ko sa akin at ganoon din si Garrett .

" Mommy lapit ka po kay Daddy po " sabi ni Sebastian sa akin at marahan akong inilapit sa Daddy nito .

Wala akong nagawa sa kagustuhan nila. Kaya mas lumapit ako kay Garrett . Muntik na ako mapatalon ng biglang hinawakan ang bewang ko ni Garrett at mas nilapit ang kanyang katawan sa akin .

Magsisimula sana kaming kuhanan ng litrato ng maramdaman ko ang pagpisil ni Garrett sa tiyan ko at marahang paghaplos nito . Dahil sa gulat ko ay napatingin ako sa kanya . He just smirk at me sa naging reaction ko .

The Billionaire's Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon