BTLR: 10

4 1 1
                                    

Chapter 10: Hurt

I stared at Kaley who's now making his way through the library. Mabilis siyang dumalo sa akin at pinalo ang kamay ng lalaking humaltak sa braso ko. Mabilis niya akong nilagay sa likuran niya, like a shield protecting the knight.

"Who are you and why did you hurt her?"

Napatitig ako sa matipunong likod niya. Kahit na nasa ganitong sitwasyon, I can't help but admire Kaley's posture and bearing. Bagay na bagay sa kaniya ang uniporme ng CAT. And with his presence, you can clearly tell that he holds a high position in the organization he belongs to.

Pumalakpak ang epal na lalaki. "Ang isa pang playboy! 'Yung Kal na gustong gusto ng mga babae. Ikaw 'yon 'di ba?"

Kaley scoffed. "Famous pala ako. E sino ka ba? I don't even know you."

Nagpatuloy sila ng sagutan hanggang sa palapitin ni Kaley 'yung Josh.

"Magtawag ka ng faculty member," utos niya.

"Sir aye aye Sir," sagot nung Josh. Naningkit ang mata ko sa sagot niya kay Kaley. That response is often used by Jaxtin lalo na pag kausap niya ang officer sa CAT. Parte rin ba ng CAT 'tong si Josh?

Nanlaki ang mata nung damulag na lalaki. "H-Hoy! Teka!"

I heard Kaley's sarcastic laugh. "Hindi mo alam na kadete 'yun? Boys Scout ka 'di ba? Ano kayang mararamdaman ng OIC niyo kapag nalaman niya 'to?"

Humigpit ang hawak ko sa damit ni Kaley nang bigla siyang gumalaw palapit doon sa damulag. Binalingan niya ako at saglit na tumigil. I bit my lip and bowed my head. Inalis ni Kaley ang kamay ko sa likod niya at iginaya ito sa kabila niyang kamay.

"Don't you ever lay your hands on November, you understand?" His voice scream authority. Parang ang boses niya pag nagc-command...

"And don't ever do what you just did to any other girl," banta niya. "I'll see you at the Discipline Coordinator's office."

Kaley dragged me outside. Pero parang hindi naman drag kasi ang careful niya... Para nga akong mababasag, e. Tumigil kami sa harap ng opisina ni Ma'am Clemente—'yung Discipline Coordinator.

"We should go to the clinic after this. Pero dapat mauna doon... Pero kasi baka takasan ako nung mga 'yun. Is the pain bearable? Or do you want to go to the clinic already?" Sunod-sunod niyang sambit. Para pa siyang natataranta.

"Hindi ko naman kailangang pumunta sa clinic. Kalmot lang 'to tsaka pasa. Mawawala rin 'yan."

Kumunot ang noo niya. "What did they do to you? Enumerate," utos niya.

"Hinaltak. Tapos hinawakan braso ko, mahigpit kaya. Tangina no'ng lalaking 'yon, ah. Kapag nakita ko 'yun ulit, susuntukin ko 'yon."

He shh-ed me. "You shouldn't cuss when you are just outside the Discipline Coordinator's office. You might get in trouble."

Tumango ako at sumandal sa railings, inaantay ang susunod na gagawin ni Kaley.

"Why did they do that to you?"

Pinaglaruan ko ang kamay ko nang maalala 'yung mga sinabi ng mga estudyante kanina. Mas okay kung sa akin na lang 'yun, 'no? Ang pangit naman kung alam rin ng iba. Nakaka-ano lang.

"Wala. Huwag ka na mag-tanong. Hindi mo rin naman mage-gets."

Parang naiinis siya nang tingnan ako. "I'll try my best to understand, so please tell me."

Hindi ko na siya kinausap pa. Hindi ko gustong malaman pa niya dahil hindi naman niya maiintindihan talaga. Kasi kapag lalaki ang maraming babae, okay pa sa kanila. Parang nino-normalize pa nila 'yon. Tapos kapag babae, tatawagin nilang malandi, maharot, pokpok, at kung ano-ano pa.

We're living in a fair world with unfair people living in it.

Na-suspend ang mga lalaking andoon. Tapos 'yung mga babae namang walang pakielam, ewan ko na kung ano ang nangyari doon. Hindi ko alam kung naparusahan sila o hindi.

Those who just watch others get hurt and not do anything about it are the baddest of the bad.

Nang makalabas ako sa room pagkatapos kong kuhanin ang bag ko, sinalubong ako ni Kaley. Bakit andito 'to? Hindi ba't may CAT training pa?

"Are your bruises covered?" He asked with a hint of concern. I shrugged off the thought that he's concern because I know that it's his way of flirting.

"Wala naman 'to," sagot ko. Maglalakad na ako nang bigla niyang hawakan 'yung balikat ko. "Uuwi na ako."

"Can you wait for me? I have training..."

"Daddy's waiting outside. Nasundo na niya si mommy at ako na lang ang inaantay. I won't wait for you," I told him.

Tumango tango siya. "Then I'll visit your house later."

"Why are you doing this?" Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya 'to. In the first place, paano ba siya napadpad sa library e may training nga sila?

Hindi siya nakasagot.

"Your sister told me to leave you alone. Ginagawa ko na 'yun. Bakit lumalapit ka pa sa akin?"

He looked pained and I do not know why. Bakit ba ganito siya? Pinapahirapan niya pa ako lalo when he made it clear before that I should back off.

"I'll leave you alone so I hope you leave me alone, too."

That night, I went outside to walk. Sabado bukas at mayroon akong art class sa center. Hassle dahil ang dami kong hinahabol sa school dahil ang dami kong absents, tapos may ECA pa ako sa weekends. But it's all fine because I love what I am doing.

Wearing an oversized shirt and my pajama, I sat on the swing and looked up, embracing the moon.

I find the moon really beautiful, but at the same time... tragic. Hindi ko alam pero may parte sa aking ayaw sa buwan. Maybe it was because I never liked the night. All the bad things happen when the sun's out.

Parang gusto kong magbago. I want to change my attitude, my mind set, my words, my actions. I want to change myself.

But then, mahal ko pala ang sarili ko. I love myself and I am contented with what I am right now. I am contented with my desire to be better. I love what I am right now.

I do not want to change just because of those words thrown at me. If I will change, I'll change for myself and because I want to. Hindi dahil pagod na akong masabihan ng gano'n, at hindi dahil sinasabi ng iba na magbago na ako.

Dumaan ako sa bahay ni Kaley. On the way na rin naman at madadaanan ko talaga 'to pag naglalakad ako galing sa court. I stared at their house and quietly wished for me to see him.

Dahil siya 'yung nagpapaayos ng pakiramdam ko.

Siya 'yung nagpapangiti sa akin.

Pero siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nasasaktan ako.

"Hey..."

Napalingon ako sa likod at nakita si Kaley. I bit my lower lip to suppress my sobs. Hindi ko alam pero nang makita ko siya, naiyak ako. Parang bumabalik 'yung sakit simula noong umalis si Rilynn hanggang sa nangyari kanina.

When I saw him, I felt that once in my life, I can be weak. Kaya ko maging si Nova na hindi matapang, na hindi prangka. Nang makita ko 'yung mga mata niya, naramdaman ko na pwede pala akong maging si November na mahina at iyakin. Pwede pala ako maging... ako.

"Why... Why are you crying?" Lumapit siya sa akin at inilapit ako sa kaniya.

Kaley hugged me.

"Did I make you cry? I'm sorry... It's okay to cry. Just let it out," malambing niyang sabi. Inalo niya ako at nanatili kaming magkayakap sa labas ng bahay nila.

It was a scene that's not romantic but it was a scene that will continue to play inside my head.


------------------------------------------------------------------------------

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now